SAD ENDING OR HAPPY ENDING?

23 0 0
                                    

"Mamatay na ako! Naiintindihan niyo ba 'yon?"  frustrated na sigaw ko sa aking magulang na maluha luha na habang nakatingin sa'kin.

"Hindi, anak. May magagawa pa tayo. Gagaling ka." sagot naman ng aking ina habang nakaalalay sa kanya si ama.

"Gagaling? Imposible na iyon ina. Sabi ni doktora ay may taning na ang buhay ko, 30 days. Isang buwan na lamang ang natitirang araw ko tanggapin niyo na lang na mamatay na ako."

"Gagaling ka anak." huling narinig ko na sabi ni ama bago ko lisanin ang bahay namin.

Kailangan kong huminga kaya napagpasyahan ko na pumunta sa paborito kong lugar. Sa may bukid kung saan kitang kita ang magandang lugar ng aming bayan at kung saan ko unang nakita ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko.

"Binibini kung iyong mamarapatin ay may itatanong sana ako sa iyo."  napatayo naman ako bigla ng marinig ko ang boses na 'yon. Patingin tingin pa ako sa paligid dahil akala ko ako ay nag iilusyon lamang hanggang sa may bumagsak na tao na galing sa... puno?

"Pasensya na, binibini." ngiti naman nitong saad, or should I say a hot este a playboy smirk.

Tumango na lamang ako dito at sabay sabing "Ano ba ang tanong mo?"

"Bata pa ako at hindi makakalimutin kaya alam kong ito ang babaeng nasa larawan na ipinakita ng mga utol pero masungit ba talaga ang katulad ni Maria Clara? Mahinhin 'yon di'ba?Tsk naloko na." bulong na pagkausap nito sa sarili pero 'di ko atang matatawag na bulong 'yon kasi rinig na rinig ko naman.

"Ah ehem. Ahm... Kapag pinagsama ba ang salitang ikaw at ako, magiging tayo?"  napapakamot pa sa batok na sambit niya.

"Ganyan mo ba napapasagot ang mga kasintahan mo?" tanong ko sa kanya kesa sagutin ang korny niyang banat.

"Oy binibining masungit para sa'yong kaalaman e wala akong nobya, iniibig, katipan, KASINTAHAN." pagtanggi nito na siyang kinanggiti ko. Leche! Nang marealize ko ang ginawa ko e binalik ko naman agad ang masungit kong mukha, sana hindi niya nakita.

"Ginoong bastos para sa iyong kaalaman e wala akong pake." masungit na sagot ko dito bago ko napagpasyahan na umalis. Ayoko pa sana umalis pero malapit ng bumigay  ang puso ko. Bakit kamo? Si Alejandro Dela Fuente lang naman ang kausap ko. Alejandro, ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso.

Alam kong chance ko na 'yon para makilala ko siya ng lubusan at makilala niya ako pero ayoko mangyari 'yon. Sikat siya hindi lang sa aming bayan dahil sa taglay niyang angking kagwapuhan at kagisikan, at dahil do'n ay maraming babaeng nahuhumaling sa kanya- isa na ako. Pero kailangan ko pigilan ang nararamdaman ko dahil ginagamit niya lamang ang mga babae at kapag nagsawa na siya ay iiwan niya na lamang ito ng walang paalam.

Pero nabalewala ang pader na ginawa ko para protektahan ang sarili ko mula sa kanya ng lagi na siyang pumupunta sa paborito kong tambayan.

"Your lips look lonely."  sabi ni Alejandro. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko.

"Let me introduce them to mine." Leche! Bakit po ganitong lalaki naman ang ginusto ko oh. Magiging green na ata ako huhu.

Kahit nawawala na ako sa wisyo dahil nandyan siya sa harap ko at sa mga pinagsasabi niya e pinagpatuloy ko parin ang sinusulat ko.

"Ayaw mo ako pansinin ah."  saad niya sabay kuha ng notebook na pinagsusulatan ko.

"Ay leche! Hoy ibalik mo nga sa'kin yan, Ale!"  sigaw ko dito habang inaabot ko ang notebook na hawak hawak niya at walanghiya talaga nakuha pang itaas.

Duh baka nakakalimutan niya e halos magkasingtangkad lang kami. Kaya naman tumayo na ako at akmang kukuhanin na ang notebook na kinuha niya ng maramdaman ko ang mabango niyang hininga malapit sa tenga ko.

TRAGIC | CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon