Chapter 23

3.1K 81 3
                                    

Asher's pov

"Mommy! I'm sorry I left your side." Sabi ni Ashley at tumakbo palapit kay Ava.

"It's okay, baby. But, don't do that again ha. You made me worried." Sabi ni Ava na tila natanggalan ng tinik sa lalamunan.

"Mommy, ang bait po niya. He helped me." Sabi ni Ashley sabay turo sakin.

Binuhat siya ni Ava sabay lumapit ng bahagya sakin.

"Thank you." Sabi niya.

"You're welcome. Where is your husband?" I suddenly asked.

"I-I don't have one." Sabi niya na ipinagtaka ko.

"Well, who is Ashley's dad?" Tanong ko.

Sasagot pa lang sana siya nang dumating si Crystal.

"Daddy! Who are they po?" Tanong niya at nagpabuhat sakin.

"She's my special friend, baby." Sagot ko at tinitigan naman ako ni Ava.

"Anak mo?" She asked and I nodded.

"Look, Ava. I know that this isn't the best time but, I am very sorry." Sabi ko.

"It's okay. Uhm, Asher. We need to go na." Paalam niya.

"Oh, okay. I'll just see you later." Sabi ko.

Tumango naman siya at umalis na sila.

...

"Mommy!" Tawag ni Crystal kay Irish.

"Mabuti naman at nakarating na kayo." Napairap naman ako at binaba ang mga shopping bags sa sofa.

"Uhm, Asher. Magpapaalam lang sana ako." Sabi ni Irish.

"You don't need to. You can go anywhere you want." Sabi ko at nilagpasan siya.

I don't know but these past few days, ang laki ng binagsak ng katawan ni Irish.

Hindi ko naman siya maasikaso dahil busy ako sa trabaho at kay Crystal. Hindi niya kasi naaalagaan ng maayos ang anak niya simula nang mag iba ang kinikilos niya. Ewan ko ba kung bakit...

"Daddy, can I ask something?" Sabi ng anak ko at nilapitan ako.

"What is it, baby?" Tanong ko.

"Are you and mommy fighting?" She innocently asked.

"What? No! Why would you think that, sweetie?" I asked and caressed her cheeks.

"Eh kasi, daddy. I sometimes hears mommy crying." Sabi niya.

Ano na naman ba ang pakulo ng babaeng ito? Pati anak ko ay nadadamay, tsk!

"I don't know, baby. But, I will talk to her later. Now, go upstairs and changed your clothes." Utos ko.

"Okay po." Sagot niya at umakyat kasama ang yaya niya.

Ava's pov

"Mommy, why does she looks like daddy?" Tanong bigla ni Ashley habang nakain kami ng meryenda.

Nung nilalaro niya kasi ang phone ko ay nakita niya ang litrato namin ni Asher.

"Ah, baby. I'll explain everything when you grow up. For now, finish your food na. Maya maya ay maglalaro pa kayo ni kuya Ethan mo diba." Pag iiba ko ng usapan.

Ayokong umasa ang anak ko sa ama niya lalo na ngayon at may pamilya na si Asher.

...

"Umiiyak kaba?" Gulat akong napalingon at nakita ko si ate.

"Ate, nakasalubong namin ni Ashley si Asher kanina sa mall." Pag amin ko.

"Di nga?" Gulat niyang tanong at tumango ako.

"Anong sabi niya nang makita niya si Ashley?" She asked.

"Tinanong niya kung sino ang ama ni Ashley." Sabi ko.

"And? Ano sinagot mo?" Tanong niya.

"Yun nga eh. Sasagot pa lang sana ako pero dumating na yung anak niya." Sabi ko.

"So, nakita mo nanaman si Irish?!" Naiinis niyang tanong.

"No, yung yaya lang nila ang kasama nila." Sabi ko.

"Grabe, ate! Kahawig ng bata yung anak ko! Ang lakas ng dugo ni Asher!" Dugtong ko at tinawanan niya ako.

