Chapter 24

3.1K 90 3
                                    

Ava's pov

"Seryoso? Nagkita talaga kayo?" Gulat na tanong ni Angelica habang hawak ang tasa na may kape.

Nandito kasi kami nakatambay sa isang coffee shop.

"Yeah." Sagot ko.

"So, nalaman na niya tungkol kay Ashley?" She asked.

"Muntik na. Kaso, dumating yug anak niya eh." Sabi ko.

"Ah, si Crystal." Biglang sabi niya.

"Crystal?" I asked and she nodded.

"Bago ako umalis ng kompanya ni Asher, dinala niya si Crystal sa kompanya nung baby pa ito. Her full name is Crystal Francine Martinez ata. Gusto ko sana ito sabihin sa iyo kaso naalala ko, umalis na pala kayo ng bansa nun." Paliwanag niya.

"Ang kyut ng pangalan ng bata." Biglang sabi ko.

"Yeah. Si Asher daw ang nag isip nun. Nasabi nga sakin ni Clark noon na una daw dapat gustong ipangalan ni Asher sa bata ay Ashley din. Pero hind daw pumayag si Irish kaya Crystal na lang." Natatawa niyang sabi kaya medyo natawa din ako.

"Well, mabuti na yun. At least, nag iisa lang si Ashley sa mga anak ni Asher." Sabi ko naman.

"Mahal mo pa ba si Asher?" Nagulat na lang ako nang bigla niyang tanungin iyon.

"Yeah. Hindi naman nawala iyon eh." Mapait akong ngumiti.

"May chance kapa naman eh. Ang alam ko, hindi mahal ni Asher si Irish." Ang chismosa talaga ng babaeng ito...

"Pero paano ang bata?" Bigla tuloy akong nakunsensya dahil sa sinabi ko kay mama noon na gusto kong manira ng pamilya.

"Yun lang..." Sabi niya.

"Alam mo, hawig ni Crystal si Ashley." Pag iiba ko ng usapan.

"Talaga?" Tanong niya.

Tumango ako at nilabas ang phone ko tsaka pinakita sa kanya ang litrato ng anak ko.

"Omg! Medyo hawig nga! Pero infernes ha! Mukhang foreigner yung inaanak ko!" Papuri niya at natawa naman ako.

"Oo nga eh. Ang fluent niya rin minsan sa english." Sabi ko at siya naman ang natawa.

"I can't to see my inaanak!" Sabi niya nang ibalik ko ang phone sa aking sling bag.

"Well, bukas pupunta ulit ako sa inyo at isasama ko na si Ashley."  Sambit ko.

"Aasahan ko yan ha! Oo nga pala, una na ako sis kasi baka umuwi na sila Clarissa." Paalam niya at tumayo.

"Ah, sige. Baka rin hinahanap na ako ni Ashley. Bukas na lang, sis. Bye." Sabi ko at nakipag beso sa kanya.

Sabay kaming lumabas ng coffee shop at dumeretso sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko.

Hinatid ko muna siya sa kanila bago ako umuwi sa amin.

...

"Mommy! Where have you been po?" Tanong ni Ashley habang naglalaro sa may sala kasama si Ethan.

Close na close talaga ang dalawang ito.

"Pinuntahan ko lang si ninang Angelica mo. You still remember her?" I asked and she nodded.

"Pwede po ba natin siyang puntahan bukas?" Tanong niya.

"Sure. Oo nga pala, may pasalubong ako sa inyo!" Inangat ko ang isang box na may mga doughnuts.

Agad namang lumapit sakin sila Ashley at Ethan kaya binigay ko muna kay Ethan ang box.

"Wag kayo magkakalat sa carpet ha." Bilin ko at tumango naman sila.

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now