Chapter 10

4.6K 124 3
                                    

Ava's pov

Dalawang oras na akong umiiyak dito sa kwarto at halos hindi na makahinga dahil sa patuloy na pag agos ng aking luha.

Grabe, imbis na gumaan ang aking pakiramdam dahil nasabi kona rin ang lahat pero parang mas bumigat pa eh.

Napalingon ako at nakita ko ang picture frame namin ni Asher na magkasama.

Pinulot ko ito at pinagmasdan. Sobrang saya namin noon.

"BWISET!" Sigaw ko at binato ito dahilan para ito ay mabasag.

My visions begin to blurry and the last thing I saw was Asher picking me up from the ground then everything went black.

...

Nagising ako at unang bungad sakin si Angelica na halata sa mukha ang pag aalala.

"Sis, buti naman gising kana." Sabi niya at nakahinga ng maluwag.

"A-anong nangyari?" Tanong ko at nagpatulong sa kanya na umupo sa kama.

Angelica's pov

"Well..."

"Asher, anong ginagawa mo dito?" Sarcastic kong tanong nang makita ko si Asher sa pintuan.

"Where is Ava?" He asked.

"Wala, tulog, umalis." Pilosopo kong sabi kaya nakatanggap ako ng matalim na titig mula sa kanya.

"Joke lang, boss! Nandun sa kwarto niya, nagkukulong." Dugtong ko.

Baka matanggal ako sa trabaho eh...

"BWISIT!" Rinig naming sigaw ni Ava at may tila parang nabasag.

Agad tumakbo si Asher papunta sa kwarto ni Ava at kumatok.

"Ava? Ava, open the door!" Sigaw ni Asher habang pinipihit ang doorknob.

"Nakalock yan, wala kang magagawa." Mataray kong sabi.

"Eh kung hinahanap mo na lang kaya yung susi hindi yun tinatarayan mo ako diyan!" Inis niyang sabi. Sarap batukan eh.

Inirapan ko muna siya bago tinungo ang drawer kung nasaan ang mga duplicate.

"Ano ba, Angelica! Bilisan mo!" Sigaw niya habang patuloy pa ring kinakatok ang pinto.

"Chill ka lang, boss. Ang sama kasi ng mga binitawan mong salita eh!" Sabi ko. Nag paparinig talaga ako hehe.

"Tsk!" Rinig kong sabi niya.

Maya maya lang ay nahanap ko na rin ang susi. Papalapit na sana ako kay Asher pero siya na ang lumapit sakin at hinablot ang susi sa kamay ko. Nagmamadali, tol?

Binuksan niya ang pinto at parehas kaming nagulat nang makita naming nakahiga na si Ava sa sahig.

"Sh*t! Avaly!" Sigaw ni Asher at lumapit kay Ava para buhatin siya.

Lumabas kami ng unit at nagtungo sa parking lot.

Sinakay ni Asher sa likod si Ava habang ako naman ay katabi nito at si Asher ay sa driver's seat.

Nang makarating kami sa ospital ay agad sinugod sa emergency room si Ava.

"Aabi ng doktor ay tumaas ang blood pressure mo at inatake ka ng hika. And that explains the oxygen nasal cannula." Sabi ko dahil may nakakabit nun sa ilong niya.

"May hinahanap ka ata?" Tanong ko dahil patingin tingin lang siya sa paligid.

"Wala. Tinitignan ko lang kung wala yung impaktong yun dito." Sabi niya at natawa naman ako.

"Well, you're unlucky today. Kasi yung impaktong sinasabi mo ay babalik para gambalain ka ulit." Natatawa kong sabi.

"Edi, umalis na tayo." Sabi niya at tatayo na sana pero pinigilan ko siya.

"Wala pang go signal ang doktor." Sabi ko.

"Kailangan pa ba yun?" Bored niyang sabi.

"Hindi naman. Kung gusto mo lang maulit ulit ito." Sabi ko at napahinga naman siya ng malalim.