"Pero, teka. Alam na ni Ashley na tatay niya iyon?" Tanong niya.

"Hindi. Ayokong umasa yung bata sa wala eh." Sabi ko.

"Ayos lang yan, bunso." Sabi niya at hinagod ang likod ko.

"Wait, saan niyo banda sa mall nakasalubong si Asher?" Tanong niya.

"Ganto kasi yun, ate. Pumunta kami sa department store para bumili ng bag at shoes ni Ashley. Palabas na kami ng store nang maakit ako dun sa mga palamuti para sa buhok. Hawak ko yung kamay ni Ashley at nilapitan ko yung shelf. Binitawan ko saglit yung kamay niya kasi may kinuha akong ponytail at yung isa ko kasing kamay ay hawak ang mga shopping bags. Paglingon ko, wala na si Ashley sa tabi ko. Lumabas ako ng department store at sinubukang hanapin siya. Nagpatulong na nga din ang sa mga guard na makakasalubong ko eh. Tapos biglang nag ring yung phone ko. Umaasa ako na yun yung nakahanap kay Ashley dahil unknown number siya. Diba, binigyan ni mama si Ashley ng bracelet na may contact number at pangalan ko. Sinagot yung tawag tapos habang naglalakad ako ay walang sumasagot sa kabilang linya hanggang sa nakita ko si Ashley na nakatayo di kalayuan sakin. Sa harap niya ay si Asher na nasa phone ang tenga. Ayun, nung nasa kotse kami ay sinabi niya na may nakita daw siyang magandang teddy bear ata yun na hawak ng isang bata kaya sinundan niya at kalaunan ay napalayo na siya." Mahabang kwento ko.

"Mabuti na lang at hindi naisip ni Asher na sa kanya si Ashley." Sabi ni ate.

"Hindi ko alam, ate. Pero halata sa mukha niya kanina na nagdududa siya eh." Sabi ko naman.

"Hays, hayaan mo na lang ang mundo kung ano ang balak nito sa inyo." Sabi niya at tumango naman ako.

Maya maya lang ay naisipan kong umalis muna ng mansion. Tulog naman si Ashley dahil napagod kanina kakalaro kaya naisipan kong dalawin muna si Angelica. Miss na miss kona yun eh.

Hindi na ako nagpalit ng damit at kinuha ulit ang susi ng kotse bago umalis.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin ako sa bahay nila ni Clark. Dalawang taon na silang kasal at may isang anak na rin sila.

Kaibigan ni Asher si Clark pero kailanman ay hindi ito nagsalita o sinabihan si Asher tungkol sa mga nangyayari sakin. Mukha namang ayaw niyang iwan siya ni Angelica.

Kumatok muna ako ng tatlong beses at pinagbuksan ako ng pinto ni Angelica.

"Oh my gosh! Ava, you're here!" Sabi niya at agad akong niyakap.

"Kamusta kana? Si Ashley, hindi mo ata kasama?" Tanong niya at pinapasok ako.

"Naku, nandun sa mansion natutulog. Hayaan mo, pagbalik ko dito ay kasama kona siya." Pangako ko.

"Oh sige. Teka, kailan pa kayo umuwi?" Tanong niya.

"Kahapon lang, Gel. Hindi ako agad dito nakadalaw kasi napagod ako sa biyahe eh. Yung mag ama mo pala nasaan?" Tanong ko at napatingin sa paligid.

"Nasa trabaho si Clark at si Clarissa nasa magulang ni Clark. Mamaya pa nila siguro iuuwi ang anak ko." Sabi niya naman.

"So, mag isa ka lang dito? Pwede ba tayo gumala? Namiss ko makipag bonding sayo eh." Sabi ko at natawa naman siya.

"Oo naman! Sige, magbibihis lang ako." Sabi niya at tumayo mula sa sofa.

Tumango ako at sumandal muna para mag relax saglit habang hinihintay siya.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now