Chapter 33

12 6 0
                                    

Wyath

"What's happening to you?" I asked in antonishment when I noticed her crying.

Nagpalipat-lipat ng tingin ko kay Callif at sa kaniya ng mapansin ang mata niyang nakatuon sa kaibigan kong gulat naring nakatingin sa kaniya.

Mabilis niyang pinunasan ang luha at wala sa sariling tumingala matapos ang ilang segundong pako ang tingin sa lalaking kaharap.

They're staring each other na para bang matagal na silang magkakilala at ngayon nalang ulit nagkita.

Naguguluhan ako kung bakit ganyan kabigat ng titig nila sa bawat isa, kung bakit ganyang ang reaksyon nila ng makita ang isa-isat at mas lalo na kung bakit umiyak si Jaiizyl ng makita si Callif.

Magkakilala ba sila?

Sa loob ng halos limang buwan kasama ito. Masasabi kong nakita ko na ang iba't-ibang emosyong ikinimkim niya, pero sa lahat ng yun, ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

Umiyak sa mismong harapan ko.

Sa itsura niya ngayon, para siyang hinang-hina at pinipilit lang magpakatatag.

Para bang konti lang ay bigla nalang siyang bibigay sa kinatatayuan niya.

Na konti lang ay bigla nalang siyang hahagulgol.

Kitang-kita ko ang pag-usbong ng sakit sa mata niya.

Kitang-kita ko rin ang panginginig ng katawan niya.

Can someone tell me what's going on?

---

"Hey, Viglianco!"

Napalingon silang lahat sa lalaking papalapit narin samin ngayon ng marinig ang boses nito. Sinalubong nila ng ngiti si Hunter na ngayon ay mabilis na ang lakad sa pwesto namin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa kaniya.

Sa kanila.

Walang salita, walang kibo. Walang miski isang letrang lumabas sa bibig nila subalit sapat na ang mga mata nilang nagpapahayag ng damdamin ng bawat isa.

Nakakapagtakang makitang ganito si Callif ngayon.

Para siyang biglang nanamlay at nanghina sa dating ng itsura niya.

Sa loob ng ilang taong kasama ko 'to, ngayon ko lang nakitang maging mahina ang engineer na 'to.

He's a beast in everything pero ngayon, para siyang tupang naghahanap ng mag-aalaga.

Weird.

"Viglianco."

Napabaigtad siya bigla ng tapikin ni Melendez ang balikat niya ng tuluyan itong makalapit sa kaniya.

Kakauwi lang ni Hunter galing Sydney at dito na 'to dumiretso ngayon. He went here without telling everyone.

Para 'tong kabute'ng bigla-bigla nalang susulpot.

"Comfort room lang ako."

Wala sa sarili akong napalingon sa kaniya ng marinig ang babasaging boses nito.

Bakas dun ang sakit na pinipigilang ilabas.

Ang panghihinang sinusubukang labanan.

I looked at her with so much confusion.

Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.

Naguguluhan ako.

"O---" Hindi ko paman natatapos ang sasabihin ko ng bigla na siyang tumalikod at umalis.

"Yeah. Go ahead." Hindi na ako nag-abala pang halungkatin kung anong pinag-usapan ng mga loko dahil sa ngayon.

Siya ang mas importante sa lahat.

I need to follow her.

---

Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makapunta ng Comfort room.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon.

Kung bakit balisa rin.

Kung bakit nag-aalala't natatakot ako para sa kaniya.

Siya ang babaeng ayaw ng nililigtas siya.

Siya ang babaeng kayang-kayang ipaglaban ang sarili niya.

Pero bakit ganun?

Bakit kinakabahan ako para sa kaniya?

-

Nang tuluyang nakaharap ang pinto ng Comfort room. Agad kong kinalma ang sarili ko at tahimik siyang hinintay na lumabas, pero umabot ang halos sampong minuto.

Ni Anino niya hindi ko mahagilap.

Sinubukan ko naring pasukin ito ng hindi ko na makayang hintayin nalang siya pero nung tuluyang makapasok.

Hindi ko manlang siya makita.

Where are you Jaiizyl?

-

Mabilis kong tinakbo ang hallway at hinalughog ang buong lugar pero kahit saan ako tumingin, hindi ko talaga siya makita.

Baka naman iniwan na 'ko ng isang yun?

I shut my eyes off.

Subukan niya lang.

Subukan mo lang.

I was about to step away, ng biglang mahagip ng paningin ko ang nakauwang na pinto sa dulo ng hallway.

Sa tingin ko pinto ito palabas at mukhang sa rooftop ang kabila.

Wala sa sarili ko namang inihakbang ang mga paa ko ng mapansin ito.

At habang papalapit, hindi ko maiwasang kabahan.

Kabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Kinakabahan ako sa kung anong pwede kong madatnan sa kabila nito.

Kinakabahan sa kung anong posibleng mayroon ang lugar na yun.

I was also afraid of the truth I might find out the moment I step my feet there.

I can't help myself thinking.

Nakakabaliw.

--

Hindi gumawa ng kahit na anong ingay ang pinto dahil sa marahan kong pagbukas rito.

Mabilis ko namang iginala ang paningin ko sa kabuoan ng rooftop. Pero sa bawat suyod ko nito, wala parin akong makitang bakas niya.

Madilim ito at tanging liwanag lang ng kalahating buwan ang nagbibigay ng liwanag.

Nang mapagtantong wala akong mapalala rito, there I decided to leave. Susubukan ko na sanang tumalikod ng bigla akong mapahinto ng mapansin ko ang anino ng isang taong mahigpit ang yakap sa babaeng pamilyar na pamilyar ang tindig sakin.

Fuck.

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now