Chapter 19

366 28 14
                                    

19

"You don't believe me." Tumango-tango ako. "Magsama-sama kayo!" Kinuha ko iyong mga gamit ko sa table at padabog na lumabas ng library.

I cried when I got outside kahit na parang tanga. Binagsak ko na lang sa carpet lahat ng gamit ko at saka ni-lock iyong door.

Mas masakit pala iyong hindi siya naniwala kaysa sa nasira iyong gawa ko. Kasi gusto ko siya pero wala siyang tiwala sa 'kin?

Fuck! Gusto ko na siya?!

Nagpalakad-lakad ako sa kwarto habang iniisip iyong new discovery ko.

"Oh my god, I thought crush lang bakit gusto ko na siya ngayon bigla?! Kaya pala ang sakit!"

Napaupo na lang ako sa carpet dahil nangangalay na iyong legs ko kakalakad. Tinignan ko iyong mga cartolina and pens na hinihintay na ako.

"I am going crazy. Fucking crazy!"

Isa-isa kong kinuha iyong mga kailangan ko tapos ay inilapit sa akin iyong coffee table para doon gumawa. It's 8 pm already and I needed to start all over again because shit happened with the previous one. At hindi pa nakakatulong na imbis na sa pagdadrawing lang ang focus ay sumasapaw pa si Karus!

I can say that mas better iyong first kong gawa. Dahil una, good mood ako non. But now, it was just anger all over. Mabuti nga at hindi ko pa napuputol iyong color pencil na hawak ko.

I look on the clock and it's 11 pm na. Hindi na ako sumabay mag-dinner kanina dahil kailangan ko ng tapusin ito at ayaw ko ring makita sina Dessa at Karus.

I don't know how I would finish this one. I still have one more plate to do. Dapat ay matatapos ko na sana iyon. Last two plates na tapos iyong iba paper works na then review na lang for the finals. After all the effort that I gave off, sinira lang ni Vivien. Or maybe ni Dessa? I don't know! I'm just certain that Vivien has the more motive to do that since we had a kinda backfiring conversation.

I know I was aggressive for attacking her that fast. But what can I do? Parang nagdilim na lang talaga iyong paningin ko sa kanila. Not knowing how much effort and hardwork the I put on doing that. At nakasalalay din dito iyong kotse ko! If I can't get into the dean's list, paano na?

I slap my face to battle the sleepiness. Ang sakit na ng mata ko dahil antok na antok na ako. Bumaba ako sa kusina para magtimpla ng kape. Good thing, hindi ko naka-encounter si Karus dahil ewan ko ba. Napansin ko talagang kapag napupunta ako sa kusina ng madaling araw ay naroon din siya.

I drink my coffee while continuing to put on some more shades on my drawing. Naubos ko na iyong kape pero bakit parang mas lalo lang akong inaantok?

Hindi ko alam kung natapos ko ba iyong ginagawa ko. Huling kita ko sa clock ko ay 2 am.

"Oh god," napabalikwas ako ng bangon sa kama. I looked on the clock on my side table at nakita 6 am na. "Wait, did I walk in here and slept?"

Hindi ko maalala.

Bumaba ako ng kama para ayusin iyong mga gamit ko. Nagulat ako nang makitang tapos na iyong plate na ginagawa ko kagabi pati iyong isa pang plate na natitira. Sinong gumawa nito?

I took a quick shower. Tatanungin ko na lang si Nanang mamaya. Nagbihis na ako pagkatapos. I just wore a white shirt and jeans partnered with my white sneakers. I sprayed my perfume at bumaba na. Sa likod ako dumiretso dahil nandoon iyong kwarto nina Nanang. Wala pa rin akong balak na sumabay sa kanila sa breakfast dahil for sure alam na rin ni Daddy iyong nangyari. Mamaya niya na lang ako sermunan dahil nasstress pa ako sa mga pending tasks ko.

"Nang," katok ko sa kwarto.

Sakto naman na palabas siya.

"O, bakit narito ka? Kumain ka na roon bago ka umalis."

The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon