Chapter 16

3.3K 89 2
                                    

Ava's pov

"Ava, tawag ka ni sir." Sabi sakin ni Stephanie.

Ano nanaman ang gusto nun?!

"Ah, sige. Thank you." Sabi ko at tumayo mula sa upuan at tinungo ang opisina ni Asher.

"Sir, this is the tenth time. Ano po ba talaga ang gusto niyong iutos?" Inis kong sabi nang makaharap kona siya.

"Nabilang mo?" Natatawa niyang sabi pero inirapan ko lang siya.

"May ipag uutos ba kayo, sir? Marami kasi akong ginagawa pero panay tawag ka sakin tapos pagdating ko naman dito ay tititigan mo lang ako. Ano ba talaga?!" Inis kong sabi kaya natawa siya lalo.

Sinara niya ang blindfolds ng opisina niya bago tumayo mula sa kanyang swivel chair at nilapitan ako.

"Sir, kung gusto mo ako galawin. Wag ngayon dahil meron po ako." Sabi ko at natawa naman ang mokong na ito.

"Wala naman akong sinabi na gagalawin kita ha. Ms. Carson, medyo madumi ang iyong pag iisip." Nakangisi niyang sabi hanggang sa nakasandal na ako sa pader.

Ang dalawang kamay niya naman ay nakapatong sa pader kaya ang braso niya ay nasa magkabila kong ulo.

"Then what do you want, Mr. Martinez?" I asked.

"Just a kissed and I'll let you be for the rest of the day." Hiling niya.

"Weh?" Di ako naniniwala.

"Yes." Sabi niya.

"Siguraduhin mo lang, boss ha" sabi ko at tumango naman siya.

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kasabay nang pagtanggal niya ng kanyang mga kamay sa pader.

"Thank you, sir." Nakangiti kong sabi at lalabas na sana nang hilahin niya ako para halikan ulit sa labi.

"A-asher, tama na." Pagpigil ko dahil lumalalim na ang paghahalikan namin.

"Fine. Let's finish it tonight." Sabi niya at hinampas ko naman siya pero tumawa lang siya.

Lumabas na ako ng kanyang opisina at bumalik sa desk ko para tapusin ang aking mga ginagawa.

...

"Sis, tapos kana?" Tanong ni Angelica.

"Ah, oo. Tara na." Sabi ko at niligpit ang mga gamit ko.

Tuwing uwian ay hindi ako sumasabay kay Asher dahil baka kapag nakita kami ng mga naka destinong empleyado sa baba ay kung ano ano nanaman ang isipin nila.

"Nagmamadali ka ata?" Natatawa kong tanong dahil panay pindot siya dun sa elevator button.

"Eh, may date kasi ako." Sabi niya at natawa naman ako.

"At saan naman yan?" Tanong ko.

"Ewan koba kay Clark! Bigla na lang ako lng tinext kanina na mag date daw kami. Hindi naman sakin sinabi kung saan kami pupunta." Sabi niya at saktong bumukas ang pinto ng elevator.

"Eh kayo ni Asher? Wala man lang bang date na magaganap mamaya?" Nakangisi niyang tanong.

"Sira! Busy yung tao. Biruin mo, dalawang araw lang siyang nawala dito sa kompanya eh nagpatong patong na yung mga gagawin niya." Sambit ko.

"Oo nga eh." Nakarating na rin kami sa ground floor at tinungo ang kotse ni Angelica.

Pagdating namin sa unit ay nagmamadali siyang nagpalit ng damit sa kanyang kwarto.

"Sis, lalayas na ako ha. Ingat ka dito, babush." Sabi niya habang nagsusuot ng sapatos.

"Sige, ikaw rin. Bye." Nakipagbeso muna ako sa kanya bago lumabas ulit ng unit.

Dumeretso muna ako sa kwarto para magbihis din. Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell.

Lumabas ako ng kwarto habang nagsusuklay pa rin at binuksan ang pinto.

"Ashy, what are you doing here?" Tanong ko at mas nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok siya.

"I got out of the company early." Sabi niya at tumambay sa sofa.

"Gusto mo ng kape?" Tanong ko pero umiling lang siya.

"Umalis na si Angelica?" Tanong niya na ipinagtaka ko.

"Ha? Paano mo nalaman?" Tanong ko at binaba ang suklay sa center table.

"Sinabihan ko si Clark na yayain sa labas si Angelica para masolo kita." Nakangisi niyang sabi.

"Ashy, kung ano anong nasa isip mo ha!" Sermon ko sa kanya at maglalakad sana papunta sa kusina pero bigla niya akong niyakap at binuhat na parang sako.

"Hoy, ibaba mo nga ako!" Utos ko pero hindi siya nakinig at dinala ako sa kwarto.

"Aray ko, Asher ha!" Sigaw ko dahil binagsak niya ako sa kama.

Buti na lang at malambot ito kundi, mananakit ang likod ko.

Agad siyang pumatong sakin at hinalikan ako sa labi.

Gusto ko mang tumakas pero traydor itong katawan ko dahil parang nagugustuhan ang ginagawa ni Asher.

Bumababa na ang halik ni Asher sa leeg ko habang ako naman ay dinadamdam lang ang mainit niyang halik.

"Who the fvck is that?!" Inis niyang tanong nang marinig naming tumunog ang doorbell.

Inis siyang tumayo at lumabas ng kwarto kaya agad ko siyang sinundan.

Kung sino man ang nag doorbell, thank you so much!

Pagbukas ni Asher nang pinto ay bumungad samin sila Angelica, Clark, mama at papa!

"Sis, nakasalubong namin sila tita kanina at hinahanap ka nila." Sabi ni Angelica at si Clark naman ay tila umiiwas sa masamang tingin ni Asher.

"Ah, eh. Pasok po muna kayo." Pag imbita ko sa kanila.

"Magbihis kana lang, anak. Aalis tayo." Sabi ni mama.

"Oh sige, sis. Aalis na rin kami." Paalam ni Angelica nang may binulong si Clark sa kanya.

Mukhang hindi na niya matiis ang masamang titig ni Asher eh. Ano ba trip nito?

"Ay, hija. Kasama rin kayo samin." Nakangiting sabi ni mama at napapikit naman si Clark sabay buntong hininga.

"Ah, saan po tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta. Magbihis kana." Sabi niya.

Tumango ako at pinapasok muna sila.

Ano ba ang trip nila mama ngayon?

"Oh, anong ginagawa mo dito? Dun kana sa sala." Sabi ko dahil sumunod sakin si Asher papunta sa kwarto ko.

"One last." Sabi niya na ipinagtaka ko.

Magsasalita pa lang sana ako nang bigla niya ako sunggaban ng halik.

"I love you." He whispered at my ear while his hands are on my waist.

"I love you more." Sabi ko habang ang mga kamay ko ay nasa batok niya.

"Lumabas kana. Baka kung ano pa ang isipin nila mama na ginagawa natin dito." Utos ko at natawa naman siya.

"Alright." Hinalikan niya ako sa noo bago bumitaw sa aking bewang at lumabas na ng kwarto ko.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now