Hindi ako agad nagsalita at ilang segundo ko pa s'yang tinitigan lang. Dalawang araw na s'yang ganito sa'kin. Tuwing kakausapin ko s'ya, parang bigla biglang nagiinit ang ulo n'ya. Magutos man s'ya, parang kapag wala lang s'yang choice o kaya pagalit pa.


Ano bang ginawa ko? Nung isang araw pa ata mainit ang ulo mo sa'kin.”


Imbis na ang tungkol sa contest ang itanong ko ay yun ang kusang lumabas sa bibig ko. Naguguluhan na rin kasi ako. Kung may problema s'ya sa'kin, pwede naman n'ya akong deretsuhin. Hindi na n'ya kailangan pang idaan sa init ng ulo.




Sinundan at hinabol mo ako para lang itanong yan? Sinabi ko naman hindi ba? Kung sa contest man yan, wala akong oras. Marami akong mahalagang bagay na mas dapat unahin.” Muli sana s'yang magpapatuloy sa paglakad ng magsalita ako muli dahilan para mapatigil s'ya.



Wala naman akong sinabi na ako ang unahin mo ah? Ikaw ang kumumbinsi sa'king sumali. Sabi mo magtiwala ako sa sarili ko. Sabi mo tutulungan mo ‘ko. Okay. Andoon na tayo sa busy ka. Pero sana ipaliwanag mo na lang sa'kin kung bakit ganito ka umasta. Naiinis akong manghula kung ano na naman bang ginawa ko sa'yong hindi tama.”


Napalunok ako bigla sa mahaba kong litanya. Bakit tunog naghihinanakit ang pagkakasabi ko? Bakit ko sinabi ang mga yun!?

Dahan dahan s'yang humarap muli sa'kin at halata pa rin sa mga mata n'yang naiinis s'ya sa presensya ko. At hindi ko na nagugustuhan kung paano n'ya ako itrato ngayon. Na para bang.. Ewan. Hindi na ako sanay na ganito s'ya sa'kin. Dati naman okay lang. Wala akong pakialam. Pero ngayon, parang ang hirap hirap sa pakiramdam.




Sumunod ka.” Matigas n'yang sabi bago muling nagpatuloy sa paglalakad.




Para akong batang wala sa sarili na napasunod na lang. Namamalayan ko na lang na patungo kami sa unit n'ya. Kahit sabay kami at kaming dalawa lang ang nasa elevator, walang umimik sa'ming dalawa. Halatang halata pa rin sa aura n'ya ang pagkaaburido kaya mas pinili ko na lang na huwag magsalita. Baka mas lalo pang lumala ang mood n'ya.


Pagkapasok namin sa unit n'ya ay marahas nyang hinubad ang coat ng uniform nya at pabagsak na umupo sa sofa. Hindi ko malaman kung uupo rin ba ako pero mas minabuti kong tumayo na lang sa gilid ng kaharap n'yang couch.



You only have five minutes to explain.” May bahid ng inis n'yang sabi habang malamig akong tinitignan.

Anong ipapaliwanag ko?”


“Nasasayang ang limang minuto sa pagmamaangmaangan mo.” Iritado n'yang sagot.

Napasinghap na lang ako. Kahit kailan talaga, hindi maintindihan ang ugali ng Apoy na ‘to.



Malalim akong humugot ng hininga at pinakalma ang sarili.


Mali ako. Alam ko naman yun. Pasensya na. Nagpahangin lang ako nung gabing yun.” Mahinahon kong sabi. Baka sakaling himinahon rin ang mood n'ya sa paghingi ko ng pasensya. Kaso mukhang mas lalala pa ata.

ELITESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon