23. She's Back

1.3K 39 1
                                        

 

Nakaupo lamang ako sa bench kaharap ang papalubog na araw. Hindi ganoon kaliwanag ang paglubog nito ngayon. Sapagkat nasa taas kami ng bundok, hindi ko makita ang talagang paglubog ng araw, ‘di tulad kapag nasa baba ka.

 

Nakatingin lamang ako habang iniisip ang posibilidad na maayos din ang lahat. Pero habang iniisip ko iyon, nararamdaman ko ng iba na ang aking nararamdaman. Parang kinakain na ang kaluluwa ko’t pinapatay ako unti-unti. Siguro, kumalat na ang kamandag ng dugo ng isang midnight vampire. Mas lalo akong natakot. Pero mas natakot ako ng naramdamang umuusok ang tinatapakan kong lupa.

 

Napayuko ako para tignan ito at laging gulat ko na lamang noong umaapoy na ang aking paanan. Sa sobrang gulat ko ay nagpanic ako at tumayo para alisin ang apoy na iyon. Umaakyat na iyon sa buong binti ko. Doon ko naalala, bampira ako. At ang isang bampira ay madaling mamatay sa apoy lamang. Tumayo ako’t tumakbo sa isang malapit na ilog. Dali-dali akong tumakbo dahilan ng umaakyat na ito sa buo kong katawan. Pagtakbo ko ay nakahanap ako ng ilog. Agad akong sumisid para mawala ang apoy. Pagsisid ko nagtagumpay ako dahil nawala ito pero di naglaon ay naramdaman ko ang pagusok ng aking balat. Nangingiba ang kulay nito.

 

At kahit nasa ilalim ako ng ilog, naramdaman kong naging dagat ito. Ano ito? Anong kalokohan ito? Pero hindi! Hindi ko na iisipin kong anong mangyayari, kailangan kong umalis bago malapnos ang aking balat. Lumangoy ako hanggang sa naabot ang pangpang. Pag-ahon ko naramdaman kong umiba ang lugar na aking kinakatayuhan ngayon. Napatingin ako, mapunong lugar. Naglakad ako para bumalik na sa bahay pero naramdaman ko na lamang ang pagkilos ng mga sanga ng puno. Unti-unti kong naramdaman ang malakas na ihip ng hangin na naging dahilan ng pagpikit ko dahil sa kasama nitong buhangin.

 

Pero mas lalo akong nagulat noong pagdilat ko, meron ng punong kahoy sa puno ko. Kahoy. Nakastab sa aking puso. Puso. Pu..

“Ahh!” Napaangat ako at napaupo ng maramdamang nasa isa na naman akong bangungot. Hinabol ko pa ang aking paghinga para makabawi ng lakas. Tunganga pa rin akong nakatingin sa dingding. Nanaginip na naman ako. Lagi na lamang nangyayari ito sa akin. Mananaginip ako ng mga nakakatakot na pangyayari. 

Sinubukan kong kumalma hanggang sa napansin kong umaga na pala. Tumayo ako’t pumunta sa banyo para makapag-ayos na. Ilang minuto ay bumaba na ako para mag-almusal. Doon ko nakita si Raven. Nakatayo habang nakasandal sa dingding at nakacrossed-arms. Pagbaba ko sa hagdan doon siya napatingin sa akin.

“Anong meron?” Tanong ko.

“Kailangan mong mag-ingat.” Bigla niyang sabi sa akin. Kinabahan ako bigla. Bakit bigla na lamang niyang nasabi iyon.

“Bakit?” Tanong ko ulit.

“Dahil nasa panganib ang buhay mo. Nalaman na ng.. ng head ng seven devils na mayroong isang midnight vampire na nabuo ngayong taong ito. Kaya hahanapin ka nila’t oobserbahan. Maghahanap sila ng paraan para patayin ka.”