Ava's pov

"Alam mo, ayusin niyo ang problema niyo. Hindi yung nag tataguan kayo diyan. Bukod sakin, kakampi mo rin si Asher. Kapag wala na ako sa tabi mo, nandyan pa rin siya." Biglang sabi niya.

"Gel, naman. Para kang namamaalam eh. Iiwan mo na ba ako?" Tanong ko.

"Hindi naman sa ganun. Pero, alam naman natin na dadating sa point na magkakaroon tayo ng sarilimg pamilya. Edi magkakahiwalay tayo. I know you're having a hard time with your family. That's why I'm here to support you. But I'm not always here for you. You also need a pertner for life. And that is..." Tumigil siya at saktong bumukas ang pinto.

Bumungad samin si Asher na may dalang mga plastic bags.

"Him." Pagpapatuloy ni Angelica habang nakatingin kay Asher.

"Did I disturb you, girls?" He asked.

"No. Actually, you're just in time." Sabi ni Angelica at tumayo.

"You two better talk. I'll be outside." Sabi niya sakin at naglakad patungo kay Asher.

"Wag mo aawayin o r-rapin yung kaibigan ko ha. Itatapon talaga kita sa Mars!" Banta ni Angelica at natawa naman si Asher.

Nang makalabas na siya ng kwarto ay siya na mismo ang nagsara ng pinto habang si Asher naman ay lumapit sakin tsaka umupo dun sa upuan kung saan nakaupo si Angelica kanina.

"Are you okay? How are you feeling?" He asked.

"Wala man lang bang thank you? Ako kaya ang nagdala sayo dito." Masungit niyang sabi.

Hayop ka talaga kahit kailan...

"Tsk, umalis kana nga!" Pagtataboy ko sa kanya.

"I'm just kidding! Look, I'm sorry." Sabi niya habang natawa pero agad din namang napalitan ng seryosong tono nung mag sorry siya.

"Sorry mo mukha mo." Bulong ko.

"Come on, Avaly. Marupok ka diba." Agad ko siyang tinignan at nahuli ko siya na nakangisi.

"T*ngina mo talaga kahit kailan!" Sigaw ko at pinag hahampas siya pero tawa lang siya ng tawa.

Nang dahil sa paghahampas ko sa kanya ay natanggal ang dextrose na nasa kamay ko. Sh*t, ang sakit!

"Oh, sh*t!" Sigaw ni Asher at tumawag ng nurse nang makita niyang may dugo ang likod ng kamay ko.

Maya maya lang ay dumating na ang nurse. Pinunasan niya muna ang dugo na dumadaloy bago kinabitan ulit ng dextrose.

"Sorry." Sabi niya at nag peace sign.

"Kampon kaba ng impakto?! Lagi na lang akong napapahamak dahil sayo!" Sigaw ko at binato sa kanya ang unan pero nailagan niya ito.

"Sorry na nga eh. Pansinin mo kasi ako. I want to settle things out." Sabi niya at pinulot ang unan.

"We can't." Sambit ko nang maibalik niya ang unan sa kama.

"We can, Avaly." Umupo ulit siya sa upuan.

"Asher, we can't. Hangga't hindi ako tanggap ng nanay mo ay hindi tayo magiging masaya." Malungkot kong sabi.

"Itatanan kita." Sabi niya.

"Pwede ba? Kahit ngayon lang ay maging seryoso ka, please." Pag mamakaawa ko.

"I'm dead serious, Avaly. Itatanan kita, aalis tayo." Sabi niya.

"Then what? Our lives will be miserable knowing that your mother will not leave us alone." I said.

"We'll do everything, Avaly. Hindi na kita kayang pakawalan pa." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Please, Avaly. Give me a chance to fix all of this."

"I have to fix my family's problem first." Sambit ko.

"I'll come with you. We'll fix everything." Hinawakan niya ang pisnge ko at hinalikan ako sa noo.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now