AM I NOT ENOUGH?

52 1 0
                                    

Tahimik ang aking pamumuhay bilang isang kyott na dilag sa aming bahay, dahil nga ecq nanaman dito sa aming barangay e bulok nanaman ang peg ko.

Nakahiga lamang ako habang nagbabasa ng stories ni cecelib. Oh don't judge me ok? Hindi naman kasi lahat tungkol sa sex ang stories ni inang.

Dun na nga lang ako naniniwala na may forever. Hindi ko naman nilalahat pero iilan na lang talaga ang seryoso sa panahon ngayon, kaya hanggang basa na lang ako.

Kinikilig pa ako dito hanggang sa may bwisit na nang istorbo.

"Stacy!!!" chat ni Keikayana.

"De-dede ka?" reply ko.

"Gagi hindi, baka si Mike gusto." kinilig naman ako sa sinabi niya. Si Mike ay three years ko ng gusto, bago nga maglockdown ay nakapagpapicture pa ako sakaniya. Makapal mukha ng mga kaibigan ko, syempre akong maharot gora na hihi.

"Ba't ka nga nagchat?" I asked instead.

"Tatae kasi ako, inform lang kita."

"Pwede ka ng mamatay."  next time talaga magbabasa na lang ako habang nakaoffline, daming istorbo.

"Ay attitude ka? I have some chika kasii."

"Storbo ka nagbabasa ako... Btw ano yun?"

"Naalala mo yung pinsan ko na bumisita dito samin? Nung birthday koo."

"Ahh yung gwapo? Ano ba kasi name nun? Tae ka last week ko pa hinihingi yung facebook name nun! Paano ako magkakajowa niyan? Apakabagal mo."

"Tirador talaga ng gwapo. May jowa na nga kasi yun pangarap mo talagang maging kabit noh? Btw hindi yun ang chika! Nagchat sa'kin si Darl, pinsan ko. Hinihingi daw nung tropa niya name mo HAHAHA. Single yun!"

"Sige ibigay niya kamo name ko. Sana hindi yan bagong lalaitin nanaman natin ah."

"Baliw, gwapo daw! Tsaka apaka harot mo ah, ikaw lang talaga yung kilala ko na jowang jowa pero ayaw magjowa."

Nagtuloy tuloy ang chika namin ni Keikayana at sinantabi ko muna ang pagwawattpad. Gwapo daw e. Hanggang sa may nag pop na notification na friend request.

Francis Agoncillo.

Inistalk ko muna, ito na ata yung kaibigan nung pinsan ni Keikayana e. Nakita ko kasi sa isang post niya na picture nilang magkakaibigan ata at nakatag dun si Darl. Finally nakita ko na rin yung facebook account ni Darl.

"Hi Stacy!" speed naman kakaaccept ko lang e.

"Hello?" reply ko.

"How are you? Oh my bad. I'll introduce my self first. I'm Francis, your future husband, charot HAHAHAH."
Gwapo nga, baliw naman.

"Walakompake. Paano mo ako nakilala?" ako lang ba? atat na atat magkaroon ng kachat pero kapag meron sinusungitan naman, sorry akin.

"Ang sungit mo naman miss. Nakita ko kasi yung post ni Darl nung birthday ng pinsan niya, sino ba naman hindi makakapansin sa ganda mo?" ay maharot.

"Aral ka muna bago harot boi."

Nagpatuloy ang pag uusap namin, pangungulit niya exactly.

Umabot ng tatlong buwan ang pag uusap namin at ayaw ko man na maramdaman ito pero gusto ko na siya. Nagkagusto ako sa nakilala ko lang sa facebook, social media.

Sinabi niya na gusto niya ako at syempre akong maharot e inamin ko rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero walang ligawan o tanong kung pwede niya akong maging girlfriend.

Inshort, WALANG LABEL. Puro harot lang. Natatakot naman kasi ako magtanong, lalo na ang magdemand sa kung ano ba talaga ang mayroon samin.

Lalo na ngayon na minsan na lang kami mag usap, he's a law student and at the same time he's working student. Kailangan niya daw magtrabaho para makatulong na rin sa pamilya niya lalo na ngayong pandemya.

Wala naman akong magagawa kundi intindihin siya. Sa mga past relationship ko lagi akong nagdedemand ng oras at atensiyon nila, 'yon ang nakikita kong isa sa dahilan kung bakit nila ako iniwan. Kaya ginagawa ko ang lahat para hindi magdemand sakanya.

Ayaw ko ng maiwan.

"Hoy loko! tapos ka na ba sa work mo? kumain ka na? pakainin mo yung mga bulate sa tiyan mo ah" I chatted him

"Wait lang stacy. Ingame." reply niya, nagsend pa ng picture ng kaniyang nilalaro.

"Ok. I understand. Chat ka mamaya kapag tapos ka na ah galingan mo mwahh!"  hindi niya na sineen. Napapansin ko na ilang araw na siya busy kakalaro nun kapag tapos na siya sa work.

Tinignan ko yung sinend niya na picture, call of duty. Sinearch ko 'yon sa play store at mayro'n nga. I'm not fan with this type of game, pero ito lang yung naiisip ko na paraan para magkaroon kami ng time ni Francis.

I download it. Masaya naman pala siya laruin, nakakatuwa nga na may naging kaibigan pa ako do'n.

"Oyy Francis! Naglalaro na ako codm, aratt laro. Dudurugin kita HAHAHAH." I chatted him.

After an hour, he replied. "Hindi na ako naglalaro niyan. Alam mo yung among us? Yun na nilalaro namin. Btw brb ingame."

Seriously? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tama pa ba na ituloy ko ito? na ipaglaban ko 'to? Kahit halata namang talo na ako at tapos na.

Ang galing galing ko mag advice sa mga broken kong kaibigan, pero bakit ngayon ako na ang nasa sitwasyon nila e, hindi ko magawa kung ano man ang inaadvice ko sa kanila.

---

That's really the end, kung ano man ang tawag sa namagitan samin. Its been a month, last chat niya na 'yon, magmula nun hindi na siya nagreply. 

I stalked him again, parang nung unang ginawa ko lang bago ko siya minahal, bago niya ako iwan ng walang paalam.

Kala ko kung babaguhin ko ang sarili ko para sa kanya, enough na yun para hindi niya ako iwan pero hindi pa rin pala.

Masakit maiwan ng taong mahal mo ng dahil sa isa sainyo ay walang oras, third party..  Pero mas mahirap pala kung walang dahilan.

Walang katapusan na itatanong mo sa sarili mo kung ano bang nagawa kong mali? ba't kaya niya ako iniwan? 

Andami kong gusto itanong at isumbat sakaniya pero hindi ko na kaya.

Because he's finnaly found his happiness, na mayayakap, mahahawakan, at makakasama niya.

Anong laban ko do'n?

TRAGIC | CompilationWhere stories live. Discover now