Epilogue

4.3K 104 11
                                    

Ava's pov

Nagising ako dahil sa mga munting halik na dumadapo sa aking mukha. Pagdilat ko ay bumungad sa akin ang napakagwapo kong isip bata na asawa hehe.

"Good morning." He softly said while kissing me.

"Happy birthday." Nakangiti kong bati sa kanya at niyakap siya.

"Thank you, Avaly babe." Sabi niya at binangon ako habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Anong gusto mong regalo?" Tanong ko habang ang mga kamay ko ay nasa batok niya.

"Hindi ka naman papayag eh." Sabi niya.

"Eh, ano ba iyon?" Tanong ko.

"Magkaroon ulit ng laman ito." Sabi niya at hinawakan ang tiyan ko.

Natawa naman ako bago siya hinalikan sa pisngi.

"Edi bawasan mo pagkaisip bata mo. Baka sakaling pumayag ako." Nakangiti kong sabi na nagpaliwanag sa mukha niya.

"Talaga?" Tanong niya at tumango ako.

Hahalikan niya pa sana ako sa labi nang may biglang kumatok.

"Happy birthday, daddy!" Masayang bati ng tatlo pagpasok nila sa kwarto.

Sumampa sila sa kama namin at binigyan ng halik sa pisngi si Asher.

"Thank you, babies." Sabi ni Asher at niyakap sila.

"Daddy, may gift kami sa inyo!" Sabi ni Ashley.

Tinignan ako ni Asher at nginitian ko lang siya.

"Really? Ano yun?" Tanong ni Asher.

Binigay ni Crystal ang isang box na black kay Asher at binuksan niya naman ito.

"Mommy help us buy it yesterday. We hope you like it!" Sabi ni Crystal.

Isa siyang wrist watch tapos yung likod ay nabubuksan kaya nilagyan namin iyon ng family picture namin.

Pera iyon ng mga bata dahil simula maliit pa lang sila, yung mga pera na nakukuha nila sa tuwing may okasyon ay iniipon naming mag asawa at ginawan namin sila ng bank accounts.

We are saving up for their future para in case na may mangyari sa aming mag asawa ay hindi kawawa ang mga bata.

"Aww, thank you mga babies ko!" Sabi ni Asher at hinalikan sila sa ulo nila.

"You're welcome, daddy!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Oh siya, mamaya na tayo mag celebrate ng birthday ni daddy. Maligo at magbihis na kayo at baka malate pa kayo sa school." Utos ko.

"Yes, mommy!" Niyakap muna nila ako bago lumabas ng kwarto namin.

"You like their gift?" Tanong ko habang pinagmamasdan niya ang relo.

"Yeah. I love it." Sabi niya at nilagay muna sa side table ang box bago ako hinalikan sa labi.

"Wag muna tayo pumasok sa kompanya." Nakangisi niyang sabi.

"Sus, alam ko lang ang gusto mo eh." Natatawa kong sabi.

"Sige na. Ito na lang yung regalo mo sakin." Pagpupumilit niya.

"Eh may regalo na ako eh." Nakangiti kong sambit at hinawi ang buhok niya.

"Ano?" Tanong niya.

"Basta. Mamaya kona ibibigay. Sa ngayon, magbihis ka muna at may pupuntahan tayo." Utos ko at bumangon pero agad niya akong niyakap sa bewang ko.

"Sabay na tayong maligo." Malandi niyang sabi.

"Fine! Tara na dali!" Sabi ko at pilit kumawala pero binuhat niya ako na parang bata at nagtungo sa cr.

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now