FORTUNE TELLER

21 0 0
                                    

Habang naglalakad ako sa quiapo ay biglang may matandang humawak sa kamay ko.

"Kayo ay pinagtagpo ngunit hindi kayo itinadhana. Kaya hangga't maaga pa iha, layuan mo na siya. Bago pa mahuli ang lahat at magsisi ka." natatakot na babala nito habang nakadirektang nakatingin sa mata ko.

"Hoy!"

"Ay baklanghindimatae!" gulat na sambit ko. "Jusko naman Izaak ahh aatakehin ako sa puso sa ginagawa mong 'yan."  pagsaway ko pa dito.

"Kanina pa po kasi kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo, 'di ko mareach mare!" sagot nito sabay ang mahinang hampas niya sa balikat ko.

"Alam mo kung hindi kita mahal kanina pa kita iniwan diyan mas babae ka pa sakin e."

"Ikaw naman kasi nakauwi na tayo lahat lahat e wala ka parin sa sarili mo. Nag ooverthink nanaman ba ang mahal ko?" nag aalala nitong sambit.

"No, ayos lang ako. Iniisip ko lang 'yong sinabi nung matanda kanina sa quiapo. Paano kung totoo 'yon? Kung pinagtagpo nga lang tayo pero hindi tayo tinadhana? Maffall out love ka kaya o siguro makakahanap ka ng iba tapos iiwan mo ako? Or... nag ooverthink nanaman ako. I'm sorry." paghingi ko ng pasenya dito pero nginitian lamang niya ako.

Alam ko namang pagod siya galing trabaho tapos dumadagdag pa 'tong pag ooverthink ko. Kung pwede ko lang sana pigilan pero hindi e. I've been traumatized from my papa and mama's relationship. Papa cheated on mama, so i'm scared it might happen to me.

"It's okay mahal. I know you can't help it but please just trust me on this one. Pangako hinding hindi kita iiwan 'tulad ng ginawa nung papa mo okay?At 'wag mo na iisipin 'yong sinabi nung matanda sa quiapo, hindi 'yon totoo lalo na hindi magiging totoo ang sinabi niya hmm?" mahaba ngunit maliwanag na sambit nito habang nakahawak sa magkabila kong balikat.

"Hmm... I trust you Isaac, I trust you." tumatango tango kong sagot sa kanya.

"And I love you more for that." sabay halik sa aking labi at yakap sa akin kahit na maraming tao ang nasa paligid namin.

Omg, we're in the public place for godness' sake. Ano pa bang inaasahan ko? He's Isaac, ang walang hiya kong boyfriend at siya lang ang walang hiya na tao na mahal ko.

"He's cheating on you. Isaac is cheating on you, Eli gurl. Wake up gurl!" rinig kong sigaw ni Marie kahit sa panaginip e parang nakalunok pa rin ng microphone ang babae na 'toh.

"Marie naman, umagang umaga oh hayaan mo muna na magising 'yong diwa ni Eli bago mo sa kanya sabihin." rinig ko namang bulong ni... Tina? Wait... so hindi ako nanaginip.

"Ayan nagising na tuloy siya, ang ingay mo kasi." pagmulat ko ng mata e nakapout na Tina agad ang bumungad sa kin.

"Omg gurls. Anong ginagawa niyong dalawa dito? For goodness' sake hindi pa ako nakakahilamos at nakakapagtoothbrush. Lumabas mun-"

"Okay Eli gurl relax. Porket nagkaboyfriend ka e nakalimutan mo na halos gabi gabi nga kami noon matulog dito ni gurl Tina sa inyo at yes sabay sabay tayong nagigising at nakikita't naaamoy namin ikaw so anong bago dun?"  nakapamewang na pagputol ni Marie sa sinasabi ko.

"Okay... So ano nga ulit ang ginagawa niyo dito?" papalit palit na tingin ko sa kanilang dalawa habang nakahiga pa rin at sila naman ay parehas na nakaluhod sa kama ko.

"Oh speaking of boyfriend! Si Isaac kasi-" maingay na sagot ni Marie ngunit tinakpan ni Tina ang bibig nito.

"Ahm it's nothing Eli. Ano, maghilamos ka muna tapos hintayin ka namin sa baba ah." hinila niya na si Marie.

"Marie and Tina, saglit lang." pagpigil ko dito bago pa sila makaalis sa kwarto ko. "Anong tungkol kay Isaac?"

Nagkatinginan naman sila at dahan dahang tinangal ni Marie ang kamay ni Tina sa bibig niya.

TRAGIC | CompilationМесто, где живут истории. Откройте их для себя