Chapter 45

7 7 0
                                    

Jaiizyl

"The president will be here 10 minutes from now. Please have a seat doctor Jaii"

Nasa isang private room ako ngayon ng malacañang. Isa itong malaking kwarto na kinukulayan ng puting pintura. Malaki rin ito na sa bawat kanto ay may nakasalansang mga libro, mga obra na nakasabit sa dingding at mga mamahaling paso na naka-pwesto sa bawat gilid. Nandito ako ngayon dahil dito ako dinala ng babaeng sumalubong sakin kanina.

Alas siete ang schedule ng trabaho ko pero mas pinili kong agahan ito. kaya naman alas sais palang ay nandito na 'ko. Ayoko rin namang maging abala sa kahit na sinong tao.

Natatawa ako sa sarili ko. Tawang-tawa. Hindi ko alam kung bakit ko ba pinasok ang desisyong 'to. kung bakit pumayag akong gawin 'to. Nababaliw na siguro ako.

Sinubukan kong tanggihan si Chaos, maraming beses. Pero hindi ko narin nagawa kalaunan dahil sa paraan ng pagmamakaawa niya sakin, para bang nakasalalay dun ang buhay niya.

Pwede naman siyang tumanggi. Pwede naman siyang humindi. Bakit ginagawa niya pang komplikado ang lahat?

Tss

"Take a seat Doktora." Ulit na alok ng babaeng kakapasok lang din ng silid. Sa dating at postura niya ngayon. Mukhang siya ang sekretarya ng pangulo.

Nasa late 30s na siguro 'to kung pagbabasihan ang kilos at gawi niya. Masyado iyong pino, mabini at hindi makabasag-pinggan. Nababakasan rin ito ng disiplina't kaayusan. Mukhang numero lang sa kaniya ang traynta kung titignan naman ang pisikal na anyo niya.

"Wag kang mahiya dahil hindi mo kailangang mahiya." Malumanay na sambit nito na ngayon ay umuupo na sa coach na nasa tabi ko.

"Come on." Ulit na aya niya na ngayon ay tinatapik na ang katabing bahagi ng coach.

I sighed.

Yeah, fine.

"You must be the doctor that Altaraza's family has been sent"

"Ako nga." Tamad na tugon ko.

"You must be the best."

I glanced at her.

"Kilala ang pamilyang Altaraza sa mundo ng medisina." She stated by not giving me a glanced. "Dumadaloy na sa dugo nila ang galing at husay sa larangan 'to kaya siguro nga ay magaling ka. Mali, magaling talaga."

Walang emosyong nakabaling parin sa kaniya ang paningin ko.

Pinagsasasabi nito?

"Hindi ka naman kasi nila ipapadala rito ng walang rason. Kay Mr Altaraza humingi ng pabor ang head ng DOH para sa parting 'to, pero sa halip na isang Altaraza ang kasama ko ngayon. Ikaw ang nandito at katabi ko." Pagpapatuloy niya ng mapansin ang blangkong mukha kong mariin ang tingin sa kaniya.

"Walang espesyal sakin. Sadyang naipit lang ako." I said, emotionless.

"Naipit?" Natatawang tanong niya. "How?"

"Mahabang kwento." Tamad na tugon ko.

Hindi na siya nagpumilit pang alamin ito dahil kita naman yun sa mukha kong walang-interes na mag kwento.

Mabuti narin 'to dahil wala rin naman ako sa tamang wisyong mag-kwento ngayon.

Ilang sandali lang nun ay ang tuluyang pagbalot samin ng Katahimikan.

Isang nakabibinging Katahimikan.

Walang umimik, walang nagsalita. Tanging paghinga lang ng bawat isa ang siya mong maririnig.

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now