Chapter 25

13 8 0
                                    

Jaiizyl

"Bakit mo 'ko sinusundan?" Isang kabadong boses ang nagpalingon sakin sa kaniya.

Sinusundan?

Kalalabas ko lang ng club ng magkataong mabunggo niya ko.

Nakaakay siya kanina sa lalaking kahalikan habang pasuray-suray na naglalakad palabas ng club.

Tuluyan ng nawala sa tamang katinuan.

-

Dahil sa epekto ng alak sa sistema nito kaya nabunggo niya ko na nakilala rin naman kalaunan dahil sa liwanag ng ilaw sa labas.

Siya ang nakabunggo pero ako ngayon ang pinagbintangan.

Tss

"I said, why are you following me?" Nanginginig ang kamay niya habang matalim ang tinging sinalubong ang mata ko.

"Hindi kita sinusundan." Marahang tanggi ko sa akusa nito.

Pakialam ko sayo.

"Wag mo 'kong nilolokong babae ka!" May kalakasang sigaw niya ng hindi makuha ang gustong sagot.

Bakit ba ang hilig manigaw ng babaeng 'to?

Hindi niya ba alam na ang lakas ng bunganga niya?

Nakakarindi.

"Sino ba satin ang manloloko?" Malamig na balik ko ng tanong sa kaniya, dahilan para gulat naman siyang bumaling sakin ng tingin.

I smirked.

"Don't you dare tell this to Wyath!" Kabadong-kabadong sigaw niya ng makuha ang gusto kong ipabatid. "Don't you fuckin' dare tell this to Wyath."

Nervous, huh?

"Bakit? Takot kang malaman niya yang mga kagaguhan mo?" Magaspang na tanong ko habang nilalabanan ang matalim na titig nito.

Takot kang mabuko niya yang mga kalukuhan mo?

"Edi sabihin mo! Ako pa ngayon ang tinakot mo?" Matigas na usal nito habang pinandilatan na 'ko ng mata.

Tss

"Hindi kita tinatakot. Wala akong paki kung anong gawin mo diyan sa buhay mo, pero wag na wag mong subukang dagdagan pa yang kagaguhan mo dahil hindi mo alam kung paano gumanti ang karma." Matapang na banta ko na mas ikinagalit niya pa.

"Bakit ba sobrang apektado ka ha? Ano bang pakialam mo kung mag-ipon ako ng maraming lalaki?"

At proud ka pa ngayon?

"I don't care." Walang ganang tugon ko.

"Walang paki pero ganyan ka kung magbanta sakin?" Sandali siyang tumigil at mataman akong tinignan "Sandali nga,may gusto ka ba kay Wyath?

I smirked when I heared what she said.

Ako? May gusto sa lalaking yun?

Asa

"Wag mo kong tinutulad sayong gago, dahil hindi ako kasing tanga mo na tinakbuhan na ng utak. Wag mong ibalik sakin ang sisi dahil ikaw mismo ang gumawa ng ikasisira niyong dalawa." Malamig na saad ko na ikinadilim naman ng titig niya.

"Hindi ako ang may kasalanan kung bakit napili kong maghanap ng iba." Mabilis na depensa niya. "Siya ang nagbigay sakin ng dahilang gawin yun dahil lagi siyang walang oras sakin! Naiintindihan mo ba 'ko ha?! Naiintindihan mo ba?!" Sigaw niya na ikinalingon naman ng ibang naroon.

Galit ka pa ngayon?

Sinabi ko bang mag-explain ka?

"Wag mo 'kong sigawan dahil hindi ako bingi. Wag mo rin akong bungangaan na para bang obligado akong sagutin ka. Kung hindi man kita sinagot wala kanang paki dun. Huwag mong ugaliing sigaw-sigawan ako lagi dahil hindi ko alam kung saan mo pupulutin yang bunganga mo kapag napuno ako sayo." May kalakasang banta ko.

Ganunpaman, napupuno iyon ng lakas at awtoridad.

Dahil sinong nagsabi sayong pwede mo kong sigaw-sigawan?

Subukan mo 'kong sigawan ulit at ng dumugo yang bibig mo.

"Wag mong isisi kay Wyath kung bakit ka nagkaganyan. Wag mong idahilan na dahil lang sa nawalan siya ng oras sayo kaya nagloko ka dahil sa lahat ng tao, ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kaniya. IKAW DAPAT. Inaasahan ka niyang manatili sa tabi niya." Marahang usal ko habang sinasalubong ang matalim na titig niya.

Hindi siya nakakibo.

Patuloy na prino-proseso ang sinabi ko.

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko." Wala sa sariling depensa niya.

"Hindi nga ako ang nasa posisyon mo. Magkaganun paman, hindi ko gagawin ang ginawa mo."

"Wag kang umaaktong parang bang ang linis-linis mo!!!" She shout sarcastically while her hawk eyes are killing me to death.

"Hindi ako nagmamalinis." Walang ganang tugon ko na tuluyan namang ikinadilim na titig niya.

Hindi ako nagmamalinis dahil alam ko mismo kung ano ang pakiramdam ang biglaang talikdan.

"Wag kang makasiguro dahil baka hindi nga lang 'to ang magawa mo kung sakali." She said mockingly, giving me an evil smile.

"Tumigil ka dahil hindi ako kasing tanga at Gago mo. Siguraduhin mo lang ng hindi ka iiyak sa huli dahil ako mismo ang sisipa sayo kapag nagkataon"

"How dare you!?" Galit na sigaw niya habang ipinu-pwesto ang kamay sa ere.

Bigla ko namang nasalo ang kanang palad niya na siya sanang hahalik sa mukha ko.

Kahit kelan ang hilig mong manakit.

"Wag mong subukang ilapat yang kamay mo sakin dahil siguradong hindi mo magugutuhan ang ganti ko." Malamig na banta ko na ikinalulon naman niya.

"Wag mong ugaliing manakit sa tuwing mapipikon ka, Ayesha. Ang lakas mo pa namang mampikon tapos kapag ikaw na, dinadaan mo lagi sa dahas." Malamig na banta ko habang madiing kawak ang kamay niyang dadapo sana sa mukha ko "tigil-tigilan mo yang ugaling yan dahil hindi mo alam, baka isa sa taong dadapuan niyang kamay mo ang tatanggal sa hininga mo."

Bakas ang takot sa mata niya dahil sa sinabi kong yun. Ganundin ang marahang pagpikit nito dahil sa madiing hawak ko sa kamay niya.

"Wag mo 'kong sinusubukan dahil hindi lang sampal ang ibabalik ko sayo kapag nagkataon." Pagpapatuloy ko."Kung ayaw mong may nakakakita sa inyo, siguraduhin mong sa pribadong lugar na kayo sa susunod. Subukan mo namang gamitin yang utak mo at nang hindi kalawangin." Sarkastikong saad ko saka walang ano-anong tinalikuran siya't umalis.

Tss

ᜑᜑᜑ

Your votes and comments are highly appreciated 🖤

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now