Chapter 52

9 6 0
                                    

Jaiizyl

Hindi ko na nakaya pang hawakan ang lakas ko dahil tila ba ito na mismo ang nagsasabing bitawan ko na siya.

Namamanhid at nanghihina ang buo kong katawan. Pakiramdam ko rin anumang sandali mula ngayon ay bigla nalang akong babagsak.

Kinakain ngayon ng galit ang puso.

Fuck! Fuck! Fuck!

"Come on, Madam. Let's Go."

Hindi ko siya pinakinggan at mas hinigpitan pa ang hawak kay Gael.

I can't leave here! Hindi ko sila iiwan!

"Ano ba Madam? Patay na siya!!! Halika na dahil hindi namin kakayanin kapag ikaw mismo ang nawala!!"

Hindi na 'ko nakapanglaban pa dahil sadyang wala ng lakas ang katawan ko.

Gusto kong maiyak. Gusto kong magsisigaw.

Halos sumabog ang puso ko sa matinding emosyong nararamdaman ko ngayon.

Ang sakit, ang sikip, ang bigat.

Tang na.

Tang na.

Tang na.

Sapilitan niya akong binuhat at mabilis na itinakbo papalabas. Para akong lantang gulay na wala sa sariling tulalang nakatingin sa papasarang elevator.

Subalit, bago paman sumara iyon. Bigla uli'ng nabuhay ng ilaw ng lugar at doon, doon nakita ng sarili kong mata ang mga kasamahan kong naliligo na sa sarili nilang dugo.

Nagpupumiglas akong sinusubukang umalis sa pagkakarga sakin ni Dray nang hindi ko na makayanang makita ang mga kasamahan kong isa-isa na ngayong lumalamon ng bala.

Halos talunin ko na ang elevator para lang makabalik uli sa lugar na yun. Gusto kong takbuhin uli ang lugar na yun para kunin kahit ang bangkay na lamang nila ngunit hindi ko narin nagawa kalaunan dahil ilang segundo lang nang makalabas kami ay siyang pagsabog ng lugar.

Ang reynang bigong iligtas ang mga tao niya.

Ang mahinang reynang pinagbuwisan nila ng buhay.

Ako ang reynang yan.

Ang reynang nagpahamak sa kanila.

Dalawang dosena kaming pumasok sa lugar na yun, subalit apat nalang kaming nagawang makalabas ng buhay.

ᜑᜑᜑ

Your votes and comments are highly appreciated 🖤

Embracing Her (ON-GOING)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum