Wala pa kami sa bahay nila ng huminto siya. Hindi ko alam kung bakit...ayokong magtanong at hinintay nalang siyang magsalita.

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko?" Iyon ang tanong na bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.

Hindi ko siya nilingon at nanatiling nasa labas ang aking mga mata. Lumunok ako upang tanggalin ang bara sa lalamunan ko.

"Uh...m-mahina ang s-signal roon." Maikling tugon ko. Pinilit kong huwag mautal ngunit hindi ako nagtagumpay.

"You should have sent me at least one fucking text message! Dammit Eli!"

Napapikit ako sa kaniyang iritadong pagsasalita.

"Bakit si Vasquez ang kasama mo? Bakit siya ang naghatid sa iyo rito? Dapat tinawagan mo 'ko nang nasundo kita sa terminal."

Suminghap ako at inis na humarap sa kaniya. Nakatitig rin siya sa akin.

"Umuwi silang probinsya ng pamilya niya, kaya sa kanila na ako sumabay bumalik. Hindi ko na sinabi sa iyon dahil naisip kong hindi naman mahalaga iyon. Keano hindi mo ako responsibilidad, wala kang pananagutan sa'kin. Hindi mo kailangang mag-alala sa'kin." Inis ko ring sabi sa kaniya.

Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang. Ang kaniyang mga mata ay hindi nagbago ang intensidad. Nakakapanlambot iyon ng tubod, pasalamat nalang ako at nakaupo ako ngayon dahil baka natumba na ako kung nakatayo ako sa mga oras na ito.

"You're right, hindi kita responsibilidad at wala akong pananagutan sa'yo. Pero...mahalaga ka sa akin at kahit pigilan mo 'ko mag-aalala at mag-aalala pa rin ako sa'yo." Sagot niya na ikinatulala ko.

Gusto ko pa sanang magsalita ngunit natuyo ang aking lalamunan at wala akong salitang mabuo sa aking isipan upang sabihin sa kaniya.

Napaiwas nalang ako ng tingin. Ilang beses akong lumunok at pilit kinakalma ang puso kong gusto na yatang lumabas sa kulungan nito.

Pinaandar na niya ang kaniyang kotse at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kanilang bahay.

Mabilis akong lumabas sa kaniyang kotse at walang lingon akong naglakad papasok. Nakasalubong ko pa sina Ate Aila at Manang na inaabangan ang aking pagdating.

Tinanong ako ni Manang kung kumain na ako at kumusta ang biyahe ko. Sinubukan kong maging masigla gaya ng dati. Kahit na nagkaroon kami ng pagtatalo ni Keano kani-kanina lang.

Nagpaalam rin ako kaagad sa kanila at sinabing magpapahinga na ako. Hindi naman na nila ako pinigilan at hinayaan lang.

Dumaan muna ako sa library ng bahay kung nasaan raw sina Ma'am Cassandra at Doc Carlos upang ipaalam ang pagdating ko. Matapos iyon ay dumiretso na ako sa silid ko. Hindi ko na muli pang kinausap si Keano dahil ayoko ng mas lalo pang gumulo ang isip ko.

Kinabukasan rin nang araw na iyon ay umuwi kami ni Keano sa condo niya dahil may pasok sa sa susunod na araw. Wala pa ring imikan sa pagitan naming dalawa.

Hindi naman niya ako kinakausap kaya hindi rin ako nag-initiate ng usapan.

Biglang parang ang bigat sa kalooban na biglang naging ganito ang ambiance sa pagitan naming dalawa. Noon sa tuwing magkasama kami sa kotse ay walang patid ang pag-uusap naming dalawa ng kung anu-ano.

Ngayon ay parang hindi namin kilala ang isat-isa sa paraan ng pakikitungo namin. Nalulungkot ako pero naisip kong ayos na ito, para naman kahit papaano ay hindi na ako mahirapang ilayo ang sarili ko sa kaniya.

Kailangan ko na siyang iwasan...hindi na magandan ang mga nangyayari sa akin...natatakot na ako baka mahuli na akong isalba ang sarili ko sa tuluyang pagkahulog sa kaniya.

Umalis rin siya nang araw na iyon dahil may training sila sa university. Ako ay maghapong naiwan sa condo. Kinamusta rin pala ako ni Allen at tinanong kung may ginawa ba sa akin si Keano, dahil nag-aalala daw siya.

Sinabi kong wala naman at maayos ako.

Dumating ang sumunod nalinggo at balik ulit kami sa dating routine. Hindi pa rin kami nag-uusap pero naghanda pa rin ako ng almusal at sabay pa rin kami pumasok.

Isang araw ay nakarecieve ako ng text message mula kay Manang, ipinapaalala niya na birthday na ni Keano sa susunod na araw. Ayaw man nito sa selebrasyon, hindi ibig sabihin ay kakalimutan na ang espesiyal na araw sa kaniyang buhay.

Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ayaw niya ng birthday celebration, iyon ay dahil kay Sofia. Sa babaeng mahal na mahal niya.

Bigla ako nakaramdam ng kirot sa isiping iyon. Iniling ko nalang ang ulo ko upang iwaksi sa isipan iyon. Marahil ay ibibili ko nalang ng cake si Keano. Iniiwasan ko man siya, hindi ko naman maatim na balewalain ang kaniyang kaarawan.

Umorder ako ng cake sa isang pastry shop sa mall sa malapit sa university.

Kinabukasan nagluto ako ng masarap na pagkain. Sinadya kong hindi siya batiin para hindi ipaalam sa kaniya na alam kong birthday niya ngayon.

Pansin kong parang may hinihintay siyang sabihin ko. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Damang-dama ko ang kaniyang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi ko tuloy maiwasang ma-conscious at kabahan.

Halos nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan nang matapos ang lab class namin. May training naman si Keano ngayon kaya alam kong late siya uuwi.

Nang makarating ako sa mall ay nakahanda na ang order ko. Binayaran ko iyon saka na umalis. Nag taxi nalang ako.

Habang nasa taxi ay kausap ko si Flynn sa text kaya hindi ko napansin ang daang tinatahak namin. Namalayan ko lamang dahil parang ang tagal nan g biyahe.

Kumunot ang noo ko nang sumulyap ako sa labas at makitang hindi na pamilyar ang daang aming tinatahak.

"Manong asan na ho tayo?" Hindi ko maiwasang kabahan dahil gabi na at wala na kami sa highway. Madilim na ang daang binabagtas namin!

Inumpisahan akong kainin ng kaba lalo na nang nakakalokong ngisi nung driver. Huminto ang sasakyan sa isang dalim na lugar.

"M-manong?"

"Holdap 'to bata. Ibigay mo wallet at cellphone mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

Binalak ko sanang buksan ang pintuan sa gilid ko ngunit naka lock ito. Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa kaba.

"M...manong wala po akong pera." Sinubukan kong huwag matakot pero gumaralgal na ang aking boses.

"Sumunod ka nalang bata kung ayaw mong laslasin ko ang tagiliran mo! Wallet at cellphone!" Napapikit ako sa sigaw niya. Iwinagayway pa nito ang patalim na hawak.

Natataranta naman akong kinuha ang wallet ko at cellphone saka inabot iyon sa kaniya. Ngumisi naman siya.

"Masunurin ka naman pala. Ngayon labas na nang mabuhay ka pa!"

Aligaga akong lumabas bitbit ang bag at box ng cake. Paglabas ko ay kaagad namang humarurot paalis ang taxi.

Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga at pagkabog sa dibdib ko upang pahupain ang kabang kumain sa akin kanina.

Inikot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam ito, madilim ang lugar at tanging ang mga dilaw na ilaw lamang sa mga poste na may malalayong agwat sa isat-isa ang nagbibigay liwanag sa lugar.

"Asan na ako?"

Muli akong ginapangan ng kaba. Ang mga luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan ay unti-unti nang tumulo sa aking mukha.

Sa mga oras na iyon, isang tao lamang ang nasa isip ko...si Keano. 

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now