Chapter 14

3.5K 83 1
                                    

Ava's pov

"Hey, kanina mo pa ako iniiwasan. May problema ba?" Tanong ni Asher. Nandito kasi kami sa condo niya at kanina pa tawag ng tawag ang mama niya pero hindi niya ito sinasagot.

"What will happen now? You kicked yourself out. Sa tingin mo ba ay titigilan na tayo ng nanay mo?" I asked while my hands are crossed.

"No, but---"

"Bakit kasi ang hirap?" Singit ko.

"Ang hirap ng alin?" Tanong niya.

"Ang hirap maging mayaman. Ang hirap mamili ng taong makakasama. Ang hirap sumunod sa magulang. Ang hirap magmahal. Sa sitwasyon natin, lahat mahirap." Nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Avaly, just believe that we will get through this." Sabi niya at nilapitan ako.

Nag ring nanaman ang kanyang phone kaya kinuha niya ito mula sa pocket niya.

"Sagutin mona yan." Sabi ko nang makita ko ang pangalan ng caller.

Asher's pov

Bigla akong iniwan ni Ava kaya sinagot kona ang tawag.

"Ano bang gusto mong babae ka?!" Sigaw ko.

"Asher, yung mama mo. Nasa ospital." Sabi niya na nagpalambot sakin.

"What the fvck? What happened?" I asked.

"Hinimatay si tita kanina habang tinatawagan ka. Sabi ng doktor tumaas daw ang blood pressure niya. Asher, your mom needs you here now!" Pagpupumilit niya.

Agad kong pinatay ang tawag at hinanap si Ava.

"Avaly!" Tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nagpapahangin sa balcony ng kwarto ko.

"Oh, bakit?" Tanong niya nang lingunin niya ako.

"Si mama, nasa ospital." Sabi ko na ikinagulat niya.

Maya maya lang ay biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

"Puntahan mona." Utos niya.

"Hindi ka sasama?" Tanong ko.

"Wag na. Baka kapag nakita ako ni tita ay lalong lumala ang kondisyon niya. Sige na, umalis kana." Pagpupumilit niya sakin.

"I'll be back. Siguraduhin mo na dito ka lang ha. Dito kita iiwan, dito rin kita babalikan." Sabi ko at tumango naman siya.

Niyakap ko muna siya tsaka hinalikan sa noo bago lumabas.

Pagdating ko sa ospitaal ay agad akong sinalubong ni Irish at ng mga magulang niya.

"Where's my mom?" I asked.

"She's in her private room, hijo." Sagot ni tita.

Tumango ako at sumunod sa kanila.

Nang makarating kami sa kwarto ni mama ay naabutan ko siyang tulog.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko sa magulang ni Irish.

"When you left the company, tita had been calling you but you're rejecting her calls. Until she felt dizzy and fainted so we had to bring her here." Paliwanag ni Irish at napairap na lang ako.

"I'm not asking you, but thanks." I said that made her eyes rolled at me.

"Hijo, can I talk to you outside alone?" Tanong ni tito.

Tumango ako at sumunod sa kanya palabas ng kwarto.

"What is it, tito?" I asked. I am very sure that this is about Irish again.

"What you're doing to my daughter is wrong." Seryoso niyang sabi.

"Excuse me? I did not do anything wrong because first of all, hindi ko siya karelasyon. I have a girlfriend, tito." Sabi ko.

"Your secretary? Tell me, ano ba ang ginamit na gayuma ng babaeng yun at pinatulan mo yun?" He asked. He's just like my mother.

"Nothing. Matagal kona siyang girlfriend. Bakit niyo ba kasi pinagpipilitan na ikasal kami ni Irish sa isa't isa? You know it ain't gonna work kasi one sided love lang siya. Hindi ba kayo natatakot kung anong pwedeng gawin ko sa anak niyo?" Tanong ko pero nakatanggap ako ng suntok mula kay tito.

Wrong word, Asher. Wrong word.

"Daddy!" Rinig kong sigaw ni Irish at nilapitan ako. Napaupo kasi ako dahil sa sobrang lakas ng suntok sakin ni tito.

"Daddy, what are you doing?!" She asked.

"Irish, lumayo ka sa lalaking yan!" Mariing utos ni tito.

"What?!"

"Ang sabi ko, lumayo ka sa lalaking yan!" Sigaw ulit ni tito.

Nang dahil siguro sa takot ay tumayo si Irish at lumayo sakin.

Tumayo na rin ako at nilayasan sila.

Bahala sila sa mundo nila, tsk.

Papasakay na sana ako ng kotse nang may humawak sa braso ko.

"May dugo yung labi mo." Sabi niya.

"Bumalik kana sa loob, Irish." Sabi ko at pinagpilitan pa siyang lumayo sakin.

"Ano bang nangyari?! Bakit ka sinuntok ni daddy?!" She asked.

"Nothing. Why don't you go asked your father." I said then went in my car and drove away.

Ava's pov

"What the heck?! Anong nangyari sayo, Asher?!" Sigaw ko nang makita kong may dugo ang gilid ng kanyang labi at lumapit sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya kumuha ako ng first aid kit at umupo muna siya sa isang stool dun sa counter.

Nananahimik akong nagluluto tapos ito ang maaabutan ko?!

Pinatay ko muna ang kalan bago lumapit sa kanya at tumayo sa gilid niya para magamot ang kanyang sugat.

"A-aray, babe!" Sigaw niya nang diinan ko ang bulak sa kanyang sugat.

"Ano ba kasi ang nangyari?! Kanina pa ako tanong ng tanong pero hindi ka sumasagot!" Inis kong sabi.

"Wala. Napaaway lang ako." Simpleng sabi niya.

"At bakit naman nakipag away ka, Asher?! Pinuntahan mo lang ang nanay mo tapos uuwi kang may sugat?! Don't tell me, nanay mo ang gumawa nito sayo!" Taranta kong sabi at natawa naman siya.

"You're just like before. Gagamutin mo na nga lang ang sugat ko, sesermunan mo pa ako ng sobrang lakas." Nang dahil sa inis ay mas lalo kong diniinan ang bulak sa sugat niya.

"Aray! Joke lang!" Sabi niya at nagtaas ng kamay.

"Ikaw, puro ka talaga kalokohan noh!" Sabi ko.

"At least, gwapo." Proud niyang sabi na nagpataas ng kilay ko.

"Tsk." Sabi ko na lang at kumuha ng band aid tsaka ito nilagay sa gilid ng kanyang labi.

"Kumain na tayo. Nagluto ako ng tinola." Sabi ko at tinabi ang first aid kit.

"Favorite ko yun ah, anong meron?" Nakangisi niyang tanong.

"Wala. Anong pinagsasabi mo diyan? Lagi naman kitang pinaglulutuan noon ah." Sabi ko. Ang weird talaga nitong lalaking ito kahit kailan.

"Kaya nga. Everytime na paglulutuan mo ako ng mga paborito kong pagkain ay may gusto kang sabihin. Akala mo ba hindi ko napapansin yun?" He asked at palihim akong natawa.

Medyo tama siya dun.

"Wala lang. Nakakamiss lang kasi na pagsilbihan ka dahil girlfriend mo ako." Sabi ko at napangiti naman siya.

Ang sarap sa pakiramdam na bumalik na ulit sakin yung posisyon na yun sa buhay ni Asher.

Niyakap niya ako patalikod habang nilalagay ko ang mga plato at kubyertos sa lamesa.

"I love you, Avaly." Bulong niya sa tenga ko.

"I love you too, Ashy." Sabi ko.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now