Chapter 20

3.2K 100 3
                                    

Ella's pov

Oras na para mag almusal pero hindi pa rin bumababa si Ava. Ano ba ang nangyari dun?

"Ethan, anak. Dito ka lang ha, pupuntahan ko lang si tita Ava mo." Bilin ko sa kanya.

"Opo, mommy." Sagot niya.

Tumango naman ako at umakyat na ng hagdan patungo sa kwarto niya.

"Ava?" Tawag ko sa kanya habang nakatok.

Pinihit ko ang doorknob at hindi bumungad sa akin si Ava.

Nakarinig naman ako ng tunog sa cr na tila may sumusuka kaya agad kong tinungo yun at nakita si Ava na halos maiyak na dahil sa walang tigil niyang pagsuka.

"Ava, nakakahalata na ako. Umamin ka nga, buntis ka ba?" Deretsong tanong ko.

Hindi muna siya sumagot at pinagpatuloy ang pagduduwal.

Maya maya lang ay tumayo na siya at pinunasan ang kanyang bibig.

"Ano, Ava?" Tanong ko habang hinihintay siya na lumabas ng cr.

"Oo, ate. Buntis ako." Pag amin niya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Tanong ko.

"Eh, ate. Hinihintay ko pa dumating sila mama para sabay sabay niyong malaman." Sabi niya.

"Si Asher ba ang ama? Alam niya?" Tanong ko pero umiling siya.

"Saang sagot yun, Ava?" I asked. Dalawa kasi tanong ko tapos iiling lang siya.

"Oo, ate. Siya yung ama at hindi niya alam." Sabi niya.

"And why?" Taas kilay kong tanong.

"W-wala na kami, ate." Pag amin niya muli na mas lalong ikinagulat ko.

"What?! Don't tell me, pagkatapos ka niyang buntisin ay tinakasan ka niya?!" Sigaw ko.

"Hindi, ate. Ako ang nakipag hiwalay." Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nung nalaman kong buntis ako, sasabihin ko sana iyon sa kanya pero..." Tumigil siya saglit.

"Pero ano?"

"Ate, may kasama siyang ibang babae sa kama." Sabi niya at humagulgol sa iyak.

What? Asher can do that?

"Have you heard his explanation?" Tanong ko.

"I don't need it. Malinaw na sakin na pinagtaksilan niya ako." Sagot niya.

"How about the baby? May balak ka bang ipakilala ang bata sa ama niya?"

"Oo, ate. Balak ko rin naman siyang balikan eh. Hindi ako magpapatalo basta basta. Babawiin ko rin si Asher kapag lumabas na ang anak namin."

"Ilang linggo ka nang buntis?" Tanong ko dahil parang bago pa lang.

"Mag iisang buwan pa lang ate. Wag mo muna sabihin ito kila mama. Hintayin natin sila na umuwi para personal ko nang sabihin ang lahat." Pakiusap niya at tumango ako.

Iniwan ko muna siya sa kanyang kwarto dahil magpapahinga daw muna siya saglit kaya bumaba na ako.

"Nasaan po si tita, mommy?" Tanong ni Ethan habang nakain na.

"Tita is not hungry, anak eh. Tayo na lang muna ang kumain." Sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Ma'am, nasa labas po si sir Asher." Pagbibigay alam sakin ng isang maid.

Tumango ako at tinungo ang front door.

It's time to lie.

"Asher, napadaan ka? Nasaan si Ava?" Tanong ko.

"Wala ba siya dito?" Tanong niya.

"Huh? What do you mean?" Patay malisya kong tanong.

"Look, Ella. Ano kasi eh, may konti kaming hindi pagkakaintindihan." Konti lang sayo yun ha. G*go ka ba?

"Bakit? Ano ba ang nangyari?" I asked.

"I'll explain it sooner or later. Ang importante ay makita ko si Ava. I know she's here. Pinilit ko si Angelica na magsabi ng totoo." Sabi niya. Angelica nga naman, madaldal kahit kailan.

