Chapter 29

14 7 0
                                    

Jaiizyl

Mabilis siyang umalis ng mansiyon ng maging epektibo ang resulta ng halos dalawang buwang therapy nito.

Kita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya nung tuluyang niyang maabot ang kamay ko.

Bakas ang sobrang tuwa sa mukha niya ng tuluyan na nga uli siyang makalahad.

Ang halos dalawang buwang pagtitiis sa kalagayan niya ay natapos narin sa wakas.

Tapos narin ang halos dalawang buwang paghihintay.

Tapos narin ang halos dalawang buwang pagtitiis.

-

Pilit sarili ang ginawa ko habang tinatanaw siyang marahang naglalakad patungong sa direksyon ko.

Nag-aalangan siya at kabado habang dahan-dahang inihahakbang ang paa nito.

Hindi ko man ipakita.

Kabado rin ako sa mga sandaling yun.

Pinipigilang ko lang dahil alam kong kaya niya.

KAYA NIYA.

Kaya naman nung oras na halos tumumba na siya. Halos takbuhin ko ang kinatatayuan niya dahil rito. Mabuti na nga lang at nagkataong nasa tabi nito si Josh kaya hindi ito tuluyang yumakap ng damo.

Dahil rito, mas nabakas ko ang dumobleng tensyon at frustrasyon sa mukha niya.

Tumigil siya sandali at nagdadalawang isip kung tutuloy ba.

Hindi ko na talaga gustong manuod nalang pero kahit gaano ko paman kagustong puntahan siya.

Pinipigilan ako ng mga paa kong gawin yun.

Kailangan kong maghintay.

"Hoy?" Malamig na tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya naman agad.

Kung tinatanong mo kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

Hindi ko rin alam.

"Bilisan mo, nahuhuli kana."

Kita ko ang pagkunot ng noo niya ng marinig ang sinabi kong yun.

Bilisan mo kung gusto mo pang may maabutan.

Hindi siya kumibo at patuloy lang akong takang pinagmasdan.

Bilisan mo.

-

Hindi ko napigilang ilabas kong gaano ako kasaya nung tuluyang maglapat ang kamay namin.

Hindi ko na nagawang pigilan pang ngumiti ng makitang sa wakas ay kaya niya na.

Kita ko ang determinasyon sa kaniyang makalakad uli kaya ganun nalang ang saya ko ng sa wakas ay nagawa niya nga.

Nagawa niya nga.

Finally.

At ng magawa ang paghuling test at masigurong kaya niya na nga. Hindi ko alam kung bakit tumakbo ang paa ko para sundan siya ng makitang mabilis itong umalis.

-
Nang makarating sa destinasyon nito. Halos lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ito.

Napatigil lang ako ng makita ang isang babaeng nagbukas ng pinto.

Nag-usap sila sandali ngunit hindi ko rin narinig dahil medyo may kalayuan ako sa kanila.

Nasa harap ako ng bahay at nakasandig sa punong kaharap nito.

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now