Chapter 7

4.6K 131 6
                                    

Ava's pov

Napatayo ako nang tawagin ako ni Asher gamit ang landline.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko narinig ang pag payag niyang papasukin ako.

"Yes, sir?" Tanong ko.

"Make me a coffee." Utos niya habang nagbabasa ng files.

"Yes, sir. Anong klaseng timpla po?" I asked. Abay malay ko ba kung nagbago na ang panlasa nito sa kape.

"The same before." Sabi niya at tinignan ako.

"The one you used to make for me." Wow, halungkatan ng past?

"Y-yes, sir." Sabi ko at lumabas ng opisina niya.

Dumeretso na ako sa kusina ng kompanya na ito at nag timpla ng kape, yung laging tinitimpla ko sa kanya noon.

Nang matapos akong mag timpla ay maingat ko itong dinala sa kanyang opisina.

Inilapag ko ito sa desk niya at kaagad niya naman itong kinuha.

"Still the same." Bulong niya bago pa ako makatayo ng deretso.

"May ipag uutos pa po kayo, sir?" Tanong ko ulit.

"Finish this report and I want you to hand it to me first thing tomorrow morning." Sabi niya at may inabot sakin na file.

"Yes, sir." Sabi ko at kinuha ito tsaka lumabas na ng opisina niya.

Habang naglalakad ay nilingon ko ulit ang kanyang opisina at nakita kong panay higop siya dun sa mainit na kape. Namiss lang, Asher?

Hindi inaasahang may makabangga ako.

"I'm sorry, Shaira!" Sabi ko at sabay naming pinulot ang mga gamit namin.

"Okay lang. Bakit ba sa opisina ni sir ka nakatingin? May gusto ka kay sir noh?" Mapang asar niyang tanong.

"Wala ah!" Pag protesta ko.

"Weh?" Nakangisi niyang tanong at tumayo.

"Tinitignan ko lang kung gusto niya ba yung kape. Alam mo naman kung paano magalit yan kahit sa mga maliliit na bagay lang diba." Paliwanag ko at tumayo na rin.

"May point ka. Oh siya, babalik nako sa desk ko. Babush." Paalam niya at nauna nang umalis.

Bumalik na rin ako sa aking desk para tapusin ang report na pinapagawa sakin ni Asher.

"Anong klaseng report ito?" Tanong ko sa sarili ko.

Nang buksan ko kasi ang file ay hindi siya relate sa mga pinag gagagawa ni Asher ngayon.

I just shrugged my shoulders then I encoded the file.

Mamaya, mapagalitan pa ako kapag hindi ko ito ginawa eh.

Ilang oras na ang lumipas at natapos na rin ako sa mag encode.

Saktong uwian na rin kaya inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na ng kompanya kasama si Angelica.

*The next day*

"AVA!" Lahat kami ay natigilan sa aming mga ginagawa nang biglang sumigaw ng sobrang lakas si Asher.

Tinignan nila ako lahat na tila parang may mali akong ginawa.

Lumunok muna ako ng tatlong beses bago tumayo at tinungo ang opisina ni Asher.

"Y-yes, sir?" Tanong ko.

"Ano ito?! Is this a joke?!" Galit niyang tanong habang hawak ang file na ginawa at pinaprint ko kahapon.

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now