Chapter 42

374 18 3
                                    

42

"Are they already inside?" I asked him once again when we are already at the front of a condo unit. He owns this one too but move out when he acquired his new condo. Dito namin napag-usapan na dalhin sina Tita Karen at Khein dahil hindi ito ang lugar na unang pupuntahan nina Dessa kung sakali.

"Yes," he said and squeezed my hand. He intertwined our fingers and held my hand tightly. Alam kong kinakabahan din siya dahil nasa loob din si Tito Arolf. We decided not to tell them that I was the one they're going to meet so that he'll not plan any bad stuff against me prior to this meeting.

Gusto ko lang silang makausap. Para matapos na 'to.

"Okay, let's go." I exhaled a large amount of air before we finally went inside. Nang tuluyan kaming makapasok ay naabutan namin sila na nakaupo sa salas at nag-uusap habang umiinom ng kape.

Khein was the one who saw us first. Her eyes widened as if she just saw a ghost in me. Mabagal niyang ibinaba ang tasang hawak habang napapatayo.

"What's the problem, Khein?" Tita Karen asked when she noticed the changes in Khein's expressions.

"Ate Naiah..." she uttered unconsciously as she darted her gaze on me.

Lumingon si Tita Karen at bakas ang gulat sa kanya nang makita na rin ako pero agad bumitaw sa akin si Karus nang akmang susugurin ako ni Tito Arolf kaya itinulak niya ito palayo sa akin.

"Tumabi ka Karus! Ipakukulong ko ang babaeng 'yan!" His veins in his head became more visible because of the sudden anger he showed off.

"Arolf! Tumigil ka na!" suway ni Tita Karen na sinusubukan rin siyang pigilan. I remained standing from where I was while I'm feeling nervous. Nagpupumilit pa rin siyang makalapit sa akin pero malakas siyang tinulak palayo ni Karus.

"Can you please stop?! Utang na loob Pa! Apat na taon na akong nakikiusap sa 'yong makinig sa akin. Baka naman ngayon ay pwede ka ng makinig?!" Karus' thunderous voice filled the room. Pero tila walang narinig si Tito Arolf at matalim pa rin ang tingin sa akin.

"Mabuti pala at iyan na mismo ang nagpunta rito. Ipakukulong kita!" He exclaimed as he pointed his finger to me.

"Dinala ko siya rito dahil kakausapin niya sina Mama! At hinayaan kita rito para marinig mo mismo ang totoo!" Bumaling siya kay Khein. "Magsasalita ka na ba ngayon?"

Wala pa rin sa wisyo si Khein na nakatingin sa akin. She started to cry as she nodded. Paulit-ulit siyang tumango.

"I will," aniya.

Humarap sa kanya si Tito Arolf na puno ng pagkalito.

"Ano 'to Alexandra Khein?!"

Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"I'm s-sorry Ate Naiah... I'm really sorry..." she uttered repeatedly. Lumapit siya sa akin at halos lumuhod na sa harap ko.

"Khein," I called her as I went down to help her stand.

"I'm sorry... Kasalanan ko kung bakit ikaw ang pinagbintangan... I w-was scared... I'm sorry..." paulit-ulit niya iyong sinabi habang humihikbi.

"Anong sinasabi mo Khein!? Anong nangyayari?!" sigaw ni Tito Arolf na pinipigilan ni Karus na makalapit sa amin. Ramdam ko na nalilito na siya dahil sa mga sinasabi ni Khein.

"Sinabi ko na Papa. Walang kasalanan si Naiah. Ngayon, makikinig ka na ba?" Karus said in his authoritative tone.

Taas-baba ang dibdib ni Tito Arolf dahil sa mataas ng emosyon.

"Arolf," pakiusap ni Tita Karen sa asawa. "Maupo muna tayo." She tried pulling him until Tito Arolf let her pull him to the couch.

"Hindi ko maintindihan! Dapat ay mabulok ang babaeng iyan sa kulungan!" Tito Arolf can't be stopped.

The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)On viuen les histories. Descobreix ara