Chapter 6

4.7K 135 6
                                    

Ava's pov

Another day, another work hayst.

5:00 a.m pa lang at medyo napaaga ang gising ko ngayon kaya naglinis muna ako ng aking kwarto bago tinungo ang cr para maligo.

Nang makalabas ako ng cr na bagong ligo na ay nag suot muna ako ng bathrobe at lumabas ng kwarto.

"Oh my gosh! I'm so sorry!" I said when I saw Angelica ang Clark making out in the living room.

Kaagad naman silang tumayo at inayos ang mga damit nila.

"S-sorry, sis." Sabi ni Angelica habang inaayos ang kanyang damit.

"It's okay. Ituloy niyo na lang yan sa kwarto mo. Sorry for interrupting." Pang aasar ko at dumeretso muna sa kusina.

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Angelica kaya lumabas na ako ng kusina dala ang aking kape.

Pag upo ko sa sofa ay tumunog naman ang phone ko, si Asher.

"Hello, sir." Bati ko.

"Hindi ka muna papasok ngayon." Sabi niya.

"Bakit po, sir?" Tanong ko.

"Wala namang naka schedule na meeting ngayon diba?" He asked.

Agad ko naman kinuha ang laptop ko at binuksan yung file kung saan nakalagay ang mga schedules.

"Wala po, sir." Sagot ko.

"Okay, good. Take a day off today since, wala namang meeting at wala ka rin namang gagawin." Bilin niya.

"Okay, sir. Thank you po." Pinatay kona ang tawag at nanood muna ng movie.

Yes! Makakapag pahinga din ako ng isang araw!

Ilang oras na ang lumipas at naisipan kong mamasyal muna sa mall para malibang saglit.

Tinungo ko ang aking kwarto para makaligo at magbihis.

Ilang minuto ang lumipas at paglabas ko ng kwarto ay saktong lumabas naman si Angelica sa kanyang kwarto.

"Gel, lalabas muna ako ha." Paalam ko.

"Wala kang pasok?" Tanong niya. Day off niya kasi ngayon.

"Biglang tumawag si Asher na wag daw muna ako pumasok eh." Sabi ko.

"Bakit naman?" She asked.

"Hindi ko rin alam eh. Sige, mauuna na ako." Sabi ko at tumango naman siya.

Kinuha kona ang aking bag at lumabas ng unit.

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na rin ako sa mall.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin kaya pumunta muna ako sa department store.

Kung ano ano ang binili ko hanggang sa magsawa ako kaya nag ikot muna ako sa buong mall.

Habang naglalakad ay hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Asher na may kasamang babae.

Parehas kaming nagkatinginan samantalang ang kasama niya ay tinarayan ako. Problema nito?

"Good afternoon, sir." Magalang kong bati.

"Good afternoon din." Sabi niya.

Tumango lang ako at nauna nang maglakad.

Nilingon ko muli sila at nakita kong nakalagay ang kamay ni Asher sa bewang ng babaeng yun tulad ng kung paano niya ako hawakan noon. Grabe, ang sakit pala haha.

Pinagpatuloy kona lang ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking lot. Nawalan na ako ng gana mamasyal dahil sa nakita ko.

Nilagay ko sa likod ng aking kotse ang mga shopping bags at sasakay na sana sa driver's seat nang matanaw ko sila Asher sa di kalayuan.

Mukhang hindi sasabay sa kanya ang babae dahil sumakay ito sa isa pang kotse.

Para akong sinaksak sa puso nang makita kong hinalikan ng babaeng yun si Asher sa labi! Ang sarap upakan!

Bago pa ako makita ni Asher ay sumakay na ako sa kotse at pinaandar na ito.

...

"Huy! Nakikinig kaba? Ang dami konang kinwento sayo, sis!" Sabi ni Angelica na nagpabalik sakin sa reyalidad.

"Ano ba nangyari sayo? Tulala kana kanina pa pag uwi mo ha." Tanong niya.

"Nakita ko kasi si Asher kanina." Sabi ko.

"Oh, anong nangyari sa inyo ng ex mo?" Pang aasar niya.

"Nakita ko siya may kasamang haliparot na babae." Nandidiri kong sabi at natawa naman siya.

"Uyy! Nag seselos siya!" Pang aasar niya at tinusok ako sa tagiliran.

Hindi na lang ako nag salita dahil totoo naman. Ang sarap ingudngod nung babaeng yun sa sahig grabe!

"Natahimik ka noh. Sabihin mo nga sakin, mahal mo pa ba siya?" Biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

"H-hindi na." Sabi ko.

"Sis, hindi ako ang nanay ni Asher kaya wag kang matakot. Kung mahal mo pa siya, ipaglaban mo." Sambit niya.

"How? Gagawin ng nanay niya ang lahat para hindi kami magkasama." Nagsimula na akong maiyak kaya niyakap niya ako.

"Alam mo, bago mo ayusin ang bumagsak na relasyon niyo ni Asher. Ayusin mo muna ang relasyon mo sa pamilya mo." Napatingin ako sa kanya at napaisip.

"No. Sarado na ang mga utak nila. Hinding hindi nila ako papakinggan." Sagot ko.

"Hindi ka nakakasiguro. Malay mo, hinahanap kana nila." Sabi niya. Tila may kakaiba akong naramdaman nang sabihin niya yun.

"May gusto ka bang sabihin sakin?" Bigla na lang lumabas ang tanong na iyon sa bibig ko.

Tinignan niya muna ako ng napaka tagal bago dahan dahang tumango.

"I saw them the other day. Nandun ang daddy mo sa kompanya. It's like, bago siyang kasosyo ni Asher." What?

"Nakita ako ng daddy mo. He asked, kung nasaan ka." Tumigil siya.

"Anong sabi mo? Sinabi mo kung nasaan tayo nakatira?" Tanong ko.

"No. I lied. Sabi ko, matagal na kitang hindi nakikita at wala na akong balita tungkol sa iyo." Sabi niya at nakahinga naman ako ng malalim.

"Why don't you just go talk to them and sort things out?"

Asher's pov

"Namasyal na kami. Are you happy, mom?" I asked with an irritated voice.

"Oh. Come on, darling. I know you'd enjoy it." Sabi ni mommy. I bet she's smiling right now.

"No, I don't. I have to cancel my meeting just for your request." Iritadong sabi ko kahit hindi naman totoo.

"Well, Irish is more important than your job." Sabi niya.

"Not to me. My job is more important than anything else." Except for my Avaly.

"I gotta go. May aasikasuhin pa ako." Paalam ko at pinatay na ang tawag.

Nung nakita ko siya kanina sa mall, hindi ko alam pero imbis na matuwa ako dahil parang nasaktan siya nang makita kami ay naawa at naguluhan ako.

Bakit naman siya masasaktan nung nakita niya kami eh diba pinag palit na niya ako. Ano bang i eexpect niya? Magpapaka tanga ako sa kanya?

Totoo ba talagang pinagpalit niya ako? Or, may iba pang dahilan?

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now