Chapter 08

454 41 14
                                    

08

"Sa kina Naiah ka nakatira?!" gulat na tanong ni Nicole.

Napasapo ako sa ulo ko. Paano ba naman itong si Karus kaswal na kaswal na itsinismis na sa amin siya ngayon nakatira.

"Yeah..." tamad na sagot ni Karus habang nagbubuklat ulit ng mga papel na dala niya.

"Kung ganoon bakit sinamahan mo siya rito?" usisa naman ni Rhys.

"Because Dad wants to make sure na rito talaga ang punta ko," inunahan ko na si Karus sa pagsagot dahil baka kung ano pang sabihin niya.

"Ahh kaya naman pala. Ayos! May tutulong sa atin. Okay lang ba iyon Karus?" nangingiti pa si Arissa habang naghihintay sa sagot ni Karus.

"Sure." Maikling sagot nito. Umirap ako kahit na hindi niya nakita.

We discussed our concept at nagkasundo kami roon. Pagkatapos ay in-assign kami ni Jane ng kanya-kanyang task. She's our leader since siya naman ang may pinakamaalam sa amin.

I was typing on my laptop when I noticed Matt's glancing at my side. Hindi iyon napapansin ni Karus dahil distracted siya sa pagbabasa o 'di kaya'y sa pagsagot ng tanong ng mga group mates ko.

Nagpatuloy ako sa pag-type sa laptop ko at pag-browse ng information sa mga books na dala ko pero palingon-lingon pa rin si Matt sa akin. Napapatingin din ako sa kanya.

I smirked.

"Hi," I mouthed at him.

He smirked and waved his phone a bit. Nag-type siya roon. Nakuha ko naman iyon at chineck ang phone ko. He sent me a message.

Matt:

You look good.

Ako:

Thanks.

Nagulat ako sa pagtikhim ni Karus sa gilid ko. Mabilisan kong tinalikod ang screen ng phone ko dahil baka mabasa niya pa.

He raised an eyebrow at me. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay. Naputol ang titigan namin nang magtanong ulit ng kung ano sa kaniya si Nicole. I glanced at Matt again whose busy typing on his laptop while playing with his pencil. Nahuli niya ang tingin ko.

I admit it okay. He's cute. And well...I can play today. I smirked at that thought. Kaso ay nang nakita si Karus na nakatingin na naman sa akin ay parang nawalan ng kulay lahat ng plano ko ngayon.

"Why are you staring ba?"

Nakatitig pa rin siya bago nagsalita.

"I'm watching."

I was moved at what he said. Grabe naman! Wala pa nga akong ginagawa. As if he can stop me.

I look at Matt's side again but Karus blocked my view nang may inabot siyang papel sa kabilang side ng table. Hinihintay kong sumandal siya ulit sa chair pero nanatiling nakatukod ang siko niya sa mesa, still blocking my view of Matt.

My phone beeped.

Matt:

Look at the other side.

Right! Ako na lang ang sumandal at nakita ko si nga si Matt kaso ay bahagyang nakatabon pa rin ang matipunong likod ni Karus. I managed to seductively smile at Matt though pero naputol iyon nang biglang sumandal si Karus at naharangan na naman kami!

I moved forward para doon ko naman makita si Matt pero may kung anong inabot na naman si Karus blocking my view again. Sumandal ako ulit at nakita si Matt pero sumandal din si Karus.

Matalim ko siyang tinignan pero tinaasan na naman niya ako ng kilay. He's trying to hide his smirk pero halata ko pa rin iyon. This man!

"Nananadya ka ba?"

The Evil Sister Who Meets Her Prince (Villain Series #1)Where stories live. Discover now