Chapter 4

5K 143 7
                                    

Ava's pov

Lunes nanaman kaya kailangan ko gumising nang maaga ulit.

Paglabas ko ng kwarto ay nakaligo at nakabihis na rin ako ng uniporme ko. Tinungo ko ang kusina para sana gumawa ng sandwich nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hello, Angelica. Nasaan ka?" Tanong ko nang sagutin ko ang tawag.

"Sorry, sis. Nauna na ako kasi may gagawin pa ako. Bilisan mo, pumasok kana rin dahil nandito na si Asher!" Taranta niyang sabi.

"Ha?! Sige, palabas nako ng unit!" Sabi ko naman at kinuha ang mga gamit ko tsaka pinatay ang tawag.

Bakit ang aga nun ngayon?! 8:00 a.m siya pumapasok at 7:00 a.m pa lang! Naku po, late nanaman ako!

Ilang minuto na ang lumipas at mabuti na lang ay walang trapik kaya mabilis akong nakarating sa opisina.

Pinuntahan ko muna si Angelica sa desk niya at nakita kong aligaga ang kaibigan ko sa trabaho niya.

"Gel, beast mode ba si Asher?" Tanong ko.

"Nandyan kana pala! Pumasok kana sa opisina nun! Kanina kapa hinahanap!" Utos niya.

Agad naman akong tumango at tinungo ang opisina ni Asher. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang glass door.

"G-good morning, sir." Nanginginig kong bati.

"Gawin mo ang lahat ng ito at gusto kong maibalik mo ang mga ito first thing tomorrow morning." Sabi niya at halos yumanig ang desk niya nang ibagsak niya ang isang tambak na mga files!

"S-sir, may meeting pa po kayo mamayang 8:30." Pag bibigay alam ko sa kanya dahil inaayos niya ang mga gamit niya na tila aalis siya.

"Cancel it. I have a date." Sabi niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

So, kailangan mo iparinig sakin yun ha?!

Tumango lang ako at nilagpasan na niya ako tsaka lumabas ng opisina.

"Date, date. Pag untugin ko kayo ng ka date mo eh!" Inis kong sabi habang inaayos ang mga files.

"What did you say?" Halos mag dasal na ako na lamunin na lang ako ng lupa nang may mag salita sa likod ko.

"N-nothing, sir." Sabi ko at nilingon siya.

"I heard you said something. Nag rereklamo kaba sa mga pinapagawa ko sayo?!" He asked.

"No. Not at all, sir. What I've said earlier is, have a nice date." Sabi ko habang plastik na nakangiti.

"Thank you." Sabi niya at muling lumabas ng opisina.

I swear, Asher! Ang sarap mong upakan! Kung mayaman lang ako, nakipag arrange marriage nako sayo para wala nang umagaw pa sayo diba! Pero hindi ganun kadali, hayst!

Dumeretso na ako sa aking desk dala ang mga files at binuksan na ang aking laptop. Hindi ako gagawa sa computer na nandito sa desk ko kasi hindi ako mag o-overtime dito! Iuuwi kona lang ang mga files sa condo at dun tapusin.

...

Mahigit dalawang oras na ang lumipas at wala pa sa kalahati ang natatapos ko. Madali lang naman ang pinapagawa sakin ni Asher. I eencode ko lang ang mga nakalagay sa files para maisend namin ito through online sa mga kasosyo ni Asher sa ibang bansa. At para may isa pa kaming kopya sakaling mawala ang mga ito.

"Huy, breaktime na! Halika muna sa cafeteria!" Pag aayaya ni Angelica.

"Hindi muna ako sasabay sayo, sis. Ang dami nito oh. Medyo tinatamad ako na tapusin ito sa condo eh." Sabi ko at nag unat saglit.

"Sigurado kaba? Hindi ka nag almusal diba?" She asked.

"Oo, sigurado ako. Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako gutom eh." Sabi ko.

"Oh sige, gusto mo dalhan kita ng pagkain?" Tanong niya.

"Wag na, Gel. Ayos lang ako, mamaya na ako kakain." Pag tutol ko.

"Hayst, ang kulit mo talagang babae ka." Iling iling niyang sabi.

"Fine. Tawagan mo ako kung gusto mo dalhan kita ng pagkain ha." Bilin niya at tumango naman ako.

"Yes, ate." Pag bibiro ko at natawa namam siya bago umalis.

Mas matanda kasi ng isang taon si Angelica sakin kaya tinuturing ko siyang ate ko para naman maramdaman kong may pamilya pa ako kahit hindi ko kadugo.

Makalipas ng ilang minuto ay nag unat ulit ako ng aking mga kamay dahil nangangalay na ito nang may mag lapag ng nakabalot na sandwich at kape na mula sa Starbucks.

"Gel, diba sabi ko naman na wag mona ako---" Natigil ako sa paglalakad dahil nang ikutin ko ang swivel chair ko ay si Asher ang nadatnan ko.

"S-sir." Sabi ko at agad tumayo.

"May iuutos po ba kayo?" Tanong ko.

"Wala." Sabi niya at naglakad na paalis.

Hindi ko magawang tanungin kung bakit niya ako hinatiran ng pagkain dahil parang may nakabara sa lalamunan ko at pinipigilan akong mag tanong.

Umupo ulit ako sa aking upuan at napansin kong may sticky note na nakadikit sa paper cup na may takip. Naalala ko, hindi magaling si Asher sa salita kaya sinusulat niya na lang iyon.

Tinanggal ko ang sticky note sa baso at binasa ito.

"Ang tigas talaga ng ulo mo kahit kailan ano? Ang dami kong pinagawa sayo tapos hindi ka kakain? Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Edi madadamay pa ang pangalan ng kompanya ko kapag may nangyari sayo diba. Mag isip isip din minsan ha." Basa ko sa nakalagay.

Ang galing. Sinermunan ako gamit ang papel at ballpen...

Iling iling kong binalik ang papel sa pagkakadikit nito sa paper cup at pinapatuloy ang pag encode.

...

"Sis, nagdala ako ng sandwich. Nag aalala ako sayo eh." Biglang sulpot ni Angelica pero kinakain kona yung sandwich na binigay ni Asher habang nag eencode.

"Oh, saan galing yan?" Tanong niya at tinuro pa ang hawak ko.

"Sa masungit nating boss." Sagot ko at binaba ang sandwich sa desk.

"Wow naman. I smell something different." Sabi niya at inilapit ang kanyang mukha sakin.

"Comeback na ba this?" Nakangiti niyang tanong.

"Sira!" Sabi ko at inilayo ang mukha niya.

"Oh, basahin mo para malaman mo kung bakit niya ako hinatiran ng pagkain." Dugtong ko at binigay sa kanya ang papel.

"Ginawa niya yun kasi kapag may nangyari sakin ay kargado pa ako niya diba. Make sense." Sabi ko at kinagatan ulit ang sandwich.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now