Chapter 37

2.8K 75 13
                                    

Ava's pov

Ilang buwan na ang lumipas at mag lilimang buwan na rin ang aking tiyan.

Kahapon lang namin nalaman ang gender ng anak namin at natupad nga ang hiling ng mag aama ko dahil lalaki ang magiging anak namin.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa kama habang nilalagyan ni Asher ng lotion ang aking tiyan.

"In a few months, makikita kana rin namin, baby Ellie." Masaya niyang sabi habang hinihimas ang aking tiyan.

Napangiti naman ako at hinimas ang kanyang buhok.

Kita mo talaga sa kanyang mga mata na excited siyang makita ang baby namin.

Napalingon kaming dalawa nang may kumatok sa pinto.

Bumangon si Asher para buksan ang pinto at bumungad samin ang dalawa naming prinsesa.

"Yes, my dears? May kailangan ba kayo?" Tanong ni Asher at sinara ang pinto nang makapasok sila.

"Wala po. Namiss lang namin kayo." Sabi ni Ashley at lumapit sila sakin.

"Bakit naman?" Natatawang tanong ni Asher.

"Eh kasi po lagi kayong nagkukulong dito eh." Nakangusong sabi ni Crystal at parehas naman kaming natawa.

"Oh, sorry mga ate. Yun kasi ang bilin ng doktor para maging safe si baby eh." Paliwanag ko at hinawi ang mga buhok nila.

Nung tatlong buwang buntis kasi ako ay nagkaroon ako ng spotting kahit naglilinis lang naman ako ng kwarto naming mag asawa at hindi naman ako nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.

Nag suggest ang OB ko na mag bed rest muna ako for 1 week at bawasan ang mga routine activities ko.

Nagawa ko naman iyon pero itong si Asher ay nagpumilit na mag bed rest na lang daw ako hanggang sa manganak ako.

Kaya ayun, halos hindi na pumasok ang lalaking ito sa kompanya dahil hindi lang sa binabantayan niya ako kundi inaalagaan niya din ang mga bata.

Nakukunsensiya nga ako minsan kasi dapat trabaho ko yun pero sabi niya, okay lang daw as long as na safe kami ni baby Ellie.

I'm so lucky to have him.

...

"Kaya ko naman eh." Sabi ko habang nakaupo sa kama.

"I'll just cancel my meeting para masamahan ko kayo." Sambit niya.

"No. Asher, bigatin itong mga negosyante mo. Wag ka mag alala, magpapasama naman kami sa mga tauhan mo eh. Besides, kasama ko rin ang dalawang bata pagpunta sa opsital." Paliwanag ko.

Bukas kasi may check up ako sa OB ko at saktong nagkaroon naman si Asher ng meeting sa kompanya.

"Pero baka may mangyari sa inyo." Ayan nanaman siya, napaka praning.

"Ashy, walang mangyayari sa amin. Promise." Tumayo ako at kinulong sa aking mga palad ang pisngi niya.

"Sige na, please. Gusto mo, pagtapos ng check up ay dumeretso kami sa kompanya?" Suggest ko.

"No. Wag na. Baka mastress ka lang dun dahil maraming tao ang nandun. Basta, mag iingat kayo bukas ha. Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo sa opsital." Bilin niya at tumango ako.

"Thank you." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.

*The next day*

"Tawagan mo ako ha." Bilin niya habang hawak ang kamay ko at patungo kami sa kotseng gagamitin namin.

"I will. Mag iingat ka sa pagmamaneho ha." Bilin ko nang pagbuksan niya kami ng pinto.

"Alright. Bye, girls." Paalam niya sa dalawa at niyakap ito.

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