Chapter 28

11 7 0
                                    

Wyath

Alas-tres na ng madaling-araw ng makauwi ako ng mansiyon.

Nagpalipas muna kasi ako ng ilang oras sa club ni Madrigal. Dahil tang ina, pano ako matutulog matapos ng nangyaring yun kanina?

Paano ako pipikit ng hindi ko maaalala ang pangyayaring yun?

Kung pwedeng lang magpabagok. Baka kanina ko pa ginawa.

Pasuray-suray akong tinutunton ang daan papuntang main door ng mansiyon ng masipatan ko ang isang taong nasa gilid nito at nakayuko sa sariling binti.

Nahaluan man ng alak ang sistema ko, malinaw sakin kung sino ang taong yun.

Hindi ko man siya maaninag ng maayos dahil sa espirito ng alak sa katawan ko, kilalang-kilala ko naman na ang tindig niya para masabing siya nga iyon.

Ang taong hindi ko inaasahang sasalubong sakin sa oras na 'to.

Ang taong hindi ko inaasahang makikita ko sa sandaling 'to.

Nakakatawa.

-
Nang tuluyang makalapit sa kaniya. Marahan muna akong yumuko para silipin kong tulog nga 'to o hindi.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong natawa ng makitang tulog nga ito.

"Kahit saang lugar talaga makakatulog ka." Mahinang bulong ko habang patuloy na pinagmamasdan siya.

Nakasandig siya ngayon sa gilid ng pinto habang yakap ang sariling binti. Nasa kanang bahagi niya ako dahil doon nakaposisyon ang ulo niya.

Pansin ko sa kaniya nitong nagdaan na kaya nitong makatulog sa kahit na anong lugar.

Kapag gusto niyang matulog kahit gaano pa kaingay, kainit, kawalang-tao.

Makakatulog siya.

Weirdo man pero matutulugin ang isang 'to at ugali niya ang manipa kapag iniistorbo siya sa tulog.

Eysst

-
Napag-desiyonan kong sandali munang umupo sa tabi niya. Hindi ko kasi alam kong gigisingin ko ba siya o hahayaan dahil baka bigla nalang akong tumilapon kapag nagkataon.

Dahil sabi ko pa nga, mahilig 'tong manipa at kahit sino hindi ito mag-aalangang sipain.

Ang sakit pa naman.

Tulog siya ngayon pero pakiramdam ko sapat na ang presenya niyang yan para pagaanin ng kaunti ang bigat sa dibdib ko.

Nakakatawa na sa maliit na presenya niyang yan ay nagagawa niyang bigyan ako ng panandaliang kapayapaan.

Kahinahuna't katahimikan.

Dahil aaminin ko na hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko napansin na ganun na pala ang nararamdaman niya sakin.

Hindi ko inakalang mapupunta kami sa ganitong sitwasyon.

Na aabot kami sa ganito.

Gusto ko mang bugbugin ang lalaking yun kanina, hindi ko rin nagawa.

Dahil kasabay ng paglabas ng mga salitang yun sa kaniya ay siya ring pagtakas sakin ng lakas.

Sa isang salitang yun, isang punyal ang tumatarak sa puso ko.

Tagos na tagos yun.

At hindi ko maipagkakailang masakit.

-

Nasa ganoon akong posisyon ng bigla siyang magmulat.

"Where have you been?" Biglaang tanong niya ng diretsong tumama sakin ang mata nito.

Hindi ko alam subalit rinig ko ang pag-aalala sa boses nito.

"Diyan diyan lang." Mahinang tugon ko habang nakatingin na sa kawalan.

"Uminom ka ba?" Magkadugtong na kilay na tanong niya.

Naaamoy niya siguro.

"Yeah." I immediately replied.

"Ba't ka uminom ng marami? Pano kung nagkataong bumangga ka kanina?"

"Edi ayos." Wala sa sariling tugon ko.

Mabuti nga kung ganun eh.

"Punyikis ka. Wag mo 'kong sagutin ng ganyan dahil sisipain kita." Inis na pagbabanta nito habang magkadugtong parin ang kilay.

Kahit kelan ang hilig mong manipa.

"Pede naman, pero wag muna ngayon." Nanghihinang sagot ko na ikinatahimik niya bigla.

Dahil rito kaya pansamantala kamimg nilukob ng katahimikan.

Pareho kaming hindi muna kumibo habang nilalanghap ang katahimikan ng paligid.

Ang sariwang hangin sa malamig na madaling-araw.

"May mga bagay na nangyayari na kahit ayaw nating mawala, wala rin tayong magagawa."

Bigla akong napalingon sa kaniya ng marinig ang sinabi niyang yun. 

Nakaharap siya ngayon sa kawalan pero pakiramdam ko para sakin ang mga salitang yun.

"Wag mong sisihin ang sarili mo kung bakit pinili nilang umalis at talikdan ka, dahil kahit ano pang pilit nating manatili sila sa tabi natin. Na kahit gaano pa natin kagusto na wag silang hayaang umalis, hindi rin natin magagawa. Because some things are meant to come into our life but just not meant to stay. Yang ang katotohanang hindi natin matatakbuhan."

Ng mabigkas ang huling linya. Doon siya lumingon sakin.

"Don't blame yourself just because they chose to leave you. If they really love you and deserve to be by your side. You don't need to beg them to stay dahil kusa nila yung ibibigay sayo."

Hindi ko alam kung bakit tila bumaon sakin ang mga sinabi niyang yun.

Alam kong wala siyang alam sa kung anong nararamdam ko ngayon pero bakit sa isang salita lang niya ramdam na ramdam ko yun?

Inaalo ako ng mga sinabi niyang yun.

"Matuto kang tanggapin at bitawan ang mga bagay na nawala sayo. Wag mong panghinayangan ang mga taong piniling talikdan ka at mas lalong wag mong hayaang sirain ka nito dahil sa huli. Ikaw ang kawawa. Huwag mo silang bigyan ng kapangyarihang sirain ka."

Nakatingin siya sakin habang sinasabi ito.

Animo'y pinaparating na para sakin nga iyon.

"Halika kana."

Taka ko siyang tinignan ng marinig ang sinabi nito, hindi ko siya maintindihan, pero sa halip na makakuha ng salitang sagot, magkadugtong na kilay lang ang naging tugon nito.

"Halika na. Matulog kana." Marahang saad niya saka nakangiting iniabot sakin ang kamay niya.

Ang kamay na hindi ko inaasahang lalahad sakin ngayon.

Ang kamay ng taong hindi ko inaasahang makakaramay ko sa mga oras na 'to.

Salamat, Jaiizyl.

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now