Chapter 3

5.2K 132 2
                                    

Ava's pov

Sabado ngayon at day off ko kaya napag isipan kong bisitahin ang university kung saan ako nagtapos ng pag aaral. Maraming mga masasayang alala ang meron kami ni Asher dun.

Classmates kaming dalawa. Halos lahat ng mga babae ay naghahabol sa kanya at kabilang ako dun.

Hindi mo maiiwasang magkagusto sa kanya dahil bukod sa gwapo siya, mabait din siya at matalino at musikero. Halos lahat na siguro ng pinapangarap ko sa isang lalaki ay nasa kanya na.

Hindi ko nga alam kung paanong ako ang nakakuha ng puso niya.

"Huy, Ava! Tara sa stadium!" Pag aayaya ni Angelica sakin.

"Bakit? May program ba?" Tanong ko at binaba ang binabasa kong libro.

"Hindi! Yung banda nila Asher nasa stadium! Mag p-perform daw sila!" Halos mamatay na siya sa kilig habang sinaaabi yun.

Palibhasa kasi may gusto siya sa isang kasamahan ni Asher, si Clark.

"Oh, bakit naman may perfomance sila? Ano ba meron?" Takang tanong ko habang hinihila niya ako papunta sa stadium.

"May sasabihin daw si Asher!" Tili niya at nakarating na rin kami sa stadium.

Halos mapuno ang stadium dahil sa daming estudyante na dumalo. Buti na lang ay bakante ang time namin kaya hindi kami mapapagalitan ng mga teachers.

"Ano ba trip ni Ashy?" Tanong ko.

"Let's see." Sabi niya habang nakangisi sakin.

"What's up, students?!" Tanong nila Asher at nagsi tilian naman ang mga babae.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito tayong lahat. Well, this day will be the day I will ask someone to be my girlfriend." Sabi niya habang may hawak na mic at tinignan ako.

Grabe, ang dami nang mga tao dito pero nahanap pa din niya ako?!

"May nililigawan na pala si Asher!" Sabi ng isang babaeng nasa harap namin.

"Oo nga eh. Sino kaya yun? Sobrang swerte niya!" Sabi naman ng kausap niya.

"Siguro, si Amy yun." Sabi niya. Si Amy ay ang captain ng cheerleader team.

"Oo nga. Bagay sila eh." Sabi naman nung isa na sumingit sa usapan nila.

Hindi ko alam pero bigla akong nainis. Alam ko kasi sa sarili ko na ako ang nililigawan ni Ashy. But, who knows? Malay natin, two timer pala ang tukmol na yun.

Sinimulan na nilang kantahin ang "Just the way you are" at lahat naman ng mga tao dito ay kulang na lang ay pumutok ang mga ugat nila kakasigaw.

Habang ako naman ang nakatayo lang dun habang naka crossed arms at pinapanood sila.

"When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl, you're amazing
Just the way you are
Yeah." Pagkanta ni Asher habang nag gigitara.

Napangiti naman ako nang tignan ako ni Asher at kinindatan.

Ilang minuto ang lumipas at outro na sila ng kanta. Tinigil niya ang pag gigitara samantalang ang mga kasama niya ay patuloy lang sa pagtugtog pero hindi tulad kanina na energetic, malumanay na ang pagtugtog nila.

"When I see your face." Pagtuloy ni Asher habang may hawak na mic.

"There's not a thing that I would change." Binigay niya ang gitara sa kasama niya at bumaba ng stage.

"Cause you're amazing." Pinagpatuloy niya ang pagkanta habang naglalakad papunta sa direksyon kung saan ako nakatayo.

"Just the way you are." Nakita kong nakasunod sa kanya si Clark at binigay kay Asher ang hawak nito na bulaklak.

"And when you smile." Ang mga estudyante ay nagbibigay daan sa kanya.

"The whole world stops and stares for a while." Finally, nasa harap ko na rin siya.

"Cause girl, you're amazing." Pagkanta niya at tumili naman ang lahat ng estudyante.

"Just the way you are." Inangat niya ang baba ko gamit ang kanyang kamay para magtama ang aming mga tingin.

"Ava Melody Carson, can you be my baby girl?" Natawa naman ang lahat pati ako dahil sa sinabi ni Asher pero matapos nang maikling tawanan ay natahimik sila at tila hinihintay ang sagot ko.

"Yes, Ashy." Nakangiti kong sabi.

"Yes!" Sigaw niya at tumayo para yakapin ako at inangat mula sa sahig.

Kasabay nun ay ang pag iingay ng mga estudyante sa paligid namin.

"Girlfriend ko ito!" Pag mamalaki niya habang naka akbay sakin.

"What's going on here?" Biglang sulpot ng class adviser namin at may kasama siyang iba pang teachers. Patay...

"Hindi porket bakante ang oras niyo ay pwede na kayo mag concert dito." Mataray na sabi ni prof.

"Sino may pakana nito?" Tanong niya at lahat naman sila ay tinuro kami ni Asher. Aba, napaka bastos grabe!

"Mr. Martinez, Ms. Carson. Principal's office, now!" Utos niya kaya agad kaming sumunod.

Matapos ng ilang minutong panemermon samin ng principal ay hawak kamay kaming lumabas ng office.

"Bakit naman kasi ang dami mong gimik?! Na guidance tuloy tayo!" Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.

"Well, it's worth it. You're finally mine." Nakangisi niyang sabi.

Sobrang saya balikan ang mga alala noon. Sana maulit ulit yun.

Patuloy kong pinagmasdan ang university namin. Walang pinagbago, maganda at malinis pa rin ang buong campus.

Walang makikitang nag aaway na estudyante dito dahil mahigpit na ipinagbabawal yun dito kaya umasa ka na kapag pumasok ka sa university na ito ay lahat ng estudyante ay kaibigan mo at hindi kaaway.

Asher's pov

"May problema kaba, anak?" Tanong ni mommy sakin.

"None." Sabi ko at ininom ang alak na nasa baso ko.

"Come on, I'm your mommy. Tell me what is it." Pag pupumilit niya.

"She's back." Simpleng sabi ko.

"Who?" She asked.

"Ava." Sagot ko.

"Mahal mo pa rin ang babaeng yun?" May halong inis sa boses ni mommy.

"Diba sabi ko naman sayo, kalimutan mona siya. Nandyan naman na si Irish." Dugtong niya.

"What if I told you that I don't wanna marry her because I srill love Ava?" I asked and she gave me a death glare.

"Wag na wag kang magkakamaling balikan ang babaeng yun, Asher. Hindi pwedeng mahawaan ng kalandian ang pamilyang ito." Banta niya.

"You're always against us right before she left me. What's your issue towards her?" I asked.

"Hindi paba malinaw sa sikat ng araw? She's a cheater! Malandi siyang babae at gold digger! She doesn't deserve a respectful man like you." Sagot niya.

"Aalis nako." Sabi ko at kinuha ang susi ng kotse.

"Wag na wag mong babalikan ang babaeng yun, Asher! Malilintikan ka talaga sakin!" Pahabol niyang sigaw bago ako tuluyang makapasok sa aking kotse.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now