AGE DOESN'T MATTER

21 0 0
                                    

"Nababaliw ka na ba? Ang tanda na niyang kasintahan mo iha, para mo na ngang tatay o tito yan."

"Ang tanda naman ng boyfriend niya."

"Mapera kaya siguro um-oo. Gold digger."

"Papasa na niyang tatay yung lalaki jusko."

"Baka sugar daddy beh."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko mula sa mga taong mapanghusa sa tuwing magkasama kami ni Martin. Nasanay na ako kaya wala na sakin ang mga parinig na 'yon, sa dalawang taon ba naman naming pinagsamahan, eh sinong hindi masasanay.

Yes, I've been in a relationship with my so called gurang boyfriend for two years.

Andito ako sa waiting shed ng aming eskwelahan habang hinihintay si Martin, hatid sundo niya ako, ayoko man dahil nasspoiled ako sa ginagawa nito pero hindi siya nagpatalo at ang dinahilan ay marami daw loko loko sa panahon ngayon kaya mabuti ng nag iingat.

Ilang minuto pa ang nakaraan ay dumating na si Martin at ito nanaman ang tinginan ng mga tao. Eh sino bang hindi mapapatingin kung ang kotseng dala ng loko na 'to ay isang sports car.

"Love, ilang beses ko na sinabi sayo na 'wag itong kotse na 'toh ang gagamitin mo sa pagsundo sa akin diba? Ang kulit mo talaga." pagkompronta ko agad dito.

"I love you too, love." saad na lamang nito at hindi binigyan pansin ang pagsuway ko dito. "So lets go, my lady?" hinalikan muna ako nito sa pisngi sabay alalay sa'kin papasok sa magara nitong kotse.

"Hindi mo nanaman pinansin ang sinabi ko sayo."  sambit ko dito habang nagddrive siya.

"Yes, boss. Hindi na po mauulit." balewalang sagot nito.

"You're such an ass."

"What? Kung papatulan kita alam mo na mag aaway lang tayo at alam mo din na 'yon ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ayokong mag away tayo. Ayokong galit ka sa akin. " sinserong sabi nito.

"Okay. Basta huwag mo na uulitin 'yon ha?"

"Yes, boss."

"Boss ka diyan" natawa na lamang siya sa sinabi ko.

Pagkahatid sa'kin ni Martin sa apartment na tinitirhan ko ay umalis na agad siya. Habang nasa kalagitnaan kasi kami ng byahe ay may tumawag sa kanya at may biglaang meeting at emergency daw 'yon sa company niya.

At the age of 28, may sarili ng company na hinahandle si Martin. Syempre bilang girlfriend ay nakakaproud naman talaga.

Pagpasok sa apartment na tinitirhan ko ay nagtaka ako na kung bakit bukas ang mga ilaw, sa pagkaka alala ko ay bago ako umalis ay pinatay ko ito.

Kinabahan naman ako dahil baka may magnanakaw na pumasok at balak ko na sanang tawagan si Martin nang biglang may taong lumabas mula sa aking silid.

Si mommy at sa likod nito ay si daddy.

"Natasha, my daughter." malambing na sambit ni mommy.

"Mom and dad... What are you two doing here?" I asked them straight to the point.

"Nat. Respect." matigas na saad naman ni daddy at alam ko sa sarili ko na galit na ito pero pinipigilan lamang niya.

"What? You want my respect but you don't respect me, my decision."

"You don't understand, Nat. It's for your own sake. Martin is bad for you." mommy said.

"How do you know that?" nagtitimpi kong sabi sa kanila. "Eh hindi niyo nga hinayaan yung tao na magpakilala sa inyong dalawa e. Martin is bad for me? Why? Because of his age? Because of our age gap? Mom naman. Age doesn't matter, our love for each other is all the matter."

"You're still young, Nat. A 20 years old young lady. Hindi mo pa alam ang salitang pagmamahal. Kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Martin ay hindi magtatagal 'yon. Kaya habang maaga pa ay bumalik ka naman sa amin, umuwi ka na." sagot naman ni dad.

"Seriously, dad? Mom? Are you really saying na bumalik ako sa inyo? Baka nakakalimutan niyo na hindi ako naglayas, pinalayas niyo ako. Pinalayas." pagdiin ko pa sa huling salitang aking sinambit.

"Halos mabaliw ako nun. Hindi ko alam kung saan ako matutulog, kakain. Ang dami niyong sinabi tungkol kay Martin, kaya nagdalawang isip ako kung tatawagan ko ba siya para manghingi ng tulong pero hindi ko siya natawagan kasi nahanap niya ako. No, hinanap niya ako. He was so worried sick of what happened to me back then. Habang kayong dalawa ay hindi nagdalawang isip na palayasin ako, ang sarili niyong anak."

"Because you choose him over us, Nat."

"Yes, mom and dad. Because you choose yourself over me, your own daughter. At kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ulit, I'll still choose Martin, over and over again."

"Congratulations, love. Finally, makakasama na kita sa kompanya ko at soon to be na magiging iyo na din. Gaganahan na ako nitong pumasok." tatawa tawa pang sabi ni Martin.

Kakagraduate ko lang at syempre dahil supportive ang fiance ko ay pumunta siya kahit napakabusy ng schedule niya.

Totoo 'yon. Fiance. Last year ay nagpropose sa'kin si Martin at bakit naman ako hihindi 'di ba? So I said yes. I'm soon to be Natasha Natividad- Capellan, Mrs. Capellan.

"Oy beh ayan na 'yong hot na sugar daddy ni Natasha oh."

"Akala ko kuya o tatay na niya, boyfriend pala haha."

Hindi parin nawawala ang chismisan ng mga taong makapanghusga eh kala mo malinis naman. I badly want to say to them na bago sila manghusga ng ibang tao e tignan muna nila ang sarili nila.

Pero magsasayang lang ako ng oras at panahon kung gagawin ko 'yon. Kung papansinin ko ang mga taong ganon may mangyayari ba?

If they can't accept us? So what?It's my fucking life and happiness, not theirs.

"Hilig mo talaga ibalandra ang mamahalin mong kotse eh noh?" saad ko habang inaalalayan niya ako papasok sa sports car niya.

"Ito naman, soon to be misis ko. I just want to show them how rich I am so no one's gonna take what's mine. And it's you anyway." saad nito at nagsimula na magdrive.

"Ako talaga?"

"It's you, Natasha. It's always be you." kitang kita ko sa mata niya kung gaano siya kasensiro habang sinasambit ang mga katagang 'yon.

Pero bago pa ako makasagot ay nahagip ng aking mata ang papalapit na truck mula sa pwesto namin.

"Martin!"

"Miss Natividad, are you okay? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?"

"Nasaan ako?... Si Martin? Where's Martin?" tanong ko sa nurse na nasa harapan ko.

"Martin? Sino po sila?"

"Martin, Martin Capellan, my fiance... Is he okay?-"

"Ah yung tinutukoy niyo po ba na Martin ay yung kasama niyo ng mabangga kayo ng truck noong April 3, 2019? Miss Natividad para po sayong kaalaman ay halos isang taon po kayong nacoma dahil sa malakas na impact na nangyar-." pagputol nito sa sinasabi ko.

"Hindi... Si Martin, ang fiance ko." pagpupumilit ko dito hanggang sa may doctor na pumasok. " Doc, Nasaan si Martin? Please tell me where is he?"

"Exactly on April 3, 2019, we did everthing we could do to save him, but he is gone, i'm sorry."

"No. Nagbibiro ka lang 'di ba? Doc naman. Tell me he's not dead right?"

"I'm really sorry for your lost. But Martin is dead."

Please, someone wake me up from this nightmare. Or just tell me how? how a perfect love goes wrong?

TRAGIC | CompilationNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