Chapter 36

2.8K 73 7
                                    

Ava's pov

Isang taon nanaman ang lumipas nang ikasal kami ni Asher. Pitong taong gulang na ngayon ang mga anak namin at mukhang may bagong dadating.

Lumabas ako ng cr at nakita si Asher na palakad lakad.

Nang makita niya ako ay agad niya akong nilapitan.

"Anong resulta?" Tanong niya habang ang mga kamay niya ay nasa magkabilang balikat ko.

Hindi ako sumagot at tinignan lang siya.

"It's okay, babe if it's not positive---" tinakpan ko ang bibig niya at pinakita ang pregnancy test.

"Positive." Nakangiti kong sabi.

Kinuha niya ito at matagal na tinignan.

The next thing I knew is he's shouting excitedly while hugging me.

"Daddy, what happened?!" Nag aalalang tanong ng mga prinsesa namin nang marating nila ang kwarto namin.

"My precious daughters, magiging ate na kayo!" Masayang anunsyo ni Asher sa dalawa.

"Mommy's pregnant!" Dugtong niya.

Lumapit naman ang dalawa sa amin kaya niyakap namin sila.

"Really, mommy? You're pregnant?" Tanong ni Crystal.

"Yes, baby. Magiging ate na kayo." Nakangiti kong sabi at hinawi ang mga buhok nila.

Dahil magkahawig ang mga bata ay minsang napagkakamalan silang kambal ng iba.

"I hope it's a boy." Sabi ni Ashley at sumang ayon naman si Crystal.

"Really? Why?" Tanong ni Asher.

"Kasi po parehas na kami ni Crystal na girl. Gusto rin po namin maranasan na magkaroon ng lalaking kapatid." Paliwanag ni Ashley.

"Then, what you should do?" I asked.

"Pray and asked God to give us a baby brother." Sabi ni Crystal at napangiti naman ako.

"Very good. But also don't forget to say thank you kasi binigyan niya kayo ng kapatid." Bilin ko.

"Yes, mommy." Sabay nilang sabi.

"Oh siya, magbihis na kayo. Anong oras na at maya-maya lang ay papasok na kayo sa school." Utos ko at tumayo.

"Okay po, mommy! Ashley, let's go na!" Sabi ni Crystal at hinila pa ang kapatid niya.

"Hindi ako makapaniwala na may anghel na dito." Sabi ni Asher at maingat na hinimas ang aking tiyan.

"Eh ikaw? Anong gusto mo? Lalaki o babae?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm, may point yung dalawa. Gusto ko ring maranasan na magkaroon ng anak na lalaki. Pero okay lang din naman kung prinsesa ulit ang laman nito. Pwede naman tayong gumawa ng bago." Pilyo niyang sabi kaya hinampas ko siya sa braso na ikinatawa niya lang.

"Pag alis ng mga bata, magpacheck up tayo." Sabi niya at tumango ako.

May family driver kasi kami at siya ang kadalasang naghahatid sa mga bata papunta sa paaralan.

...

"Congratulations, Mrs. Martinez! You are 5 weeks pregnant!" Masayang anunsyo ni Tiffany. Naaalala niyo paba siya?

Nilingon ko si Asher at halos umabot na sa kanyang tenga ang ngiti niya.

"Thank you, Avaly. Iove you." Bulong niya at hinalikan ako sa noo habang hawak ang aking kamay.

Binigyan na din ako ng reseta ni Tiffany para mapanatili ko ang sarili ko at ang baby ko na malusog.

Pagkatapos nun ay naisipan naming mag asawa na bisitahin ang puntod ni Irish.

Bumili muna kami ng bulaklak bago nagtungo sa isang private cemetery.

Hawak kamay kaming naglalakad habang tinatahak ang direksyong papunta sa puntod ni Irish.

Pagdating namin dun ay umupo muna kami sa damuhan at nagsindi ng kandila.

"Ashy, kung babae ang anak natin, is it okay to name her Irish?" Tanong ko at nilingon siya.

"Oo naman. Pero paano kapag lalaki?" Tanong niya.

"Ikaw na ang bahala dun. What do you have in mind?" Tanong ko.

"Hmm?" Napaisip siya saglit.

"Ellie Zachary Martinez." Nakangiti niyang sagot.

"Where did you even get that?" Natatawa kong tanong.

"Napaisip ako bigla. Yung mga unang letra ng pangalan ng mga anak natin ay hindi magkakalayo at may isang letra lang sa pagitan. A, B, C. 'B' ang nasa pagitan nila Ashley at Crystal. Ngayon ay C, D, E. 'D' naman yung nasa pagitan nila Crystal at Ellie sakaling lalaki ang anak natin. Sana magets mo." Natatawa niyang sabi at nahawa naman ako kaya natawa rin ako.

Nagpalipas muna kami ng halos isang oras dun sa sementeryo bago naisipang mag mall para bumili ng mga gamit.

Ewan ko ba, masyadong excited itong si Asher. Sabi niya, hindi niya daw ito nagawa kay Ashley kaya ngayon ay babawi siya para sa soon to be baby namin kaya hinayaan kona lang siya.

Nandito kami ngayon sa department store tumitingin ng mga crib. Mapilit talaga si Asher kahit sabihin ko na sa susunod na lang, hayst.

Bumili na kami ng puting crib at itim na stroller. Hindi naman siya itim lahat. May mga stripes naman na puti.

Yun lang muna ang binili namin sa ngayon at tsaka na kami bibili ng mga damit at laruan kapag alam na namin ang gender ng bata.

Pag uwi namin sa bahay ay nandun na rin ang mga bata na kumakain ng meryenda.

Nang makita nila kami ay agad silang tumayo mula sa mga upuan nila at lumapit para yakapin kami.

"Hi, mommy! Hi, daddy!" Sabay nilang bati.

"Hi, babies! How's school?" Tanong ko at hinubad ang sling bag ko.

"Okay lang po! I got a star, mommy!" Sabi ni Ashley at pinakita sakin ang kamay niya.

"Me too!" Sabi naman ni Crystal at pinakita din ang kanyang kamay.

"Very good! What reward do you want?" Tanong ni Asher.

"Ice cream!" Sabay nilang sabi at natawa naman kami.

Kaya napagkakamalan na kambal itong dalawa hindi lang dahil sa magkahawig sila, marami kasing mga bagay ang in common sa kanila. Tulad ng favorite color, favorite food, favorite movie at kung ano-ano pa.

"Daddy, ano po yan?" Tanong ni Crystal sa ama niyang buhat ang dalawang naglalakihang mga box.

"Crib at stroller para sa bagong baby natin." Sagot ni Asher.

"Iaakyat ko lang ang mga ito then later, bibili tayo ng ice cream." Dugtong niya na ikinatuwa naman ng dalawa.

"Yay! Thank you, daddy!" Sabay nilang sabi.

"You're welcome, girls." Sabi niya at umakyat na sa hagdan papunta sa kwarto namin.

"Mommy, is it a boy po ba or girl?" Tanong ni Ashley.

"We still don't know yet, baby. Maybe two to 4 months from now bago pa natin malaman kung anong gender ni baby." Sabi ko.

"Mommy, kapag dumating na po ba si baby bunso, hindi niyo na kami baby?" Tanong bigla ni Crystal.

"Of course, babies pa rin namin kayo. Pero, may konting pagbabago kasi magiging ate na kayo. But, always remember that the both of you will be my babies forever." Sabi ko at lumuhod para makapantay sila.

"I love you, mommy. Thank you for taking care of me." Sabi ni Crystal

"I love you too, mommy." Sabi naman ni Ashley.

"I love you both so much." Sabi ko at niyakap sila.

I finally have a complete family.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon