HINDI TAYO PWEDE

21 1 0
                                    

"Velasco! S-si ano! inaano nanaman nila ano b-baka ano mangyari." sigaw at hinihingal na saad ng bagong dating na estudyante.

"Ano? puro ka ano wala akong maintindihan. Oh inom ka muna tubig baka ma ANO ka pa diyan."  nakakunot ko pang sambit sabay abot ng extra na dala kong mineral water.  May training pa ako mamaya kaya madami talaga akong dinadalang tubig para hindi mahimatay dahil sa init ng panahon.

Mainit talaga sa pinas, wala akong magagawa. Sabi nga nila pagkatapos ng sun, earth agad. Malapit na talaga akong maniwala diyan.

"Hays salamat nakainom din. Anyways, why ba I am here huh? Anlayo at ang init pa papunta dito sa building niyo, ba't ako pumunta dito galing sa gymna-ahh! si Alejandra, binubully nanaman nila Yuki!"

"Ano? Ba't hindi mo kaagad sinabi? Shit."  wala na akong inaksayang panahon at tinakbo na papunta sa gymnasium. Baka ano na ang ginawa nila kay Ally, baliw pa naman ang mga 'yon.

Pagkadating ko sa gymnasium ay ang bumungad sa aking eksena ay ang mga taong nagtatawanan at nakapaikot na wari mo ay may pinapanood na nakakatawa sa gitna.

That's it. I know what it is. Kaya walang ano-anong sumingit at pinagtatabi ko ang mga taong nakaharang sa daan ko para makarating sa gitna.

"You know what? Sinasagad mo ang pasensya ko. You're nothing but a useless bitch!" saad ni Yuki at bago pa matuloy ang useless na sinasabi nito ay tinakbo ko ang pagitan namin. Itinaas ko sa ere at inilapit ko sa kanyang uselss na mukha ang paa ko ngunit 'di sapat para malapat ang maganda kong sapatos sa panget niyang mukha.

"Scared huh?" nakataas kong kilay na sabi at sabay baba ng paa ko. "You're nothing but a useless bitch. Perhaps, are you talking about yourself?"  narinig ko pa ang singhapan ng mga tao sa paligid.

"W-what?" gulat na saad nito.

"W-what?" I mocked her. Mukhang natameme na talaga itong si Yuki kaya naman napagpasyahan ko na umalis. Habang inaalalayan ko na si Ally paalis ay may nakalimutan pa pala akong sabihin dito.

"Anyways, stop bullying, hindi mo ikinaganda yan." saad ko sabay lisan sa lugar na 'yon.

"Savage! Bars! Damn. Sino 'yon?"

"Sigurado ka ba bro? Hindi mo sila kilala? Si Alejandra Alonzo, she's muse in our school and at the same time fligh attendant student. She's pretty kaya maraming naiinggit sakanya katulad na lamang nila Yuki.

"At 'yong nagligtas sa kanya? Si Selene Velasco,  a criminology student. Mukha siyang bodyguard ni Alejandra dahil simula pa noon ay tuwing napapagdiskitahan iyon ay lagi siyang nadating at nililigtas ito. But she's more than that because for us that's Alejandra's angel."

"YOU'RE truly my angel. Lagi mo na lang akong nililigtas huhu. Kung hindi ka lang talaga babae jinowa na kita." nagpapanggap na iyak pa nito. Nagpapahinga na lamang siya dito sa clinic, ayaw pa nga niya at pupunta na lang daw sa classroom niya pero hindi ako pumayag. Mas mabuti ng sigurado na okay na siya bago pa bumalik doon, may hika pa naman 'to.

"Hindi bagay sa'yo, kadiri. Magtigil ka nga diyan."  sagot ko sa kanya at ipinapakita talaga na nandidiri ako sa sinabi niya.

"Tsk. Try lang naman e. Anyways, ganda ng eksena mo doon ah. I really love that line STOP BULLYING, HINDI MO IKINAGANDA YAN. Duh..."

"Sa true langs." sabay naming sambit at tawa sa huli. Loka talaga.

Simula ng araw na 'yon hindi na kami masyadong nagkikita at nagkakausap ni Ally. Sobrang busy kasi ng sched ko ganon din naman siya, graduating kasi kaya kahit nasa iisang school lang kami ay sa chat na lang kami nakakapag usap kapag may vacant time.

"Hello miss, saan banda 'yong maligaya building?" tanong ng estudyante sakin habang naglalakad ako papunta sa building namin.

