TOO LATE?

25 0 0
                                    

"Anong pangarap mo na trabaho kapag nakapagtapos na tayo, Carlota?" John asked.

"Huwag mo ako umpisahan, John Bernardo Ramos." nanlilisik ang mata na saad ko dito dahil sa sadyang pagtawag niya ng pangalawa kong pangalan.

"Yes, ma'am Marry." natatawang aniya. "Ano nga?"

"Hmm. My dream job? Gusto kong maging guro. Ikaw?" balik na tanong ko sa kanya.

"Gusto ko?" umupo naman ito ng maayos sabay sandal sa puno na sinasandalan ko rin.

Habang nag iisip ito ng malalim ay malaya kong napapagmasdan ang mukha niya, mula sa maganda nitong mata, sa mahaba nitong pilik mata, pango- choss sakto lang ang pagkakatangos kaya matatawag mo pa rin itong ilong, at sa paborito kong parte ng kanyang mukha, ang kanyang mapupulang labi. Sa'kin kung hindi lalagyan ng liptint ay para ng bangkay dahil sa putla nito pero sa kanya, natural na mapula ito, walang halong kemikal.

"Maging asawa mo."

"Ha?" napatanga ako sa sinabi niya. Hala teka lang. Anong sasabihin ko? Ako rin? Ay hindi, hindi masyadong sweet 'yon. Gusto rin kitang maging asawa? Masyadong pormal, ano ba yan. Ito na ba, aamin na ba siya? Hindi ako handa punyeta.

Pero bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay bigla ulit itong tumawa. "Gusto ko rin maging guro." sambit niya.

"Ahh same pala tayo e." sabi ko na lang habang tuwang tuwa pa rin siya na nakatingin sa'kin.

Tsk. Asa ka naman girl na aamin yan si John 'no. Pero umaasa naman talaga ako. Magkababata kami niyan ni John at hindi naman ako tanga lalo na siya para hindi maramdaman ang nararamdaman namin sa isa't isa.

Alam kong alam niya ang nararamdaman ko dahil 'yon ang problema sa'kin, I can't hide my true feelings. Kapag galit ako, galit ako. Kapag nasasaktan ako, nasasaktan ako. Kapag nagseselos ako, nagseselos ako. Kaya naman sa tuwing may kasamang iba si John ay nagagalit ako dito pero hindi ako dumadating sa punto na sasabihin ko ang nararamdaman ko rito. Natatakot ako, kahit ramdam ko naman na may nararamdaman din siya para sa'kin, natatakot pa rin ako. Gusto ko siya ang unang magsabi.

Hindi ko alam kung anong pumipigil sa kanya para sabihin ang nararamdaman niya para sa'kin.

Masaya naman ako na pinaparamdaman niya sa'kin na mahal niya ako pero kulang e, walang salita. Umaasa na lamang ako na sana sabihin niya na.

Pero hanggang sa makagraduate kami ng senior high school ay nanatili pa rin akong umaasa.

"Congrats, Carlota." masayang aniya pero imbis na sagutin ito ay sinamaan ko na lamang siya ng tingin. "Ma'am Marry." bawi nito.

"Congratulations din, John Bernardo Ramos." pambabawi ko rin sa pang aasar niya.

"Saan ka magcollege? Sabay tayo mag enroll ah." nakangiti pa niyang sabi sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Andito kami sa bahay kasama ang pamilya ko at pamilya niya para magcelebrate ng aming graduating day.

Pero bago pa ako makasagot ay sumabat ang tita ni John, sa pagkakaalala ko.

"Marry! Ang ganda ganda mo ngayon lalo na ngayong suot mo ang toga mo. Anlaki mo na, ganap na dalaga ka na talaga. May boyfriend ka na ba? Oh oo nga pala, congratulations, iha."

"Maraming salamat ho." sagot ko na lamang dito dahil sa hiya lalo na katabi ko pa naman si John.

"Balita ko ay mag aabroad ka raw? Aba maraming gwapo at kano do'n sa america ha. Balitaan mo na lang kami kapag ikaw ay nakapag asawa na-"

"Ay nako ho. Pag aaral po ang gagawin ko do'n, wala pa po akong balak mag asawa."

"Mag aaral? Sa america?"  naguguluhan na sabat ni John sa pag uusap namin ng tita niya.

"Oh siya, maiwan ko na muna kayo, Marry ha? Pupuntahan ko lang ang nanay mo, John." paalam ng tita ni John sabay punta sa kusina kung nasa'n sila tita Anghelita.

