Chapter 39

412 21 14
                                    

39

"Ma'am, handa na po ang pagkain," I heard one of the man knocked on my door. Siya iyong laging kausap ni Karus. I think he's the one leading. Siya rin iyong naghatid sa akin dito sa kwarto at nag-assist sa akin.

"Alright. Susunod ako," I answered.

"Okay po," sabi lang nito at hindi ko na siya narinig. Nagsuklay lang ako ng buhok dahil kaliligo ko lang. I don't know why they have prepared clothes here but I just thanked them for that. Umakyat na rin ako pagkatapos since nasa baba iyong kwarto. Napatingin ako sa kwarto ni Karus pero baka nasa taas na rin siya.

"Where's Karus?" I asked him when I saw him mandating other men who were preparing food. I was wondering if it's also part of their job to attend to my needs here.

"Nasa kwarto po Ma'am," sagot nito.

"Hindi siya sasabay sa akin?" I asked because after we talked yesterday, he never leaves his room. Naghintay rin ako kagabi dahil akala ko ay sasabay siya sa aking kumain pero hindi iyon nangyari. Sinabi lang sa akin noong isang doctor na nakakain na raw si Karus at nagpapahinga na.

"Ah.. eh... wala pong sinabi Ma'am e," napapakamot ulong sabi niya lang. "Kain na po kayo Ma'am. Baka nagpapahinga pa po si Sir."

"Oh okay," I only said before thanking them for preparing the food. Naupo na lang ako sa table na inihanda nila. I was even shocked to see that there was steak served. May mga veggies din. Pero parang wala rin akong ganang kumain. Hihintayin ko na lang muna siguro si Karus. Baka later ay lumabas na rin siya.

Gusto ko rin kasi siyang makausap dahil sa nangyari kahapon. I realized that I was wrong. Naging selfish ako at hindi inisip iyong mga taong nag-aalala para sa akin. The sight of Karus looking hurt because of my selfishness made me awake. I can't stand seeing him going through like that because he worries a lot about me. I know he's nag-aalala ng sobra, that's why I understand why he's ignoring me now.

Halos five minutes lang ako naghintay pero napatayo na ako agad dahil hindi ako mapakali. Bumaba na ako ulit para puntahan si Karus. I needed to talk to him. He deserves an apology from me.

"Wait, para ba kay Karus iyan?" I asked when I saw one of the men holding a tray of food. Naiisip ko na talagang parte rin ito ng job description nila e.

"Opo Ma'am," he politely answered. Compared to other men, he looks way younger. Mukha pang mahiyain.

"Pwedeng ako ang magdala?"

"Po? Baka mahirapan po kayo." He was hesitant if he will papayag or not.

"Nope. I can manage. So, can I?" I said, extending my arms.

"O sige po," alangang sagot niya pero binigay na rin sa akin iyong tray.

"Salamat," I said and smiled. Binuksan na lang niya iyong pinto para sa akin para hindi ako mahirapang pumasok.

He closed the door and I just thanked him again. Ibinaba ko iyong tray sa side table at nilibot ang tingin sa kwarto dahil hindi ko nakita si Karus sa kama niya. I thought he's nagpapahinga?

"Karus?" I call him. Sakto naman ay ang paglabas niya from the bathroom at nagtutuyo ng buhok. He's only wearing his sweatpants that's why I can clearly see the drops of water dripping down his body. Nabigla rin siya nang makita ako pero agad ding nag-iwas ng tingin. I cleared my throat. "I brought your breakfast."

He did not respond and just wore his shirt na nasa kama. Nahirapan pa siya dahil sa sugat sa braso.

"Do you need help?" Umiling lang siya at hindi pa rin nagsalita. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?"

The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)Where stories live. Discover now