Chapter 25

411 28 24
                                    

25

"Naiah, open the door," I was woken up by Karus shouting. I saw on the clock that it's already 10 am. Tinanghali na ako ng wake up because nag-inom kami ng beer kahapon kasi wala kaming magawa.

Hindi na ako nag-ayos pa tutal ilang beses naman na niyang nakita iyong morning self ko. At sa lahat ba naman ng pinaggagagawa ko, shame isn't an issue for me now.

"What the fuck?" I uttered when I saw him holding the casserole, chopping board with sliced tomatoes, and the sandok. I open the door wider para makapasok siya.

"Nawalan ako ng gas," sabi niya sabay diretso sa kitchen para ilapag iyong mga dala niya. He went to his unit to gather the kangkong and the seasonings. Tapos ay nagsimula na siyang magluto sa kitchen ko.

"I should have my part to the food,"

"Lagi naman," sabi niya lang habang nakaharap sa stove. Bumalik muna ako sa kwarto para maligo dahil kagigising ko nga lang tapos biglang nambulabog 'to. But it's fine. At least I have instant ulam na.

Sanay na rin naman ako. Almost one month na kaming parang nagbabahay-bahayan dito. Minsan nandoon kami sa unit niya nanonood ng mga movies tapos nagluluto rin. Minsan ginagamit namin iyong playstation niya. Pero mas madalas siya sa unit ko dahil trip na trip niya iyong mga gamit ko sa kusina. Tapos iyong account ko sa Netflix iyong madalas na nagagamit. Galing din nito e. Kahit magdire-diretso na lang kami ng pasok sa unit ng isa't-isa, ayos lang. It's like extension iyong units namin.

I just wore a black loose shirt and dolphin shorts because I'm certain that I'm gonna waste another day sa condo. Literal na netflix and chill lang talaga. And it's absolutely fine because I know that another ton of stress is coming kapag nag-start na naman ang school year.

Habang nagluluto si Karus ay nag-sweep muna ako ng floor dahil ang dusty na. I checked on the ref at at may stocks pa naman dahil kaka-grocery lang namin ni Karus. But there are no beers already dahil naubos kagabi.

"I'll buy some beers lang ha," paalam ko pero nakakunot na agad iyong noo niya sa akin. "What? Para may stock lang," depensa ko kaya wala na siyang nagawa at bumaba na ako para bumili.

When I came back, he's already sitting in the couch watching the TV. Lumingon siya nang marinig na pumasok ako.

"Kain na tayo?" tanong niya.

I nodded. "Gutom na 'ko," sabi ko kaya tumayo siya habang nilalagay ko sa ref iyong mga cans ng beer. "Doon tayo sa sala. I'll watch," sabi ko kaya doon kami pumuwesto ulit kahit mayroon nang dining table.

I saw that it's Sinigang the he cooked. We started eating as we watched the anime na ilang linggo na naming kinababaliwan like for two weeks na ata? Aiden recommended this to us since wala nga kaming magawa dito. Patapos na namin ito. Siguro ngayong araw, we'll finish this one.

I wash the plates quickly tapos at bumalik sa sofa para manood. Nasa magkabilang side kami ng sofa at nakahiga kaya paa lang namin iyong nagtatama. We're too focus on what we are watching.

We are both nakatulala when the series just finished.

"What now?" I uttered.

"I'm gonna ask Aiden another series,"

"I want to gala," I groaned. "Maaagnas na tayo rito," I stated a fact. Gusto ko naman makakita ng tao. It's like we are on PBB house na here.

I'm just wondering why we don't even complain na bored kami. I mean, if we don't know what to do we just chill, kwentuhan, watch series and movies and all. You know? Well for me, I'm good as long as its him. Ewan ko sa kanya. Basta masaya naman akong ka-bonding. Self-proclaimed talaga. At saka naaaliw naman siyang ipagluto ako.

The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)Where stories live. Discover now