Sasabihin ko naman talaga sa kanya at naghahanap lang ako ng magandang tyempo pero dahil naunahan ako ng tita niya ay wala na akong takas nito kundi aminin sa kanya ang pag alis ko.

"Marry Carlota Santos." banggit ni John sa buong pangalan ko. He's angry.

"Do you remember tita Alexa?" tumango lamang ito at hinihintay pa ang susunod kong sasabihin. "Nasa america siya ngayon, pag aaralin niya raw ako do'n-"

"Hindi! Hindi ka aalis." pasigaw na aniya kaya naman nakaagaw na kami ng atensyon ng ibang mga bisitang kapitbahay.

"John naman. Intindihin mo naman ako, 'yong desisyon ko. Hindi lang naman para sa'kin 'to e para rin sa pamilya ko, kayla nanay at tatay, sa mga kapatid kong nag aaral pa. Malaking opurtunidad kung sa america ako magtatapos at makakapagtrabaho." pinipilit na ipinapaintindi sa kanya kahit na alam kong kapag galit siya ay sarado na ang isip nito sa ano mang eksplenasyon na sabihin ko.

"Pa'no ako?... Paano tayo, Marry?" kitang kita sa mata nito ang sakit na pilit niyang itinatago.

Sobrang sakit isipin pero mas mahalaga para sa'kin ang kinabukasan ng pamilya ko kaya naman tumuloy ako kahit tutol si John sa desisyon na aking ginawa.

Babalik ako, John. Sana lang ay may babalikan pa ako.

"Marry? Ikaw na ba 'yan ineng?"  naistorbo ang pagtingin ko sa maliit ngunit maayos tignan na bahay nang may tumawag sa'kin.

"Ah... Opo, magandang hapon po." saad ko na lamang dahil halos sampong taon na rin ang nakakalipas at hindi ko na maalala kung sino ito.

"Aba! Muntik na kitang hindi makilala e sobrang ganda mo na. Dati ay maganda ka naman talaga pero ngayon ay papasa ka ng isang modela ah." nanggingiti ng matanda habang tinitignan ang kabuuan ko.

"Ahm matanong ko lang ho sana e kung alam niyo kung nasa'n si John?" pag iiba ko ng usapan dahil tiyak na namumula na ang buong mukha ko dahil sa papuri niyang ginawa.

"Aba si John ba kamo? Hindi mo ba nabalitaan na-" sagot ng matanda ngunit hindi ko na ito nabigyang pansin dahil sa lalaking papalapit mula sa likod nito.

Si John.

Bago pa ito makalagpas sa'min ay tinawag ko na ito at nilingon niya naman ako ng may gulat na expresyon. Wala pa rin siyang pinagbago bukod sa tumikas ito na bumagay sa sleeveless t shirt na suot niya dahil nakikita ang mga naglalakihang mga muscles nito.

"Kumusta ka na?" masaya kong tanong dito. Ni hindi ko na napagtuunan ng pansin kung nasa tabi pa rin namin an matanda na kausap ko lang kanina o umalis na.

"Ikaw ang kumusta, balita ko ay mayaman ka na ah." pabirong sabi nito sabay halakhak. I miss his laugh.

"Hindi naman. Pero masasabi ko na umasenso naman talaga ang buhay namin. Nakapagtapos ako at ito, isa ng ganap na guro." ngiting ngiti ko na kwento sa kanya na ikinanggiti niya rin. He seems so proud of me, nakikita ko sa kislap ng mga mata niya.

"Oh congrats sa'yo. Bumalik ka ba para magbakasyon o dito ka na talaga magstay?"

"I'm here for good, John. Nakapagturo ako sa america, masaya, pero mas gusto ko magturo sa kung saan ako nanggaling."

"Ikaw ba? 'Di ba gusto mo rin maging guro? Kumusta?" akma na siyang sasagot sa tanong ko ng may batang lumapit at yumakap sa kanya sabay sabi ng salitang hindi ko inaasahan mula sa pagbalik ko.

"Tatay!" masayang wika nito.

"Anak mo?" sabat ko rito. Nginitian niya naman ako sabay buhat sa batang tumawag sa kanya ng tatay.

"Oo." ngiti nitong saad, hindi umabot sa mga tenga nito ang ngiti ngunit kitang kita sa mga mata niya ang saya ng sabihin niya ito.

"Hindi ako nakapagtapos ng college e. Kailangan ko itaguyod ang asawa't anak ko. Oo, may pamilya na ako, Marry." masayang aniya na kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon.

Paano ako? Paano kami?

Huli na ba ako? o huli na talaga ako.

TRAGIC | CompilationWhere stories live. Discover now