Chapter 48

11 6 0
                                    

Jaiizyl

Kaka-park ko lang ng kotse ko sa building kung nasaan ang condo ko. Ala-sais palang ngayon at katatapos lang ng trabaho ko. Pinili kong dumiretso nalang ng uwi kaysa tumambay sa club dahil gusto ko rin namang magpahinga ng maaga. Medyo pagod kasi ako ngayon dala ng halos punong schedule ko ngayong araw.

I was about to open the door of my car when I noticed some shadows near in the entrance of the building.

Hindi lang yun isa kung titignang maigi. Hindi rin dalawa. Tatlo ba? pero mukhang hindi lang eh.

Pinagmasdan ko muna 'tong mabuti bago ako lumabas dahil nagtataka rin ako kung sino marahil ang mga 'to. Hindi ko sila masyadong mamukhaan dahil medyo may kalayuan ang pinag-park'han ko sa pwesto nila.

Nasa ground floor ito pareho pero nasa may bandang pinto sila, pintuan papasok ng building na medyo may kalayuan sa pwesto ng kotse ko.

Hindi naman madilim ang lugar, hindi ko lang sila masyadong makita dahil nakatalikod sakin ang mga 'to.

Out of curiosity I decided to get out and walk into the building. Subalit hindi paman ako masyadong nakakalapit sa kanila ng bigla na silang mamukhaan ng mga mata ko.

Fuck!

Gusto kong tumalikod at bumalik ng kotse pero hindi ko na nagawa pa dahil may isa ng tumawag sakin na kumuha sa atensyon ng lahat.

"Ayun na siya!"

Hindi na 'ko nakahakbang pa dahil sa biglaang pagtakbo ng mga 'to sa pwesto ko.

"Good. Your finally here." Boses iyon ni Zach na papalapit na ngayon sa pwesto ko.

I automatically shut my eyes.

"kanina ka pa talaga namin hinihintay, Madam." Singit ni Dray sa usapan.

"Sumama ka samin. May pupuntahan tayo." Pagkasabi niya rito ay siya niyang panghatak sakin paalis.

Nayari na.

---

Halos tatlumpung minuto ang itinagal ng biyahe namin bago kami tuluyang makarating sa isang pamilyar na lugar.

Hindi tulad ng dati, mukhang napabayaan na ang lugar na 'to kung papansinin ang ilang nakaharang na bagay sa harap nito. Ang mga matataas na damo sa harap nito ang siyang nagbigay rito ng imaheng tila ba ibinanduna.

"Naghihintay ang iba sa loob. Halika na."

Hindi ko na nagawang pansinin pa ang sinabi nito dahil tuluyan ng napako ang paningin ko sa bahay na nasa harap ko ngayon.

Ang makatayo uli sa harap ng bahay na 'to ang nagpabalik sakin ng mga ala-ala nang pagiging mahina ko.

Ang kakulangan kong protektahan sila ang nagtulak sa kanila sa kabilang buhay.

Isang madilim na ala-alang nagpapaalala sakin kung paano namatay ang mga kasamahan ko pitong taon na ang nakakaraan.

ᜑᜑᜑ

Your votes and comments are highly appreciated 🖤

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now