TRUTH KARMA

21 0 0
                                    

Andito kaming magkakaibigan sa isang club kung saan napagkasunduan na mag inoman.

"Ibang lalaki nanaman ang kasama mo ah. Lakas talaga, Brielle."  pangangatyaw pa ni Eve sa'kin habang nagtawanan naman ang ibang bitch.

"Shut up bitch." pagsusungit ko dito na tinawanan lang ulit nila. Duh ako nanaman ang spot light, akala mo naman ay ako lang ang papalit palit ng lalaki dito, sila rin naman ah.

"Anong nangyari do'n kay Ryle?" pakikiusosyo naman ni Ava, kakambal ni Eve.

"Who's Ryle?"  seriously, I don't freaking know that guy. Nagtawanan nanaman sila. Ano ako clown? Tsk.

"Duh it's your last boyfriend or should I say ex fling?" sarcastic na sagot naman ni Bree habang nakatitig sa'kin wearing her seriously look.

"I forgot his name. Yes he's hot and handsome but he became so possessive to me. Hindi niya ako pagmamay ari kaya wala siyang karapatan na pagbawalan lahat ng gusto ko." naaasar ko pa na kwento sa mga kaibigan ko na tawang tawa sa'kin.

Nawala naman ang pansin ko sakanila ng makita ko si Jasper na papalit sa pwesto namin habang hawak ang gitara na lagi niyang dala.

"And now, you like a innocent and good boy ah."  pang aasar pa ni Eve ng makita kung sino ang tinitignan ko.

"Brielle." malambing na aniya pagkarating sa pwesto namin. "Tutogtog lang kami tapos babalik ako sayo." saad nito pagkatapos akong dampian ng halik sa noo. Marespeto hmm.

Tumango lamang ako dito at uminom ng iniinom naming alak, ni hindi ko alam kung anong tawag dito kasi si Rosie naman ang nag order nito, ang isa pa naming kaibigan na tahimik at nakikitawa lang. Sobrang pait pero masarap naman sa pakiramdam.

Alam kong tinamaan na ako ng alak na iniinom namin nung may grupo na lalaking lumapit sa pwesto namin at walang ano ano ay hinalikan ko ang lalaking umupo sa tabi ko.

Wala na akong pake kahit nasa public kami ay agad ako pumatong sa lap nito habang hinahalikan pa rin siya. Nagulat ito ngunit kalaunan ay tinugunan na rin ang halik na ibinibigay ko rito.

He's such a good kisser.

Kinabukasan ay parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Napaupo agad ako nang mapagtanto na wala ako sa aking kwarto. Nakita ko naman sa tabi ko ang lalaking mahimbing na natutulog habang may takip na kumot kung saan ay gamit ko ring kumot upang matakpan ang hubad kong katawan.

Panigurado na ganito rin ang eksena ng mga kaibigan ko, naalala ko pa kagabi bago kami umalis ng lalaking ito na hindi ko man lang kilala kahit ang pangalan nito, ay may kanya kanyang kamake out na rin sila.

Pwede na rin, gwapo naman ang mga kalalakihan na 'yon lalo na itong kasama ko.

"What are you doing here?" masungit na tanong ko kay Jasper. Tanghaling tapat ay andito siya sa coffee shop kung saan ko napagpasyahan na sumaglit galing sa condo ng lalaking iniwan kong tulog pa rin.

"Ba't umalis na kayo kagabi, Brielle? Hindi mo man lang ako hinintay sabi ko babalik ako agad e." nagtatampong ani Jasper.

"Oy brielle, ayos ka lang ba? Marami ka siguro na nainom kagabi. Paano ka nakauwi? May naghatid ba sayo o nagtaxi ka na lang?" sunod sunod na tanong nito. Nakakairita, I have hangover for pete's sake. Gusto ko ng tahimik kaya nga pumunta ako dito sa coffee shop sa pagaakala na walang maingay dito kaso andito pala si Jasper.

"Jasper, can you please shut up for a moment?" 

"Oh my name is Julian, Brielle. Not Jasper." parang naooffend pa na aniya.

"Atleast i'm correct with J right?" natatawa ko pang sabi na pilit na nginitian niya lang.

"Oh nevermind. Let's just break up, Jasper, Julian, or whatever your name is." saad ko na kinatanga niya.

Umalis na lamang ako do'n dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Kung hindi siya magagalit at tatanungin kung ba't ako nakipagbreak ay panigurado na iiyak 'yon at magmamakaawa na huwag at pipilitin na bawiin ang sinabi ko.

He's an ideal boyfrend I know. But i'm not with the good guys, as much as possible, gusto ko landian lang pero sa huli ay naiinlove sila sa'kin, hindi ko naman kasalanan 'yon. Sa umpisa pa lang ay sinasabi at pinaparamdam ko rito na landian lang ang gusto ko. Katuwaan lang.

But i'm happy, tho. It's fun to play with other people's hearts.

Ngunit isang araw ay hindi ko inaasahan na maabutan ang nakakabata kong kapatid na umiiyak. I asker her what happen but she keep crying.

Niyakap ko ito hanggang sa kumalma siya at tinanong ko muli kung anong nangyari at ba't umiiyak ito.

"Leo is ch-cheating on me. Alam ko naman na manloloko siya pero mahal ko siya e. A-akala ko iba ako sa mga babaeng pinaglaruan at iniwan niya pero katulad lang pala nila ako, l-laruan lang pala ang tinggin niya sa'kin."  humagulgol naman ulit ito ng iyak. Tumigil lang ito ng mapagod sa kakaiyak at makatulog sa hita ko.

Nasaktan ang kapatid ko. Niloko siya ng gagong lalaki na hindi ko man lang nakilala bago niya pa lokohin ang kapatid ko. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang tanungin kung anong ginawa ng kapatid ko para lokohin at saktan niya.

Pero ano nga bang pinagkaiba ko sa gago na 'yon? Katulad ko lamang siya. Manloloko, mang iiwan, at pinaglalaruan ang puso ng iba para sa sariling kasiyahan.

Is this my karma? Kasi kung iisipin, ako ang masaktan at maloko ng taong mahal ko, masakit pero kayayanin ko pang umahon ulit. Pero kung ang kapatid ko? Hindi ko alam kung kakayanin ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

Ganito rin kaya ang naramdaman ng mga lalaking pinaglaruan ko? Umiyak at nasaktan din ba sila?

Habang nakikitang kong umiiyak ang kapatid ko ay sobra sobrang dinudurog na rin ang puso ko. Sana ako na lang ang masaktan, huwag na siya.

It's fucking hurt. She don't deserve it. They don't derserve it.

I'm sorry.

TRAGIC | CompilationWhere stories live. Discover now