"Fine. She went here last week. Then, sumama siya kila mama at papa sa States. Bigyan mo muna siya ng oras para mag isip, Asher. Wag mo muna gambalain ang kapatid ko kahit ngayon lang." Pakiusap ko sa kanya.

"Teka, may iba pa bang sinabi si Angelica bukod sa pagpunta dito ni Ava?" I aksed.

"Wala. What do you mean?" Tanong niya.

"Ah, wala. Mabuti pa ay umalis kana muna. Tsaka mo na gambalain ulit ang aking kapatid kapag nakapag isip na siya ng maayos."

Wala siyang nagawa at umalis na.

Bumalik na ako sa loob at dumeretso sa tabi ni Ethan.

"Son, you know what? Magkakaroon kana ng pinsan." Nakangiti kong sabi kaya natigilan siya sa pag nguya.

"Talaga po? May baby na po si tita Ava? Nasaan po siya?" Tanong niya.

"Nasa tummy pa lang siya ni tita Ava mo. In a few months, makikita na rin natin siya." Paliwanag ko.

"I hope it's a girl." Sabi niya at napangiti naman ako.

"Why, baby?" Tanong ko.

"Kasi po, gusto ko maging kuya. Since, wala naman po akong kapatid edi yung pinsan ko na lang po ang ituring kong kapatid." Aww, ang sweet ng anak ko!

"Namimiss mo ba si daddy?" Biglang tanong ko. Hindi ko alam pero parang kusang lumabas sa aking bibig ang mga katagang yun.

"Yes, I miss him po. But, I don't want him to be my daddy anymore." Sagot niya.

"What do you mean?" I asked.

"I saw how he hurt you before. I'm scared that he wil ldo the same thing to me too. Mommy, I promise you na kapag nagkaroon po ako ng wife, I will treat him like a queen." Medyo natawa naman ako dahil sa pinangako niya.

Ang bata niya pa pero naintindihan niya na agad ang mga ginagawa saking pananakit ng ama niya.

"Of course you will. Good boy ka diba." Sabi ko at tumango naman siya.

"Pero, don't forget. You're only four, anak. Matagal pa yang pagkakaroon mo ng asawa. Study first muna ha." Bilin ko at natawa naman siya bago tumango.

Ava's pov

Patuloy ang pagtawag sakin ni Asher pero hindi ko ito sinasagot. Maya maya lang ay si Angelica na ang tumawag kaya sinagot ko ito pero ibang boses ang narinig ko.

"Avaly." Tawag niya sakin.

"Asher, pwede ba? Tigilan mona ako!" Sabi ko.

"Avaly, hindi ganun kadali yun eh. Please, just let me explain!" Sabi niya.

"Ano pang ieexplain mo ha? Asher, nanatili ako sayo kahit labag sa nanay mo. Pero bakit ganito? Kung kailan maayos na tayo, tsaka mo sisirain ulit. Asher, nasira na tayo once dahil sa kagustuhan ng nanay mo. Pero ngayon, kagustuhan mona eh." Naiiyak kong sabi.

"I know, I'm sorry. But, let me explain first. Lahat ng nakita mo, hindi yun totoo." Depensa niya.

"Ayoko na, Asher. Mahal kita pero, mas nangingibabaw ang galit at selos. Sa tuwing maririnig o makikita kita, bumabalik lahat sa utak ko. Kayong dalawa ni Irish sa kama, naghahalikan at wala nang saplot. Masakit yun para sakin, Asher." Ayoko nang pahabain pa ang usapan namin kaya pinatay kona ang tawag.

Ipagtatabuyan muna kita ngayon, Asher. Pero sa oras na dumating na ang ating anak, babawiin ka namin. Hindi ko hahayaang mabuhay ang anak natin na walang kinikilalang ama. Gagawin ko ang lahat, balikan mo lang ako.

Wala akong pakialam kung sino pang tao ang makabangga ko, basta bumalik ka lang sakin.

To be continued

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now