Chapter 19

20 6 2
                                    

Jaiizyl

I stayed at the garden while waiting for the time to reach 12. Lumabas na muna ako ng mansyon at nagpasiyang magpalipas na muna ng ilang oras dito sa labas.

Nakatingalang nakapikit ako ngayon habang nilalasap ang malamig at preskong hangin.

Mmm

Narinig ko kanina kay Yna na umalis na ang babaeng yun.

Wala naman akong pakialam kung magkasama kami sa loob ng bahay na yun.

Bakit? dahil wala naman akong pakialam sa kaniya.

Sa kanila.

Ganunpaman, napag-desiyonan ko parin na pumunta rito dahil gusto ko.

Gusto ko, dahil ayokong mag-stay lang sa loob at tumunganga ng ilang oras.

Nakakabagot.

Bukas pa kasi magsisimula ang therapy ni Wyath kaya ngayon ay ang pagpapa-alala lang sa kaniyang kumain at pagpapainom sa kaniya ng gamot ang siyang ginagawa ko.

Gusto ko mang umalis at pumunta na muna ng Ospital. Hindi ko magawa dahil sa buong linggong 'to, sa kaniya ako ng buong araw.

Maybe next time.

Nasa ganoon parin akong posisyon ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Doktora."

Ng marinig ito, agad kong iminulat ang mga mata at tinunton ang pinagmulan ng boses.

There, I saw Yna running in my direction.

"Doktora." Hangos na tawag nito.

"Why?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya ng mapansing namumutla ito.

"Is there something wrong?" Taka paring tanong ko nang hindi siya sumagot.

What's going on?

"Si Sir doktora." Halos mapaiyak itong pilit naglabas ng salita.

Bigla akong nilukob ng takot sa nakikita kong itsura niya ngayon.

Ano bang nangyayari?

"Why?" Ulit na tanong ko at marahan siyang niyugyog sa balikat.

"Si Sir doktora." She pause "Si Sir, Inaapoy ng lagnat." Pagkasabi na pagkasabi niya nito ay siya ring tuluyan niyang pag-iyak.

"Ano?" Wala sa sariling tanong ko at mabilis na tinakbo ang daan papasok ng mansion.

Ngayon, maraming senaryo ang pumapasok sa isip ko dahil sa sinabing yun ni Yna.

Paanong nilalagnat siya ngayon kung maayos naman siya kanina?

-
Nang makaharap ang pinto ng kwarto niya.

Huminga muna ako sandali para pakalmahin ang sarili ko.

I breath.

Inhale,Exhale.

Nang umayos na ang paghinga ko.

Doon ko na pinihit ang doorknob ng kwarto niya.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Una agad na hinanap ng mga mata ko siya na hindi naman ako binigo.

Nakahiga siya ngayon ng kama at mahimbing ang tulog.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at marahang kinapa ang noo niya.

Embracing Her (ON-GOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя