Chapter 39

3.2K 75 3
                                    

*5 years later*

Ava's pov

"Ellie! Stop chewing that!" Nasa hagdan pa lang ako ay rinig kona ang boses ni Asher.

"Ashley, Crystal. Clean this mess, please." Pakiusap niya sa dalawa.

Nang tuluyan na akong makababa ay parang binagyo ang sala namin dahil sa sobrang gulo.

"What happened here? Bumalik ba yung bagyong Yolanda?" Gulat kong tanong.

"Mommy!" Tawag nilang tatlo at nagsilapit sakin

"Who made this mess?" Tanong ko at sabay-sabay nilang tinuro ang magaling nilang ama.

Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit naman siya sakin.

"That's not my mess, mommy. Sila ang may gawa niyan!" Parang bata niyang sabi.

"Ellie, what really happened, baby?" Tanong ko.

Minsan kasi ay naglilihim ang mga prinsesa ko para pagtakpan nila ang mga sarili nila o di kaya ang tatay nila. Daddy's girls nga naman...

"Nag pillow fight po kami." Tuwang-tuwa na sabi ni Ellie.

Nilingon ko si Asher at nakanguso lang siya.

Kung daddy's girls ang mga prinsesa namin, mommy's boy naman ang bunso namin hehe.

"Sorry, mommy." Sabi ng dalawa habang pinaglalaruan ang mga daliri nila.

"Sorry, mommy." Sabi naman ni Asher na ngayon ay nasa tabi ko.

Para talagang meron akong apat na makukulit na mga anak eh. Nanggigigil ako sa asawa ko eh, isip bata talaga paminsan-minsan.

"Fine. But, clean this mess up. Mamaya ay aalis na tayo." Utos ko.

"Yes, mommy!" Sagot nilang tatlo at nagsikilos na.

"At ikaw." Nilingon ko si Asher.

"Tulungan mo silang maglinis tapos paliguan mona rin si Ellie at maghahanda lang ako ng babaunin natin mamaya." Utos ko sa kanya.

"Yes, mommy. Highblood ka nanaman eh." Pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin bago tinungo ang kusina.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nauna nang umakyat ang mga bata sa taas at sumunod naman sa kanila si Asher.

...

Nandito na kami ngayon sa villa kung saan nagbakasyon noon sila Irish.

Nakaupo ako ngayon sa buhangin at yung mga prinsesa ko naman ay naglalaro sa gilid ng dagat habang si Asher ay binibihisan si Ellie sa loob ng villa.

Maya maya lang ay dumating na rin si Asher habang karga si Ellie.

Iniwan niya muna ang anak namin sa mga ate niya at bumalik ito sa tabi ko.

"Ashy." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" He asked then laid his head on my shoulders.

"Wala kanang secretary diba? Pwede ba akong mag apply ulit?" Agad naman niya akong nilingon at tinaasan ng kilay.

"You're kidding right? Diba sabi ko sayo, ayokong nag t-trabaho ka." Sabi niya.

"Yeah. But that's not what you said when I first applied to you as your secretary." Natatawa kong sabi pero ngumuso lang siya.

"That is the past. Malabo pa tayo nun. But now, you're my wife already." He said.

"Please?" Pagmamakaawa ko.

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako.

"Why do you want to work anyway? You know, I can provide for our family." Sabi niya.

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now