Chapter 19

3K 84 1
                                    

Asher's pov

"Why the hell did you do that, Irish?!" Sigaw ko sa babaeng ito.

"I'm sorry! Dad force me to put some pills on your drink earlier." Paliwanag niya.

"Well, I hope it's worth it. BECAUSE AVA IS MAD AT ME YOU IDIOT! Sa tingin mo kapag ginawa mo ito ay magiging tayo?! In your fvcking dreams!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung nasasaktan na siya sa mga pinagsasabi ko.

Mabilis akong nagbihis at kinuha ang susi ng kotse. Hahanapin ko si Ava.

"Asher, please don't leave me." Sabi niya habang hawak ang braso ko.

"Why the hell will I follow you?" Tanong ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko tsaka tuluyang lumabas ng unit ko.

...

Nang makarating ako sa condominium nila Ava at Angelica ay agad kong tinungo ang unit nila.

"What are you doing here?" Taas kilay na tanong ni Angelica.

"Where's Ava?" I asked.

"Wala, tulog, umalis." Pilosopo niyang sabi.

"T*ngina mo, Gel! Umayos ka." Banta ko sa kanya.

"Bobo kaba, boss? Malamang wala yun dito!" Sabi niya.

"Kaya nga tinatanong ko kung nasaan siya diba, tsk!" Masungit kong sabi.

"Wala na. Umalis na." Sabi niya.

"What do you mean?" I asked but she rolled her eyes on me.

"Hala siya, hindi mo magets yung sinabi kona umalis na siya?" Pilosopo niyang tanong.

Nanggigigil na ako sa babaeng ito, ang sarap itapon sa Mars!

"Nasaan nga siya, Angelica! I swear, I will fire you if you don't tell me where she is!" Madiin kong banta.

"Nasa airport na, okay? Lalayas na siya ng bansa. Sabi niya, break na daw kayo at magsama kayo ng impaktang Irish na yun. Ngayon alam mona lahat, layas na. Baka mahabol mo pa si Ava sa airport. Tatanga tanga ka kasi eh. Papalitan mo na lang si Ava, sa mukhang daga na may lahing higat!" Iling iling niyang sabi.

"Hindi ko nga kasalanan yun!" Depensa ko.

"Shh! Hindi ka sakin dapat magpaliwanag! Dun kay Ava! Bye, boss." Nakangisi niyang sabi at sinarahan ako ng pinto.

Angelica's pov

Nang isara kona ang pinto ay bumalik ako sa sala kung nasaan si Ava. Syempre, it's a prank lang yung mga pinagsasabi ko hehe.

"Ano na balak mo, sis?" Tanong ko.

"Siguro, titira muna ako kila mama." Sabi niya habang nagpipigil umiyak.

"Paano yung baby? Wala kabang balak na ipakilala yung bata kay Asher?" Tanong ko ulit.

"Hindi naman yun yung tanong, Gel eh. Ang tanong, kung payag ba siyang akuhin ang responsibilidad niya?" She asked and her eyes are full of sadness.

"Ang sarap sakalin ang babaeng yun, nanggigigil ako sobra!" Pag iiba ko ng usapan at medyo natawa naman siya.

"Hayaan mo, kapag ako ang nakakita kay Irish ako na ang babawi para sayo. Itapon ko yun sa imbornal eh." Nakangisi kong sabi at nawala na ang paghikbi niya, napalitan ito ng tawa.

Ava's pov

"Oh, bunso? Kamusta ka?" Tanong ni ate nang buksan niya ang pinto.

"Sila mama, ate?" Tanong ko.

"Naku, nasa States sila. Baka next month pa ang balik. Teka, bakit may dala kang maleta?" Tanong niya.

"Ate, pwede bang dito muna ako manirahan?" I asked.

"Oo naman. Welcome na welcome ka dito. Pero, may problema ba?" Tanong niya at parang napapansin niya na wala ako sa mood.

"Ah, oo. May konting alitan lang kami ni Asher." Ayokong sabihin ang totoo dahil baka kapag nakarating ito kila papa ay mayari si Asher sa magulang ko.

"Oh sige, pasok kana." Sabi niya at kinuha ang maleta ko.

"Thank you, ate." Sabi ko at tumango lang siya.

...

Isang linggo na ang lumipas simula nang bumalik ako dito. Nakakausap ko lagi si Gel at lagi niyang sinasabi na matamlay si Asher at laging tinatanong si Gel kung nasaan ako. Mabuti na lang ay hindi yun sinasabi ni Angelica kahit pa bantaan siya ni Asher na tatanggalin siya sa trabaho.

Bumaba muna ako ng hagdan at naabutan ko si ate na nakikipaglaro kay Ethan sa sala.

"Ate, nakita mo si manang Beth?" Tanong ko.

"Nasa hardin, bunso." Sabi niya habang abala sa pakikipaglaro kay Ethan. Ang kulit kasi ng bata at baka matumba dahil sa kakulitan.

"Sige, ate. Thank you." Sabi ko at dumeretso sa likod ng bahay namin.

Plantita kasi si mama kaya may malaki kaming hardin sa likod. Hindi lang mga bulaklak ang nandito dahil nagtanim din kami ng mga gulay at prutas kaya madalang kaming bumili ng mga yun sa palengke.

"Hi, mamang." Bati ko sa kanya.

"Oh, hija. Napadpad ka dito?" Tanong niya habang nagdidilig ng halaman.

"Manang, may bunga na po ba yung puno ng mangga?" Tanong ko.

"Ay, oo. Gusto mo magpakuha ako kay Robert?" Tanong niya at tumango ako.

"Oh, sige. Pumasok kana sa loob at ihahatid ko na lang sa iyo." Pinatay niya muna ang hose at tinuyo ang kanyang kamay gamit ang facetowel na nakasabit sa kanyang balikat.

"Sige, manang. Salamat po." Sabi ko at bumalik na sa kusina.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin si manang na may dalang basket at puno ito ng mangga.

"Oh, hija. Iyan na ang iyong mangga." Sabi niya at binaba ang basket sa counter.

"Salamat ulit, manang." Sabi ko at kumuha ng isang mangga tsaka ito hinugasan.

"Walang anuman. Oh siya, magdidilig pa ako ng halaman. Kung may kailangan kapa, tawagin mo lang ako." Bilin niya.

Tumango ako at kumuha ng kutsilyo tsaka sangkalan at hiniwa ang hilaw ng mangga. Gumawa rin ako ng sawsawan gamit ang toyo, asin at isang buong sili.

Umupo na ako sa isang stool at masayang kinain ang mangga.

"Ang sarap ng kain natin, bunso ah." Pang aasar ni ate at umupo sa tabi ko.

"Gusto mo, ate?" Alok ko.

Kumuha siya ng mangga at sinawsaw ito sa sawsawan.

"Ang asim ng mangga ha." Sabi niya.

"Oo nga eh. Pero masarap." Sabi ko at patuloy lang sa paglamon at ganun din siya.

Oo nga pala, hindi alam ni ate na buntis ako. Wala pa akong balak sabihin iyon hangga't hindi dumadating sila mama para lahat sila ay masabihan kona.

Parehas lang kami ni ate na matakaw sa mangga kaya hindi niya nahahalata na naglilihi ako hehe.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Där berättelser lever. Upptäck nu