Chapter 5

4.9K 137 4
                                    

Asher's pov

Hindi ko alam kung bakit ko binilhan ng pagkain si Avaly. Well, yun ang tawag ko sa kanya noon.

It is pronounce as "Eyvali".

Anyway, nang marinig kong hindi sasama si Avaly kay Angelica para mag lunch ay medyo nag alala ako dahil baka mapano siya. Mahina pa man din ang resistensya ng babaitang ito.

Ayaw niyang magpahatid ng pagkain kay Angelica kaya ako na lang ang bumili.

Hindi ko alam pero may parte sakin na ayaw maniwala na pinagpalit ako ni Avaly sa ibang lalaki.

Ilang taon kaming naging mag jowa tapos bigla na lang ganun? Ang hirap naman paniwalaan nun.

Marami ang naka saksi ng pagmamahalan namin.

I know Avaly very well. She always protect her name.

Hindi niya hinahayaang madumihan ito muli matapos siyang itakwil ng mga Carson.

"Babe!" Natigil ako sa pag iisip nang biglang sumulpot ang babaeng ito sa harap ko.

"What do you want?" Malamig kong tanong at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga papeles.

"Well mommy said, you've been busy these past few days." Sabi niya at pumunta sa likuran ko.

Makatawag ng mommy sa nanay ko akala niya kasal kami, tsk!

"And? Why do you care about that?" I asked and removed her hands that is on my shoulders.

"Come on. I am you fiancèe, darling. I'm supposed to be taking care of you." Sabi niya.

"Well, for your information. I do not need your care. Makaka alis kana." Sambit ko.

"Pft, hindi porket bumalik yang Ava na yan ay itatapon mona ako!" Inis niyang sabi at pumunta sa harap ko.

"First of all, hindi ka naman naging akin. Second, ano naman kung bumalik si Ava? Mamamatay ka ba kapag bumalik siya?" Pilosopo kong tanong.

"Bahala ka nga sa buhay mo! Magsama kayo ng bruhang Ava na yan!" She shouted and stormed out of the room.

Tsk, pikon. Palibhasa, kulang sa aruga.

...

Ava's pov

Agad akong nagising nang biglang mag alarm ang aking phone.

No! I'm late again!

Dali dali akong naligo at nagbihis ng uniform bago inayos ang mga files na inuwi ko kahapon.

Parang 4:00 a.m na ata ako natapos at dahil sa sobrang pagod at antok ay hindi nako nakarating pa sa aking kama at natulog na lang sa study desk ko. Grabe, ang sakit ng likod ko!

Ikaw ba naman na magdamag na nakaupo at walang palit palit ng posisyon!

Pagdating ko sa kompanya ay tinungo kona ang elevator ay inayos muna ang sarili sa loob dahil mukha akong mangkukulam na naligaw dito eh.

Maya maya lang ay nakarating na din ako sa floor namin. Tinungo ko ang aking desk at tinanaw ang opisina ni Asher pero wala siya dun. Ang opisina kasi ni Asher ay gawa sa glass ang mga pader pati ang pinto. Kung gusto niya ng privacy ay binababa niya ang blindfolds na nakakabit sa taas ng mga pader gamit ang isang remote control.

Past 8:00 a.m na ha. Bakit wala pa siya? Pinuntahan ko ang desk ni Angelica at busy siya sa pag encode ng mga files.

"Gel, wala pa si Asher?" Tanong ko.

"Wala pa. Nagtataka nga kami eh. Hindi naman daw yan nalalate eh sabi ng ibang empleyado dito." Sabi niya.

"Ah, sige. Salamat." Sabi ko at tumango lang siya kaya iniwan ko na muna siya.

Marami pa siyang gagawin pati ako kaya hindi muna ako makikipag chismisan sa kanya.

Ilang oras na ang lumipas at malapit nang mag 10:00 a.m pero wala pa din si Asher. Naku po! Mamayang 11:00 a.m ay may meeting pa siya! Ako nanaman ang kakausap sa mga yun kapag hindi pa pumasok ang tukmol na lalaking yun!

...

"Good morning, sir!" Bati ko sa mga kasosyo ni Asher.

Yun na nga, ni anino ni Asher ay hindi ko matagpuan kaya wala akong magagawa kundi ako ang gumawa ng trabaho niya.

"Where is Mr. Martinez?" He asked.

"Actually, sir. We haven't seen him today." Magalang kong sabi.

"Oh, why didn't my secretary told me that the meeting was cancelled?" Tanong niya.

"Sir, Mr. Martinez didn't cancelled the meeting. Actually, we are here to discuss this without him." Sabi ng C.O.O na si Cassy.

"Oh really? Well then, okay."

"Right this way, sir." Sabi ko at sinamahan sila papunta sa conference room.

Ilang minuto ang lumipas at mabilis na natapos ang meeting. Pinakita lang naman namin sa kanila ang bagong project plan collaboration ng Martinez Company at Santiago Empire.

Paglabas namin ng conference room ay nakasalubong namin si Asher!

"Mr. Santiago, I am very sorry to keep you waiting." Sabi ni Asher.

"No need, Mr. Martinez. Everything is settled already. Your C.O.O and secretary did an amazing jobs presenting the project plan." Masayang sabi ni Mr. Santiago.

"Really?" Di makapaniwalang tanong ni Asher.

"Yes. In fact, we just need you to sign the deal so we can start the construction next week." Sabi niya.

"Well, okay. Thank you, Mr. Santiago. I will send you the papers later." Sabi ni Asher at nakipag kamay kay Mr. Martinez.

Nang makaalis sila ay tinignan ako ni Asher.

"In my office, now." Madiin niyang utos.

What did I do now?!

Sumunod ako sa kanya hanggang sa makarating sa kanyang opisina.

"I am very sorry, sir. I didn't mean to immerse myself in your meeting. I just thought that---" Natigilan ako nang bigla siyang mag salita.

"I will not scold you, Ava. Wag kang OA diyan para kang batang munti eh." Iling iling niyang sabi at umupo sa kanyang swivel chair.

"Then, bakit niyo po ako pinatawag?" I asked.

"I just wanna say, good job. Expect some bonus cash to your payment." Nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako.

Oh, how I missed his smile.

"Thank you, sir. May ipag uutos pa po ba kayo?" Tanong ko at hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking labi.

"Wala na. You may go." Sabi niya.

"Okay, sir. Thank you again." Sambit ko at nag bow muna baho lumabas ng kanyang opisina. Yes! Finally! May nagawa rin akong tama!

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now