Nanginig ang sistema ko noong narinig iyon. Nasa panganib ang buhay ko. Ibig sabihin, ang panaginip ko ay nagsasabihing nasa panganib ako dahil sa mga sakunang naranasan k doon.

“Kailangan mong lumakas. Kailangan mong maging isang midnight vampire.” Nabasag ang buong katinuan ko dahil sa sinabi niya, pero di ba?

“Di ba kayo ang nagsabing delikado akong nilalang? So bakit kailangan ko pang ipush ang pagiging midnight vampire ko?!”

“Dahil,” tumingin muna siya pansamantala bago itinuloy ang sinabi ko. “Dahil ikaw lamang ang tanging makakatalo sa kanila. Listen Ara, ayokong mapahamak ka. Gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lamang. Pero hindi sapat ang kakayahan ko. Kaya’t kailangan nating isakripisyong maging isang midnight vampire ka para mabuhay ka. Para hindi ka nila mapatay.”

Nakatingin lang ako sa kaniya. Tama siya, pero kapag pinagpatuloy ko ang aking pagiging midnight vampire ay baka maaari ko silang mapatay. Magiging mamamatay tao ako. At iyon ang sumpa sa akin.

“Hindi.” Napayuko ako habang seryosoong nakatingin sa sahig. Ayokong tumingin kay Raven.

“Hindi ako magiging isang midnight vampire. Raven, okay lang na patayin nila ako. Handa akong lumaban sa abot ng lakas na aking makakaya. Ngunit hindi ko gagamitin ang pagiging midnight vampire ko para manalo dahil kahit anong mangyari, mapapahamak pa rin kayo.” Saad ko. Buo na ang aking isipan.

“Ara.”

“Hahanapin ko pa rin kung sino ang gumawa sa akin nito. Hihilumin ko pa rin ang sarili ko, ngunit kahit ganoon hindi ko parin kayo hahayang mapahamak. Makikipagpatayan ako sa seven devils kung kinakailangan.” Matapang kong pahayag. Napatingin si Raven sa akin. At nakita ko sa kaniyang mata na hindi na niya ako matututulan pa.

“Sige, hahanapin natin kong sino ang gumawa sa’yo niyan.”

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay pumasok na ako sa paaralan. Hindi ko pa rin makontrol ang sarili ko sa pagkain at pagkitil ng mga inosenteng tao para lamang makakuha ng kanilang dugo. Ngunit kahit ganoon kasaklap ang ginagawa ko, hindi ko na maramdaman ang awa. Siguro dahil nasanay na ako. Namanhid na ako sa aking nakikita.

Hindi ko na rin masyadong nakakausap si Devin. Na para bang umiiwas s’ya sa akin at hindi ako komportable. Nasanay din kasi akong nasa tabi ko siya lagi’t nangungulit. Pero mas mabuti na rin sigurong nasa distansya siya. Kung iisipin, bampira si Devin at baka may magawa pa akong masama sa kaniya.

Si Brielle naman, tulad ng dati tahimik pa rin.

Normal lamang ang lahat ng mga oras na iyon. Nakinig sa lecture, gumawa ng activitiy. Nag-aral ng lesson.

Hanggang sa mabilis na dumating ang alas-kwatro. Mag-isa akong nilisan ang klasroom at mag-isang naglakad sa hallway. Ngunit habang naglalakad ako nakaramdam ako ng may sumusunod sa akin. Dahan dahan kong inoobserba ang tumitingin sa galaw ko. Hindi ako takot. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot.

Kaya naman dumiretso ako sa gym. Pagdating ko doon ay ang paglitaw ng taong nasa likuran ko. Kanina pa sumusunod sa akin. Binitawan ko ang aking bag saka tumingin sa kaniya. Paglingon ko. Isang pamilyar na ngiti ang aking nakita.

“Kamusta?” Tulad pa rin siya ng dati. Nakakainis.


”Vanessa.”

Midnight DreamsWhere stories live. Discover now