Chapter 8

4.8K 123 2
                                    

Angelica's pov

"Sis, okay lang ba talaga sayo na iwan kita dito?" Tanong ko kay Ava. Nilagnat kasi siya kahapon pa.

Paglabas kasi namin kahapon sa kompanya ay umuulan at nabasa kaming dalawa. Eh, ang babaitang ito ay hindi naligo agad. Ayun, nilagnat na at sobrang sakit daw ng ulo dahil sa sabunot ng babaeng yun kahapon.

Kapag nakita ko talaga ang nanabunot sa kaibigan ko, uupakan ko yun ng dos por dos!

"Oo, ayos lang. May mga trabaho kapa na kailangan gawin eh." Sabi niya.

"Oh sige. Tawagan mo ako kapag kailangan mo ako ha." Bilin ko at tumango naman siya.

"Pahinga kana. Iiwan ko yung gamot at pagkain mo sa kusina. Kumain ka, Ava ha." Sabi ko at kinumutan siya.

"Opo." Natatawa niyang sabi.

"Sige na, malalate nako. Yung bilin ko ha. Umayos ka, Ava! Uupakan talaga kita!" Banta ko at natawa naman siya.

Umalis na ako ng unit namin at nagtungo na sa kompanya.

Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako dun. Dumeretso ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan ako naka destino.

Pagdating ko dun ay tinungo kona ang desk ko at binuksan ang computer tsaka nag simula nang mag trabaho.

"Angelica." Napalingon ako nang may tumawag sakin.

"Sir, how may I help you?" Tanong ko kay Asher.

"Where is Ava?" He asked. I knew it.

"May sakit siya, sir." Sabi ko.

"What?" Gulat niyang tanong.

"Yes, sir. Masakit din ang ulo niya dahil sa ginawa ng fiancèe mo." Pag paparinig ko. Gusto ko kasing ma guilty siya sa nangyari kahit wala siyang kasalanan hehe.

"Anong address ng tinitirhan ni Ava?" Tanong niya.

"Sa condominium po kami nakatira at hindi ko po pwedeng ibigay ang address sayo dahil alam kong gagambalain mo lang ang kaibigan ko kahit nag papahinga siya." Sabi ko.

"Ibibigay mo sakin yung address o tatanggalin kita sa trabaho?" Banta niya.

"Si sir naman, hindi mabiro eh! Ito na, susulatin na." Sabi ko. Ayoko mawalan ng trabaho noh!

Binigay ko na ang papel na may sulat sa kanya at agad niya naman itong binasa.

"Thank you. I'll give you a raise after this." Sabi niya. Wow, galante si Asher ngayon!

"Thank you, sir." Tumango lang siya at umalis na.

Ava's pov

Napaangat ako ng ulo nang marinig kong may mag doorbell.

Sino kaya yun? Kung si Angelica yun ay papasok na lang siya kasi may key card naman yun eh.

Dahan dahan akong bumangon habang nakabalot sakin ang kumot. Medyo nilalamig kasi ako kahit nakapatay ang aircon.

Patuloy lang ang pagtunog ng doorbell kaya mabilis kong tinungo ang pinto at pagbukas ko nito ay halos malaglag ang panga ko nang makita ko si Asher! Paano niya nalaman kung nasaan ako?!

"S-sir." Tawag ko sa kanya at muntik nang ma out of balance pero nasalo niya ako. More like, nahawakan niya ang braso ko bago ako matumba.

"Avaly, please. We're not in the company." Sabi niya.

Pinapasok ko muna siya at nagtungo kami sa sala.

"M-may gusto ka bang inumin?i asked.

"No. Sit here." Sabi niya at tinapik ang tabi niya. Nakaupo kasi siya sa sofa.

My Ex Boyfriend is my Boss! ✓Where stories live. Discover now