Chapter 44

6 5 0
                                    

Jaiizyl

I'm in the mall right now with Wyath and Ann. We will attend Kaye's wedding tomorrow-Ann's cousins. Biglaan ang imbitasyon samin kaya mabilis kaming napatakbo rito ng wala sa oras para bumili ng regalo.

Ayoko sanang pumunta ang kaso, pinipilit ako ni Ann. Kinukulit rin na kung minsan ginagatungan ni Wyath. Kahit kelan mga buwaya sakin ang dalawang yun. Lagi akong pinag-iisahan.

Tss

Hindi ko alam kong ano ba'ng ibibigay ko. Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong bagay. Wala rin akong masyadong alam kay Kaye. Kaya anong ibibigay ko? Kung ano nalang sigurong mahawakan ko.

"Doctor Jaii, Look." Agad akong napalingon sa kaniya ng marinig ang tawag nito. Nasa likod ko sila ni Wyath habang panay tingin ng mga damit.

"Ang cute diba?" Tanong niya sakin na ngayon ay ipinapakita na ang dilaw na bohemian dress.

I frowned and placed my eyes on her.

"Anong gagawin mo diyan?" I lazily asked while now crossing my arms.

"Gusto kong bilhin. Ang ganda kasi eh." Inosenteng saad niya habang isinusukat pa 'to sa sarili.

"Buy it then. Just pick all you want. I'll buy it for you." Nakangiting singit nung isa.

Ito na naman ang pabibo.

Iba din pagyayamanin.

Tss

"Really kuya Wyath?" Makislap ang mata niyang ginawaran ito ng yakap.

She really love to hug when she's happy.

Para namang baliw ang isang sinipat ako ng tingin. Nagmamayabang na mas close na sila ngayon ni Ann.

I rolled my eyes.

Tss

"Of course. Just don't hesitate to get what you want."

"Yabang." Wala sa sariling nabanggit ko habang nakatuon na ngayon ang paningin sa bagay na hawak ko.

Ang hangin. Liparin ka sana.

"May sinabi ka?"

"May narinig ka?"

"Meron."

"O bakit nagtatanong ka pa?"

"Hindi malinaw."

"Problema mo na yun."

-----

Humiwalay na muna ako sandali sa kanila at pumunta na muna sa section ng house items. Naisip ko na mas maayos parin ang praktikal.

Kumpleto sa mga items ang shop na 'to. Pagdating sa mga kitchen items, I guess. Lahat ng mga necessities nito, nandito lahat.

I went first to the first stall. Duon nakahelera ang mga plato, kutsara, baso etc. Importante ang mga bagay na 'to sa mga bagong kasal. Mas maayos siguro kung ito nalang ang ibigay ko sa kanila para hindi narin nila kakailanganing mamili pa.

Sandali ko munang sinipatan ng tingin ang mga items na yun. Pagdating sa mga bagay na bibilhin ko. Masyado akong nagiging masuri. I prefer Quality than Quantity. Walang kwenta kung marami nga pero madali namang masira. Kapag ganun, bibili ka lang ulit, gagastos na naman at do-doble lang. Mas mamahalan ka kapag ganun. Sa huli, walang kwenta lang din. Mas mabuti na yung mahal atleast sigurado kang magtatagal.

I was in the middle of getting a dosen of spoon and fork when someone's hand hold it too.

"I'm sorry." Mabilis na agap nito na agad ring binawi ang kamay.

Malumanay ang boses nito na mababakasan mo ng pagkapahiya.

I slowly turned my head on her. Doon nakita ko ang maamong mukhang alangan ang tingin sa pwesto ko. Sa kilos niya ngayon, para bang ito ang unang beses niyang gawin ang bagay na 'to.

Ilang ito't nahihiya.

Mataman ko siyang pinagmasdan pero kahit saang parte ko ibaling ang mga mata ko. Wala akong makitang kahit na anong bakas ng kapintasan sa babaeng katabi ko ngayon.

Mahinhin ito at mukhang mahiyain.

"Take it. Kukuha nalang ako ng akin." Halos tarantang saad niya na pwinesto pa ang kamay sa gitna, senyas na huwag kong ibigay sa kaniya.

"No it's fine. Ako nalang ang maghahanap ng akin." I softly uttered habang iniaabot na sa kaniya ang hawak na kutsara't tinidor.

Para siyang babasaging bagay na kailangang ingatan dahil konting tabig lang, siguradong sira ito.

"No, no. I'm fine. Take it Ms." Nag-aalangan subalit nakangiti niya ng sambit ngayon.

Para siyang literal na anghel na nagbalat tao. Wala akong mahanap na kahit na anong mali, imperpekyon at kapintasan sa kaniya, pisikal man yun o hindi.

Hindi na 'ko nakipagtalo pa at hinayaan nalang siya sa gusto.

Madali naman akong kausap.

"By the way, Hi."

I quickly turned to her when I heard her greeting.

I let out a small smile.

"It is actually my first time doing this stuff kaya medyo alangan ako. Pagpa-sensyahan mo na." She softly stated.

"I'm getting married 1 month from now. Gusto kong kahit sa ganitong paraan manlang magawa ko para sa kaniya at para narin sakin. Gusto kong sumubok ng bago at matuto, dahil buong buhay 'ko nakakulong lang ako sa bahay."

Blangko akong binalingan siya ng tingin.

"Why?" Kaswal na tanong ko habang nilalaro ang hawak na kutsara.

"I'm shy hehe." She chuckled. "Dahil dito kaya hindi ako nagkaroon ng kaibigan. Mas gusto ko kasing sa bahay kaysa gumala. Kaya ang iba na kabaliktaran ang ugali ng sakin. Iniisip na alone akong tao. Alone na kung minsan tinutumbasan nila ng loser."

"Why telling me this?" Mahinang tanong ko.

Napaka-weirdo naman kasing kwentuhan ka ng isang estranghero.

"I don't know. Maybe because I find you as someone who don't take things personal." She immediately replied while now smiling at me.

"Ma'am"

Napatigil kami bigla ng makarinig ng boses galing sa likod na siyang tumawag sa kaniya. Mabilis niya naman itong nilingon at sumenyas sa babae.

"I'll go ahead. By the way I'm Elise, and yours?"

Hindi ko na nagawang sagutin pa ito dahil mabilis na siyang sinundo ng babaeng tumawag sa kaniya kanina.

Mukhang nagmamadali.

I was left there while watching them as they walk away.

Elise? Bakit parang pamilyar?

ᜑᜑᜑ

Your votes and comments are highly appreciated 🖤

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now