"Naholdap ako kanina. Nakita ako ni Jayce sa kalye at tinulungan. Dinala niya ako rito dahil nagta-trabaho siya rito, Ihahatid niya sana ako kapag katapos niya."

Natataranta kong paliwanag sa kaniya. Pakiramdam ko kasi ay iyon ang makakapag pahinto sa pagngangalit ni Keano. Hindi ko pinatid ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

Nakita ko ang unti-unting paglambot ng kaniyang ekspresyon. Gulat ang nagibabaw roon. Unti-unting namatay ang apoy sag alit niyang mga mata kanina.

"W..what?" Mahina niyang tanong.

Lumunok ako at binitiwan siya. Lumapit ako kay Jayce at kinuha sa kaniya ang bag ko at ang cake.

"Salamat Jayce, sa tulong. Huwag kang mag-alala ayos na ako." Sabi ko sa kaniya saka tipid na ngumiti. Kita ko ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata. "Are you sure? Hindi ka ba niya sasaktan?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "Sige, uuwi na ako. Salamat ulit." Sabi ko sa kaniya. Tinanguan niya lang ako.

Tinalikuran ko na siya saka naglakad pabalik kay Keano na nakatayo pa rin duon at nakatingin sa akin.

"I'm sorry if I caused you so much trouble. I'm sorry if-"

"I'm sorry."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa kaniya nang hitakin niya ako at mahigpit na yakapin. Nagulat ako roon. Pero sa kalooban ko nakaramdam ako ng kaginhawaan. Tila noon ko lang naramdamang ligtas na ako.

Tumulo ang mga luha ko at hinyaan siyang yakapin ako. Biglang bumalik sa akin ang mga nangyari kanina.

Mas hingpitan pa ang kaniyang yakap.

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin rin siya pabalik. Kahit ngayong gabi lang, hahayaan ko ang sarili kong lumapit ulit sa kaniya. Kahit pansamantala...kahit sa sandaling pagkakataon lang na ito. Hahayaan ko ang puso kong malayang lumapit sa taong nagpapabaliw rito.

Nang matapos ang mahigpit na yakap na iyon ay pinasakay na niya ako sa kaniyang kotse.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Sigurado kabang wala silang ginawa sa'yo?" Tanong niya sa akin.

Hinawakan niya ang mukha ko. Ang mga mata niya ngayon ay puno ng pag-aalala at guilt.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Ayos lang ako." Sagot ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala ako. Kinuha ko ang kamay niyang nasa mukha ko upang tingnan sa kaniyang wrist watch ang oras.

"Bakit?" Tanong niya.

"Dalawang oras nalang, matatapos na birthday mo." Sabi ko. Narinig ko ang kaniyang pagtawa. 

"I thought you didn't know." Sabi niya.

"Alam ko. Hindi lang kita binati kanina dahil gusto sana kitang i-surprise pag-uwi. Nagpagawa pa ako ng cake para sa iyo, ayon oh." Tinuro ko yung cake na inilagay ko sa back seat. "Kaya lang may nangyari." Kinagat ko ang pangibabang labi ko.

"May oras pa naman, pwede pa tayong mag celebrate." Sabi niya.

Ngumiti ako saka tumango. Kaagad niyang pinaandar ang kaniyang kotse pauwi ng condo.

Pagdating ay kaagad kong binuksan iyong cake na hindi na ganon kaganda ang itsure dahil sa mga pinagdaan namin buhat kanina. Nagme-melt na ang icing nito!

Tsk. Nakakainis pati ang cake ay nadamay sa kamalasan ko ngayong gabi!

"What's wrong?"

Sumulyap ako kay Keano na nasa gilid kong nakaupo sa sofa. Nakatigilid ang kaniyang ulo tsaka naka kunot ang noong natingin sa akin.

"Yung cake kasi, hindi na maganda." Sabi ko, may panghihinayang sa aking boses.

Narinig ko ang kaniyang pagtawa. Sumulyap rin siya sa cake. He pursed his lips. "It still looks fine to me." Sabi niya tapos ay dinukot ang isang daliri sa cake. Nanlaki ang mga mata ko saka kaagad tinampal ang kamay niya.

"Ouch! What?" Tumawa siya.

"Pangit na nga dinukot mo pa!" Inis kong sabi sa kaniya. Kinuha ko ang lighter na binili ko kanina upang sindihan ang kandila. Sinindihan ko ito at saka binuhat at itinapat sa kaniya.

Ngumiti ako tapos ay nagsimulang kantahan siya ng birthday song. Ngumiti rin siya tapos ay nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam anong tumatakbo sa isip niya sa mga oras na iyon. Ang mga matang iyon ay naghatid sa akin mabilis na pagtahip sa aking puso.

Totoong gusto ko na ang taong ito. Siya lang ang may kakayahang maghatid sa akin ng mga ganitong klaseng pakiramdam. He's the only one that makes me feel mixed emotions and feelings. He makes me feel happy, nervous, shy, conscious, scared, and safe all at once.

I don't know how he's able to do it.

"Happy birthday."

Masaya kong bati sa kaniya. "Make a wish now." Sabi ko. Tumango siya.

Pumikit siya at saka hinipan ang kandila.

"Thank you Eli." Masuyong sabi niya.

Tumango ako. Ibinaba ang cake sa mesa. Hahatiin ko sana iyon nang mapatigil ako sa ginawang pagyakap sa akin ni Keano. Nanlaki ang mga mata ko at halos tumigil sa pagtibok ang puso ko.

"K-keano?"

Halos manginig ang aking boses ng tawagin ko ang kaniyang pangalan.

"I still feel guilty sa nangyari sa'yo kanina at sa mga nasabi ko dahil sa galit. I shouldn't shouted at you, I shouldn't told you those things. I'm sorry." Masuyong bulong niya sa akin. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat.

"Sobrang takot ang naramdaman ko kanina nang hindi kita mahanap. Akala ko ay umalis ka at iniwan ako...takot na takot akong baka naulit ulit yung kinakatakutan ko. Hindi ko alam kung kaya ko ulit, maiwan." Sabi niya.

Nanatili akong tahimik. Ang aking puso ay sobrang bilis ng pagtibok.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin.

"K-keano...wala ka namang kasalanan dun." Sabi ko. Pinilit kong kumalma pero ang lintek kong sistema ay ayaw makisama.

"Please...huwag mo na akong pakabahin ng ganon. Huwag mo na akong iwasan...dahil nasasaktan ako...Eli." Sabi niya.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Keano. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito sinasabi.

"A...ano bang sinasabi mo? B-bakit?" Nanunuyo ang lalamunan ko. Nahihirapan akong magsalita.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at saka niya ako hinarap sa kaniya. Tinitigan niya ang aking mga mata. Punong puno ng mga hindi ko maipaliwanag at maintindihang emosyon ang kaniyang mga mata.

"Eli gusto kita."

Hinid ko alam kung nabingi lang ba ako at hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nalilito ako.

"H-huh?" Sa dami nang gusto kong sabihin at itanong, iyon lang ang nakayanang bigkasin ng aking bibig.

Bahagyang lumapit ang kaniyang mukha sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Gusto kita- no...I don't just simply like you, I think I am already in love with you."

Kung nawindang ako sa mga salitang iyon. Mas lalong na windang ang buo kong sistema sa sumunod nyang ginawa. He cupped my face and pressed his lips against me. I was stunned in awe. Wala akong ibang nagawa kundi ang paghalik niya sa akin.


It was my first kiss...and it feels great and wonderful. 

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt