Chapter 15

3.4K 93 2
                                    

Asher's pov

"Anak, please. Mag usap naman tayo." Sabi ni mama.

Simula nung naging sagutan namin sa kompanya ay hindi na ako muling pumasok ulit. Ni hindi kona rin alam kung maayos paba ang pagpapatakbo ng C.O.O sa kompanya ni papa eh.

Ito namang si mama ay pinuntahan ako dito sa condo ko. Mabuti na lang ay wala dito si Ava. Nandun siya sa condo nila ni Angelica at malamang kung nandito iyon ay hindi nanaman magiging maganda ang sasabihin ni mama samin.

"Come in." Pag imbita ko sa kanya at mas nilakihan ang pagbukas ng pinto.

Pumasok naman siya at tinungo ang sala tsaka umupo sa sofa.

"Ano pa ba ang gusto mong pag usapan, ma? Tapos na ang lahat, itinakwil niyo na ako diba." Sabi ko kahit ako ang nagtakwil sa sarili ko.

"Anak naman. Nawala na sakin ang papa at kapatid mo, wag naman pati ikaw ay mawala rin sakin." Sabi niya.

"Ma, naman. Matagal na kitang sinabihan na kung ayaw mo na pati ako ay mawala sayo, hayaan mona ako sa buhay ko. I know what I am doing and I know that I want Ava here by my side." Paliwanag ko.

"Bakit mo ba nagustuhan ang babaeng yun, Asher?" She asked.

"Kung iniisip mo pa rin na itinakwil siya ng mga Carson well, mali ka. Tinanggap ulit siya ng mga Carson dahil mali ang bintang nila kay Ava. At tsaka, ma. Noon pa lang ay kinekwento kona sayo si Ava. Sayo pa nga ako nagpatulong para ligawan siya diba? Anong nangyari? Bakit bigla kang nagbago? Nagbago kaba talaga o napilitan ka lang nung mga panahong iyon dahil pinakiusapan ka rin ni papa at hindi ka makahindi dahil may sakit si papa nun?" Sunod sunod kong tanong.

"Oo na. Napilitan akong tulungan ka para sa papa mo. Ang totoo niyan ay, matagal kanang ipinagkasundo ng pamilya natin kay Irish." Pag amin niya.

"Planado na ang buhay mo, anak. Pero dumating si Ava at sinira yun." Dugtong niya.

"Well, I'm glad that she came. Kasi malamang, I'm suffering now because of some stupid arrangements between you and Irish's parents. Ma! Hindi mo man lang ba naisip kung gusto koba ito o hindi? Well, sa bagay. Ang importante lang naman sayo ay yung desisyon mo ang dapat masunod diba?" Sabi ko at napayuko naman siya.

Hindi kona talaga magawang galangin pa ang nanay ko. Sobra na eh, kinontrol niya na ang buhay ko noon pa man. Pati ba naman sa pagmamahal at sa pagpili ng taong papakasalan ay kokontrolin niya rin ako?

Ava's pov

"Sis, punta tayo sa mall!" Pag aayaya ni Angelica.

"Wala kabang gagawin?" Tanong ko.

"Hmm, wala. Natapos kona lahat ng trabaho ko kahapon pa. So, tara?" Tanong niya.

"Sige, magbibihis lang ako." Paalam ko at tumango naman siya.

Dumeretso muna ako sa aking kwarto at nagpalit na agad ng damit dahil naligo na rin naman ako kanina. Nagsuot ako ng jeans, white shirt at pinatungan ito ng denim jacket. Kinuha ko na rin ang white shoes ko pati na ang aking sling bag at humarap sa salamin para ayusin ang aking sarili.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nakabihis na rin si Angelica at hinihintay na lang ako.

"Tara na!" Sabi niya. Tumango ako at sumunod sa kanya palabas ng unit.

Ilang minuto ang lumipas ay narating na rin namin ang mall na malapit lang samin.

"Kamusta na pala sa kompanya? May ganap ba?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Wala naman. Ayos pa rin naman ang pagpapatakbo ng C.O.O dun. Parang nandun lang din si Asher. Bakit ba hindi kayo pumapasok?" Tanong niya habang nakayakap sa braso ko.

"Eh diba nga nag away sila Asher at ang nanay niya. Ni hindi ko nga alam kung gusto pa ni Asher na dun mag trabaho eh." Sabi ko naman.

"Eh paano kung ayaw niya? Sino na mag h-handle nun? Yung bruhang Irish na iyon? Lalayas na lang ako." Sabi niya at natawa naman ako.

"Hindi naman siguro. I'm sure hindi papayag si tita na si Irish ang mag handle nun noh." Sabi ko.

"Paano mo nalaman?" Tanong niya.

"Naikwento kasi sakin ni Asher na once daw eh sumama yan sa meeting nila. Ang bruha wala daw naintindihan." Sabi ko at napalakas ang tawa niya kaya pinagtinginan tuloy kami ng mga tao dito.

"Huy, manahimik ka nga." Suway ko sa kanya at hinila siya palayo.

"Seryoso ba talagang ganda lang ang meron siya? Oh my gosh, super kawawa si Asher kung natuluyan ngang tinali siya sa babaeng yun." Tumatawa niyang sabi at nahawa na rin ako kaya nakitawa ako sa kanya.

Nagmumukha kaming baliw habang naglalakad eh.

Dumeretso muna kami sa isang restaurant para kumain. Pagkatapos nun ay naonood kami sa cinehan hanggang sa inabot na kami ng gabi kakaikot. Siguro nga, naikot na namin ang buong mall pero ni isa ay wala kaming binili. Tanging mga to-go foods lang ang binili namin.

Alas otso na ng gabi kaya naisipan na naming umuwi.

Pagdating namin sa condo ay dumeretso na ako sa kwarto ko para mag half bath. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ako ng kwarto na naka pajamas at naabutan ko si Gel na nasa sofa kaya umupo din ako sa tabi niya.

Siya lang kasi ang may dalang shopping bags nung umuwi kami at ang mga laman lang ng mga ito ay mga junk foods.

Kumuha na lang din ako ng chips mula sa bag at nanood kami ng movie hanggang sa inabot kami ng hatinggabi.

Nakatulog na si Angelica sa sofa kaya kumuha ako ng kumot mula sa kwarto niya at kinumutan siya. Tulog mantika ang babaeng ito eh kaya mahirap gisingin.

Pinatay kona rin ang t.v at tahimik na niligpit ang mga kinalat namin bago pumasok sa loob ng aking kwarto.

Paghiga ko sa aking kama ay saktong nag ring ang phone ko, si Asher.

"Hi, Ashy. Bakit gising kapa?" Tanong ko.

"Saan kayo galing?" Tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko.

"Ha?" I asked.

"I went in your unit earlier, wala kayo dun." Sabi niya.

"Ah, nag mall lang kami ni Angelica. Sinubukan kitang tawagan pero out of reach ka." Sabi ko.

"Yeah. Buong hapon kasi kami nag usap ni mama." Sambit niya.

"Really? How did it go?" Tanong ko at binalot ang sarili gamit ang kumot.

"I really don't know kung nag aaway ba kami or what. Puro kami sumbatan eh. Pero in the end, babalik na tayo sa opisina bukas." Oh, payag na siya?

"Ah, okay." Sabi ko na lang.

"Sige na, magpahinga kana at alam kong pagod ka sa gala niyo kanina." Utoa niya.

"Sige, ikaw rin magpahinga kana. I love you, Ashy."

"I love you too, Avaly." Pinatay kona ang tawag at nilapag ang phone ko sa side table bago pinikit ang aking mata.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon