Chapter 38

12 7 0
                                    

Jaiizyl

"Doctor kana pala." Namamanghang saad niya habang nakangiting sinuyod ang kabuoan ng itsura ko.

"As you can see." Mahinang tugon ko habang nakatingin na ngayon sa kawalan.

Nasa rooftop kami ngayon at nag-uusap. He asked my time to talk na tinugon ko naman.

Sa loob ng isang linggo, naging maayos naman na ang pakiramdam ko tuwing nasa tabi ko siya. May mga pagkakataon na hindi ko maipagkakailang may epekto parin siya sakin ngunit hindi naman na yun katulad nung una.

Marahil ay nabigla lang talaga ako dahil masasabi kong biglaan nga talaga ang pagkikita namin.

Hindi ko kasi inasahan na magkikita uli kami. Ni maisip nga hindi ko magawa, asahan pa kaya?

Kaya naman hindi na nakapagtatakang ganon ang naging tugon ko.

--

Nag-uusap kami ngayon ng hindi na ganoon katindi.

Hindi na 'to katulad nung una na mabigat sa dibdib.

Hindi narin katulad nung dati na masikip at masakit.

I now maybe slowly trying to release the pain. I guess.

"I never expect you to wear a doctor's coat." He amazingly said while still scanning me.

I nod.

"Me either, but everything changed the moment you decided to walk away from me." I immediately replied, not giving him a glanced.

Because of this, he immediately turned his eyes on my face that made our eyes met.

"I'm sorry." He uttered.

I turned to him, smiling.

"You don't have to. Tapos na, hayaan na natin."

Isa sa gusto kong gawin mula ngayon ay ang hayaan at bitawan na ang nakaraan.

Dahil hangga't maari, ayoko ng patuloy na matali pa rito.

Hangga't maari, gusto ko ng tuluyang makalaya.

Gusto ko ng matanggal ang pagkakaposas ko sa kadenang ilang taong nagkulong sakin sa kadiliman.

Gusto ko na uli'ng makahinga.

Makahinga ng walang kahit na anong inaalala.

Makahinga na hindi ko na kakailanganing masaktan.

"How about you, How's your life?" I asked, trying to let out a small smile.

"I am now an engineer. I continued my studies in states and currently working on new York."

"I see. That's great."

Thats great.

I'm glad to hear that.

"How about you? Why didn't you pursue architecture? It's your passion right? Bakit hindi mo itinuloy?"

I looked up at the sky again. Slowly shutting my eyes and breath.

"Ewan ko." Marahan akong natawa. "Maybe because I realized na hindi talaga architecture ang para sakin." I smile while now inhaling the fresh air.

"Why not? I know how much you want to be an architect. How come?" He asked curiously.

"Wanna hear the truth?" There, I looked at him.

He didn't speak.

I smiled.

Your still the same Daz.

"Dahil kasabay ng pag-alis mo ay ang pagkawala ng mga interes ko sa mga bagay na sabay nating binuo." I started. "Sa mga bagay na yun. Naalala kita, at sa tuwing nangyayari yun. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakakakita ako ng mga bagay na may bakas mo. Nasasaktan ako sa tuwing nakakarating ako sa mga lugar na dati nating madalas puntahan. Dahil dito, sinikap kong baguhin ang lahat sakin, lahat ng may kinalaman at koneksyon sayo dahil kung hindi, hindi ko alam kung buhay parin ako hanggang ngayon." I softly said while looking at him in the eyes.

I smiled.

Until now I'm still inlove with that pair of eyes.

That pair of hazel eyes.

"That'----"

"Pero alam mo bang biyaya yun?" I continued, cutting what he was about to say."I didn't know na may isang bagay palang naghihintay sakin, hindi ko alam na may mundong nandiyan na pala at ako nalang ang kulang. Hindi ko masasabing naging madali ang pagdo-doktor ko dahil gaya ng lahat, nangapa rin ako. Nahirapan, nagpuyat, napagod, nadapa. Lahat ng mahirap na bagay naranasan ko na sa propesyong 'to. Hindi ko nga naisip na magagawa ko ang lahat ng yun, hindi ko rin naisip na makakaya ko dahil sa lahat ng nadaanan ko, nakulangan akong isipin na magagawa kong makaapak ng finish line. Na magagawa ko ngang makahawak ng diploma at maging ganap na doktor. Ang kaso, nagawa kong makaapak at makarating roon ng wala ka sa tabi ko. Nakaabot nga ako, ang kaso, wala ni isa sa inyo ang nasa dulo para salubungin ako. Umabot ako dun na walang kahit na sinong nadatnan, dumating ako. Dumating ako na wala manlang ni miski isang yakap na natanggap. Mag-isa akong nakarating dun. Mag-isa gaya ng dati." Usal ko na wala ng bahid ng kahit na anong sama ng loob.

Dahil pagdating sayo, hindi ko magawang magalit ng matagal.

Hindi ko magawang panoorin kang masaktan sa harap ko.

Masaktan na ako ang dahilan.

Oo nga't ako ang sinaktan mo at nakakatawang ako pa 'tong takot sa mararamdam mo.

"Subalit ngayon, unti-unti ko ng natatanggap ang mga bagay-bagay. Akalain mo, sa halos limang taon ngayon ko lang naisipang bitawan ang lahat ng yun?" I laughingly said but I automatically shift my gaze on him when he suddenly hold my hands.

"Please don't." His voice was pleading, his now holding my hands tighter while looking at me directly in my eyes. "Hayaan mo 'kong makabawi sayo. Let me fix it. Let me fix you." He stopped. "Let me enter again. Please let me love you again. Let me love you again Zyl because until now, I still love you. I still love you Zyl."

Embracing Her (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora