“He’s not with me.” Giordan said with a poker face.

          “Kung ganoon nasaan na siya?” Hindi maitatago ang matinding lungkot sa mga mata ni Gift.

          “Don’t worry darating siya.” Hindi mapigilang sabi ni Giordan. Hindi niya alam kung bakit pero hindi gusto ang lungkot sa mga ni Gift para kasing may kumukurot sa kanyang dibdib kapag nakikita ang malungkot nitong mukha.

          Isang malungkot na ngiti lang ang naging sagot ni Gift. “I know he will.”

          Isang malalim namang buntong hininga ang napakawalan ni Giordan habang pinagmamasdan ang malungkot pa ring expresyon sa mukha ni  Gift.“And he will.” He promised.

          Pareho silang napatingin ng may tumawag kay Gift para sabihing mag-uumpisa na ang competition.

          “Mukhang kailangan ka na sa loob. Go on Gift huwag kang mag-alala darating si boss.”

          Muli isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa kanya ng dalaga bago ito tahimik na pumasok sa loob.

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Giordan bago mabilis na tumalikod with one thing in his mind at iyon ay ang alisin ang lungkot sa mga mata ni Gift. “Don’t worry Princess I will find him for you.” Ang mahina niyang bulong sa sarili habang lulan ng sariling kotse.

LIGHT POV

          Hindi niya alam kung paano sila nalagay sa ganitong sitwasyon gayong kanina lang ay abala siya sa paghahanap ng regalo para kay Gift pero ngayon ay abala na siya sa pagpapabagsak sa mga kalaban nila sa isang abandonadong building.

          Lilipat sana sila sa ibang mall dahil wala siyang nakita na ireregalo kay Gift sa infinity ng harangin sila ng grupo ng Black Renegade, isa sa mga gang na mahigpit nilang kalaban. Pinilit niyang umiwas sa gulo pero sadyang gulo yata talaga ang hanap ng mga ito kaya naman kahit hindi gusto ay natagpuan na lang niya ang sariling nagmamadaling pabagsakin ang mga member ng black renegade na wala yatang katapusan.

          “DARN IT!” Hindi niya napigilang sigaw sa sobrang frustration habang sa kanyang isip ay hindi mawala-wala ang malungkot na mukha ni Gift na nag-iintay sa kanya. Hindi na rin niya alintana ang pumutok niyang labi ganoon din ang iba’t ibang galos at sugat na nakuha niya dahil ang tanging nasa isip niya ay si Gift.

          “Wala bang katapusan ang mga ito!” Hindi na rin maiwasang sigaw ni Yujuan lalo pa at alam niyang tulad niya ay napapagod na din ang iba niyang kaibigan. Mukhang talagang plinano ng black renegade na pabagsakin sila sa araw na iyon.

          Halos lahat sila ay napatigil ng mawasak ang pader dahil sa malakas na pagbangga roon ng isang sasakyan at hindi maitatanggi sa mukha ng grupo ni Light ng makita ang pamilyar na hummer truck ni Giordan.

          “Sakay na!” Malakas na sigaw ni Giordan mula sa bukas na pinto ng sasakyan nito kung saan gumugulong na tumalsik ang isang lalaki na may damit na tatak ng isang black renegade. Mabilis na sumakay ang pito. Matapang sila peor alam nila kung kelan aatras at isa ito sa mga pagkakataong ito.

          “P-paano mo nalaman?” Nanghihinang tanong ni Blue.

          “Hinahanap ko kayo sa Infinity Mall ng marinig ko ang mayabang na iyon habang ipinagmamalaki ang plano nila sa inyo.”

          “Well good timing Giordan.” Ang sabi naman ni Nashon.

          “Good thing hindi ko natiis si Princess, kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa inyo.” Ang naiiling na sabi ni Giordan.

          “Nakita mo siya?” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin si Light.

          “Hinihintay ka niya sa labas ng venue ng competition at nangako akong hahanapin kita.” Ang mahinang sabi ni Giordan habang naiiling dahil mukhang naipit pa sila ng traffic.

          Nanghihina na napasalampak ng upuan si Light. Nabigo na naman niya si Gift. Hanggang kailan ba niya ito masasaktan! Darn it! “Tiyak na tapos na ang competition.” Ang malungkot niyang sabi habang nakatingin sa wrist watch kung saan maliwanag na sinasabing two hours ng tapos ang competition.

          “What made you think na hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iintay sa iyo? You know her…she can be very stubborn.”

          Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa sinabing iyon ni Giordan. Bago pa siya napigilan ng isa sa mga ito mabilis na siyang nakalabas at tumakbo patungo sa isang deriksyon.

          “BOSS!” Tanging naisigaw ng anim.

          “Kung hindi siya pupunta kakaladkarin ko siya papunta doon.” Mahina man pero napakaseryosong sabi ni Giordan na malinaw na narinig ni Yujuan na siya nitong katabi.

          “Giordan?” Nagtatanong na sambit ni Yujuan sa pangalan ng kaibigan na hindi na nagsalita. Huwag naman sanang magkatotoo ang kanyang hinala. Tiyak na malaking gulo kapag nagkataon...Giordan is different dahil kaya nitong gawin lahat para sa taong mahal nito at ganoon din ang kanilang boss.

ITUTULOY…

          

"My Possessive Devil"Where stories live. Discover now