"Miss I know that I'm handsome but can you please quit staring and just answer my damn question. Malelate na ako nito e." ang gwapo nga kaya hindi ko na malayan na patagal na pala ang pagtingin ko dito.

"I know too, mister that I'm pretty but can you please don't asked me a question with obvious answer. Andyan lang sa harap mo oh. Tsk." pagtataray ko dito sabay lakad, sayang gwapo nga pero mayabang naman.

"Miss sungit!" sigaw nito pero hindi ko na pinapansin dahil malelate na din ako.

Saktong pag apak ko sa palapag ng building namin ay siyang kita ko sa aming prof kaya naman tinakbo ko na para maunahan ko siya sa pagpasok sa classroom.

"Good after- mr. REIGO?!" biglaw sigaw ng aming prof kaya naman napatingin kami sa likod na tinitignan nito at laking gulat ko kung sino ito.

"Hehe. Sorry po ms. anlaki po kasi ng school niyo, naligaw po tuloy ako."  palusot pa nito sabay kamot sa kanyang batok.

"Okay since it's your first day of school, I will considerate your excuse but don't be late again. Naiintindihan mo ba?" tumango naman ang mayabang na iyon at pinaupo na siya sa bakanteng upuan which is sa tabi ko.

"Miss sungit." tawag nito.

"Mister yabang." I answered.

"What a destined."  saad nito ng may pilyong ngiti pero hindi ko na lang pinansin at nakinig na lamang sa harapan.

Buong maghapon ay kinulit niya lang ako, ang dinahilan ng loko ay wala daw siyang kakilala kaya naman bilang ako ang una niyang nakausap ay close na daw kami.

Pati sa uwian ay kinukulit niya parin ako at sinabi niya pa na sasabay daw siya sakin dahil iisa lang kami ng sakayan ngunit mauuna lang daw ako na bumaba.

Bago pa ako makatanong kung pano niya nalaman kung ano man ang pinagsasabi nito ay nakita ko si Ally. Sakanya na lang sana ako sasabay dahil magkabarangay lang naman kami.

"Ally!" tawag ko dito sabay lapit.

"Oyy Selene, maaga pala uwian niyo ngayon 'no? Buti at nagkita tayo ngayon, miss na kita." sagot nito.

"Yes, buti nga e. Kanina pa kasi may asungot na nasunod sakin kaya sasabay na lang ako sayo."

"Asungot? Ohh bakit ayaw mo kaibiganin? Alam mo simula nung magkakilala tayo wala ka pa nagiging bestfriend bukod sa'kin." parang nakokonsensyang sambit pa nito.

"Yeah I know that. Eh sa ayoko at ayaw din naman nila e."

"Anong ayaw nila? Pano ba naman kasi kakausapin ka pa lang sinusungitan mo na." totoo naman, I have trust issue kasi kaya ganon. Hindi ko naman kasi kailangan ng maraming kaibigan, meron naman ako si Ally e. Hindi siya peke, 'di tulad ng iba.

Bago pa ako makasagot kay Hailey ay may walang pasabi na humalik na sa pisngi nito na hindi naman niya sinuway at kinatuwa pa nito.

"Hey andyan ka na pala. How's your studies?" tanong niya pang malumanay dito.

"Nakakastress as usual, pero okay na ako ngayong nakita kita. Oh may kasama ka pala."

"Ay oo nga pala. She's Selene, my bestfriend. Selene, he's Liam, my boyfriend. Alam ko na hindi ko sinabi 'to sayo sa chat natin gusto ko kasi na ipakilala siya sayo sa personal e."

"Boyfriend... Ah, yes, oh nice to meet you." sabi ko at ngiti dito.

"Ahm Selene, hahatid niya kasi ako ngayon pauwi e. Gusto mo ba sumabay samin? Pwede naman diba baby?" tanong ni Ally at tinanguan naman ng huli sabay ngiti pa sa'kin na pawang sinasabi na ayos lang talaga.

"Ah no, it's okay. Susunduin pala ako ni papa ngayon. Don't worry and enjoy!" sabi ko na lamang kahit hindi naman totoo. "By the way, support ako sainyo! Huwag mong sasaktan 'yang kaibigan ko Liam ah? Stay strong!"

Support? Tsk. Dapat pala hindi criminology kinuha ko, kundi pag aartista.

Paano ko susuportahan ang lovelife ng bestfriend ko kung ang boyfriend niya, ang lihim ko ng minamahal ng patago sa loob ng isang taon.

At siya lang ang nakakaalam nun, ang bestfriend ko...

TRAGIC | CompilationWhere stories live. Discover now