HINDI TAYO PWEDE

17 1 0
                                    

PAGPAPATULOY...

"Are you happy with him?" with the man I like for long time.

"Ha? Oh are you talking about Liam? Oo naman. Alam mo naman 'di ba mula nung nagkahiwalay kami nung first boyfriend ko, ngayon na lang ako muling nagpapasok sa buhay ko. I'm happy with him, Selene. Are you?"

Am I happy? I don't know.

Totoo 'yon. Nang makilala ko si Ally ay heartbroken siya sa kanyang first boyfriend, kitang kita ko kung paano siya nasaktan ng panahon na 'yon.

Kaya naman ng maging magkaibigan kami ay pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya siya.

Pero hindi ko inaasahan na pati ang kasiyahan ko ay kailangan ko ibigay sakanya para sumaya lang siya.

Hindi ko alam kung nakalimutan o kinalimutan niya talaga na matagal ko ng gusto si Liam. Sobrang sakit pero alam kong hindi ganoon si Ally, kaibigan niya ako. At hinding hindi ko makakalimutan ang pinangako ko. Ang kaligayahan niya ang mas importante sa'kin.

"Psst. miss sungit?" tawag nanaman ng katabi ko. "Are you okay?"

"I'm not. But don't ask why because I will only answer you with a line- it's not your fucking bussines so fuck off." pagtataray ko dito. Inaasahan ko na sasagot muli siya at kukulitin ako ngunit hindi ito nangyari, bigla na lamang siya umalis.

Uwian na pero hindi pa rin bumabalik ang kolokoy. Nagcutting pa nga pero ba't ko nga ba iniisip pa 'yon? Masaya nga dahil maghapon na walang asungot na nangungulit sa'kin.

Habang naghihintay ng sakayan, bigla na lang may humarurot na motorsiklo papunta sa'kin akala ko pa nga may balak na patayin ako ngunit huminto ito bago pa ako mabangga.

"What the- hoy alam kong wala na akong pamilya pero kung balak mong magpakamatay 'wag mo ko idamay!" sigaw ko dito pero hindi ko naman sinasadya na idamay pati ang pamilya kong nanahimik na.

Bumaba ang hinayupak at tinanggal ang helmet nito sabay sabing "Hi miss sungit."

"MGA GAGO KAYO! MAGKAPIGSA SANA KAYO SA PWET!"

"Ganon lang." natatawa nitong saad. Hindi ko na alam ang nangyari basta dinala na lang ako dito sa malabundok na lugar pero malapit pa rin sa siyudad ng mayabang na 'to at pinipilit ako na isigaw kung ano man ang nararamdaman ko.

"Sige na miss sungit, promise gagaan kahit kaunti ang bigat na nararamdaman mo. Nagpakahirap pa kaya ako hanapin 'to."

"Ba't mo ba ito ginagawa ha?" tanong ko dito pero nginitian lang ako ng loko. Huminga ko ng malalim sabay sigaw ng

"ANG WEIRDO MO TALAGA! ANG YABANG MO MINSAN, ANG KULIT KULIT MO TAPOS NGAYON ANO 'TONG GINAGAWA MO? BA'T KAILANGAN MO PA 'TO GAWIN HA? BAKIT AKO ANG PINAGTITRIPAN MO?.. bakit ako pa? bakit siya pa? bakit-  Bakit hindi na lang ako?"

Hindi ko din alam kung bakit ikinwento ko ito sakanya, basta ang alam ko lang ay kailangan ko ng masasandalan kahit sandali lang.

"Miss sungit, alam kong wala ako sa posisyon para magtanong pero anong ibig mong sabihan na... wala ka ng pamilya?"

"I'm only child, bata pa lang ako ng mamatay na sila mama at papa." siya ang pangalawang tao na pinagkwentuhan ko, si Ally ang una. "Kinupkop ako ng kapatid ni papa pero hindi ko ramdam ang pamilya do'n hanggang sa makilala ko si Ally, tinuring ko na siyang kapatid. Kaya naman mas importante para sa'kin ang kasiyahan niya kaysa sa sarili kong kasiyahan."

Simula ng araw na 'yon ay naging magkaibigan kami. O para sa'kin lang dahil sa tuwing sinasabi ko na magkaibigan kami ay lagi niyang sinasabi na- ayoko nga. Tsk weirdo talaga.

TRAGIC | CompilationWhere stories live. Discover now