Chapter 37

13 6 0
                                    

Jaiizyl

"I brought you food. Kumain kana muna."

I'm in my office right now while busy sorting out my patients documents when he suddenly entered.

Ala-otso palang at nandito na ang isang 'to.

Wala bang gagawin ang taong 'to?

"Mamaya na yan Jaiizyl, kumain kana muna. Hindi ka naman tatakbuhan ng mga papel na yan." He said while still walking in my direction.

Isang linggo na ang nakaraan matapos ang nangyaring yun sa rooftop, pero hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit siya nandon. Kung bakit siya napadpad dun dahil sa pagkakaalala ko, sa venue ko siya iniwan.

Matapos kasi nun, hindi na 'ko nagpaalam pa sa kaniya at mabilis ng umalis.

Hindi ko rin naman siya matanong-tanong tungkol dun dahil sa tuwing sinusubukan ko. Lagi niyang iniiwas ang sagot.

Para siyang iwas-iwas sa topic na yun na kahit ang pagtanong ko manlang sa kaniya kung anong oras siya umuwi nung gabing yun ay hindi niya magawang sagutin.

Weirdo.

-

Ilang araw narin siyang ganyan. Araw-araw siyang nandito sa Opisina ko at laging may dalang pagkain.

May mga pagkakataon rin na minsan nauuna pa siya sakin.

Ayoko man, wala narin akong magagawa. Dahil aminin ko man o hindi, unti-unti narin akong nasasanay sa presensya niya.

Unti-unti na 'kong nagiging komportable sa kaniya.

Nawala narin ang mga alanganing tingin sa isa't-isa at ang palagian niyang pagkagulat sa tuwing lumalapit ako.

Hindi narin naman ako ganun ka-disturbo sa tuwing tumititig siya sakin dahil narin sa dahan-dahan na 'kong nasasanay.

Bakit? Marahil ay dahil sa lagi siyang nakikita ng mga mata ko o baka dahil rin sa lagi siyang nandiyan sa tabi ko.

Ang sagot? ewan ko.

--

Nasa kalagitnaan ako sa ginagawa ng gulat akong mapatingala sa kaniya. Pano nga naman? Inagaw lang naman niya ang ballpen na hawak ko at kinuha ang papeles na nasa harap ko.

Kahit kelan talaga.

Subukan mo lang mam-bwesit ngayon. Masisipa kita.

"I said eat. 'Wag matigas ang ulo." He command while now putting food on my plate.

I just let him do it. I didn't also bother to say any words because as this moment I was slowly getting used to his present.

To him.

"Breakfast is the most important meal. You can miss your lunch or dinner but never ever your breakfast." He reminded me.

I know. I'm a doctor. You don't need to remind me that.

"Now eat." He said when he finally felt contentment in what he was doing.

"Give me the papers. Mamaya na." I said. Turning my gaze to him.

I'm not yet hungry.

"No. Stop being so stubborn Jaiizyl." He whispered loudly as he also turned his gaze to me. "Kumain ka kung ayaw mong subuan pa kita."

Sa dating ng boses niya, alam kong hindi siya nagbibiro.

Maiinitin ang ulo niya at siguradong yari ako kapag nagkataon.

"Kumain kana." Ulit niya pero mas ma-awtoridad na 'to ngayon kumpara kanina.

Darn it.

Nakataas ang kilay niyang tinignan ako ng hindi agad ako nakakibo sa sa sinabi niya.

Loko kasi.

"Ito na." I unconsciously said, holding now the fork and spoon.

Nakakatawa man, pero nagawa ng lokong 'to na baliin ang gusto ko.

Nagawa niya 'kong mapasunod na siyang pinaka-ayaw ko.

At mas lalong nagawa niya 'kong mapakain na kung tutuusin ay pwede ko naman siyang sipain kong ayaw ko.

"Good." He chucked.

Tss

There, I started to eat. There's eggs, bacon, friedrice, and sandwich on my plate and yes, they are all taste good.

I was in the middle of biting the sandwich when my eyes shift on me. I didn't noticed that he is still infront of me.

Wala ba siyang balak na umalis?

Dahil sa sandwich na nasa bibig ko parin, tinaasan ko na nalang siya ng kilay para iparating sa kaniya ang tanong ko.

Kahit hindi ko na kasi sabihin ng direkta sa kaniya alam kong gets niya na yun.

"Nope, just eat."

Hindi na ko nagtanggka pang makipag-debate pa sa kaniya at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Wala narin naman akong magagawa.

Tss

"Let's have lunch later." Pormal na sambit niya habang nasa akin parin ang mga mata nito.

I just raised my brow.

"Why? Isama natin si Ann."

I didn't bother to speak and just let him say what he want.

Bahala ka diyan.

"Come on. Jaiizyl." He murmured. "It's just lunch."

I know, narinig ko.

"Hey!"

Kumakain pa 'ko.

"Jaiizyl." He called me again.

Ang kulit.

"Ano na?" Tanong uli niya na hindi na ngayon mapinta ang mukha.

Ang sarap batukan.

"K" Tipid na tugon ko ng tuluyang maubos ang pagkain sa dalawang tuffer ware na dala niya.

Nagiging madugas talaga ako kapag pagkain niya na.
Ang sarap lang naman kasing magluto.

Hope lahat.

Tss

"I'll fetch you later." Pinal na saad niya na malawak na ngayon ang ngiti sa labi.

Inaayos ko na ngayon ang pinagkainan ko ng biglang bumukas ang pinto. Pareho naman kaming napalingon rito at sabay na nakita ang taong pareho naming hindi inaasahan.

Daz

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now