Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko na hindi ko maipaliwanag.



Sumulyap siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa kaniyang mga mata dahil hindi ko siya matingnan ng diretso. Bigla ako nakaramdam ng pagkailang!



"Yeah, that's true." Diretsong sagot niya.



Bigla akong nakaramdam ng tila pagkirot ng sa aking dibdib. Parang may karayom na tumusok roon nang marinig ko iyon. Weird!



Ngumiti ako sa kaniya. "Mabuti naman kung ganon." Sabi ko.



Tumingin ako sa labas at sa mga matatayog na gusali itinuon ang aking mga mata. Hindi na muling nagtanong pa.



Nang sabihin sa akin iyon ni Stella, wala naman akong naramdaman na kakaiba. Ngunit bakit ngayon na nanggaling na mismo sa kaniya iyon, ganito ang nararamdaman ko?



I should be happy for him...tama iyon dapat ang maramdaman ko dahil saw akas nag uumpisa na siyang kumilala ng bagong tao na papasukin sa buhay niya.



But what is this strange and stingy feelings I feel inside?



Ilang gabi ako hindi pinatulog nang bagay na iyon. Minsan ay natutulala paa ko sa kakaisip nito. Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako gayong wala naman akong dapat kinalaman roon.



Upang mawala sa isip ko ang bagay na iyon ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aaral.



"Gosh ang gwapo talaga nito oh!"



"OMG! Akin ang isang 'to! Jasper Felix!"



"Bitch, please asa ka dika papansinin niyan!"



Kabi-kabilaang tili, daldalan at kung anu-anong usapan tungkol sa mga gawapo at magagandang varsity players ng university ang naririnig ko sa loob ng room namin.



May roon silang mga hawak na parang magazine kung saan nila tinitingnan ang mga varsity players. Maging sina Yuri at Stella ay nakita kong nagbabasa noon.



Maging sa cafeteria ay iyon ang usapan ng mga katulad kong lower year.



"Eli tingnan mo ang gwapo ko rito oh!" Pinakita sa akin ni Allen ang kaniyang larawan na nasa magazine. Kasama rin pala siya.



"Ano ba iyan?" Tamad kong tanong sa kaniya.



Kami pa lang dalawa ang magkasama sa cafeteria dahil nahuli sa lab iyong apat. Nauna kami para maka-reserved kami ng table.



"Varsity Magazine 'to ng publication org ng university." Sabi niya saka inabot sa akin iyong magazine.



"Diyan nila feani-feature ang ibat-ibang varsity players ng University." Paliwanag sa akin ni Allen binubuklat ko ang bawat pahina.



"Varsity Boys..." Basa ko sa center fold. Hati pala sa dalawang bahagi iyon, hiwalang ang female varsity sa male varsity.



Huminto ang pagbubuklat ko sa pahina kung nasaan ang larawan ni Keano. Tatlong larawan ang nanduon. May larawang sa pool siya at lumalangoy, may kaswal na istura at mayroong top less at swimming trunks lang ang suot.



Sa lahat ng larawan isa lang na-realized ko. Sobrang gwapo talaga ni Keano. Walang pintas ang kaniyang mukha maging ang kaniyang katawan....teka? Ano ba itong iniisip ko? Tsk!



The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن