Chapter 23

374 26 6
                                    

23

"D-Do you just live a-across my u-unit?" Alam kong I like Karus pero grabe naman iyong part na magha-hallucinate na 'ko na nakikita ko siya. I want to slap my face so bad so I could knew if this is true. Nang matauhan ay nakakunot pa rin ang noo niya.

"You moved out?" he finally said. I just nodded at nakatingin pa rin sa kanya. "Since when? Hindi mo sinabi,"

My mouth formed an 'O'. Naiinis ba siya kasi hindi ko sinabi?

"Sasabihin ko naman dapat kaso ang bilis ng pangyayari. I forgot also," nahihiyang sabi ko. He told me pa naman to let him know.

Magsasalita na sana siya nang bigla nakisali sa usapan iyong tummy ko! Sabay kaming napatingin doon. Fuck shit! Eto na naman tayo oh! What kind of sins do I have in the past that I have to suffer from kahihiyan moments with him?!

"Hindi ka pa kumakain?" tanong niya.

"Mag-gogrocery na nga dapat ako,"

"Tara na,"

"H-Ha?" parang ewan lang Naiah?

"I'll buy groceries too,"

"Okay,"

"May listahan ka ba?"

"Listahan of what?" tanong ko.

"Ng mga bibilhin mo," I tapped my forehead once again. I forgot about it also. Dapat nga pala mag-list muna ako gaya ng ginagawa ni Nanang. Paano naman kasi nagugutom na ako!

"Wait, gagawa lang ako," sabi ko sabay bukas ulit ng pinto ng condo. Nilingon ko siya at nakatayo pa rin siya sa likod ko. "Gusto mong pumasok?" he just shrugged tapos ay nauna pang pumasok sa akin. Sumunod ako sa kanya at nilabas iyong phone ko para doon na lang mag-lista.

"Ano 'to? Tubig lang laman ng ref mo," sabi niya habang nakayuko at parang in-inspection iyong ref ko.

"Brand new kasi iyan!" tanggol ko. Kaya nga ako mag-gogrocery eh. Sunod naman pinagbubuksan iyong mga cabinet na walang ring laman na stock.

"Do you really plan to live alone? O papakamatay ka sa gutom dito?" sabay lingon sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kaya nga mag-gogrocery duh?" sabi ko habang nililista iyong mga pagkaing gusto ko pati iyong mga toiletries. But then naisip ko karamihan dito ay iyong mga luto ni Nanang. Hindi naman ako marunong! Dapat pala nag-search muna ako para alam ko iyong mga ingredients. Pero kasi I'm hungry na talaga! "Karus," tawag ko sa kanya.

"Bakit?"

"Do you know how to cook?" tinaasan niya ako ng kilay sabay upo sa couch.

"That's a survival skill. And I live alone since first year so I should know,"

"Ikaw na talaga," Buti na lang marunong siya. "Patulong naman." Sabi ko sabay pakita ng listahan. Gusto ko kasi ng cream of mushrooms na luto lagi ni Nanang kaso 'di ko knows iyong ingredients pati paano lutuin.

"That's easy,"

"Yabang,"

"Ano? You'll teach me na?"

Ngumiwi siya sa sinabi ko.

"Ako na lang muna magluto,"

"Sama nito!" natawa siya. "But wait, dito ka magluluto?"

"Kawawa ka naman nagwawala na tiyan mo," asar pa niya.

"You know what? Let's go. Kung ano-ano nang sinasabi mo," sabi ko sabay hatak sa kanya pababa sa grocery.

Akala ko katulad kami noong mga nasa pelikula na ako iyong mamimili tapos siya iyong magtutulak nung cart. But it turns out iyong kabaligtaran pala. Dahil hindi ko naman alam kung saan nakalagay iyong mga bibilhin ko, ako na lang iyong pinagtulak niya ng cart tapos siya na ang iyong may hawak ng phone ko kasi nandoon iyong listahan.

The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)Where stories live. Discover now