CHAPTER 55

523 41 58
                                    

[Leighra's Pov]

Ilang linggo na naman ang nakalipas ngunit wala pa ring balita.

Nalaman kong umuwi si Zevi ng probinsya nila kasama si Alfie.

Nandito ako ngayon sa kubo, dito sa may resort kung saan kami nanatili n Zero.

Leighra.” Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at mabilis pumaitaas ang init ng dugo ko sa aking ulo.

“What do you need?” I asked Lionela.

“I'm sorry.” Aniya at napaluhod sa aking harapan at umiyak na.

“Sorry, sana mapatawad mo ako, hindi totoo na may nangyari sa amin ni Zero.”

“Wala siyang alam sa nangyari, maniwala ka.”

“I sneak inside their house and found him sleeping, ako lang ang gumawa no'n, hinubaran ko siya, and I take my clothes off too at tumabi para palabasing may nangyari.”

Narinig kita na pupuntahan mo siya pagkauwi, kaya agad akong sumumod noon sa kaniya pauwi at ginawa ko iyon.”

Pag amin niya habang umiiyak, maging ako ay naiyak dahil sa galit ko sa kaniya.

Patawarin mo sana ako, nagawa ko lang iyon dahil desperada akong makuha siya ulit.”

“Buti alam mong desperada ka!” Sigaw ko sa kaniya at naikuyom ko na ang aking kamao.

Patawarin mo ako Leighra, sorry talaga, pakiusap, sorry talaga.” Aniya at halos halikan ang buhangin para ipakita kung gaano siya nagsisisi.

Ano pang silbi ng paghingi mo ng tawad ha! Lionela? Kung iyong taong ginawan mo niyan ay wala na, hindi ko nga alam kung buhay pa o patay, hindi ko alam kung nasaan!” I shouted.

Kahit gusto kong humingi ng tawad doon sa tao dahil sa pag-aakusa ko, wala na! Wala na Lionela! Paano ko tatanggapin iyan ngayon ha!?”

“Ngayon ka pa humingi ng tawad ngayong walang kasiguraduhan kung humihinga pa ba iyong tao!” Punong puno ng galit at hinanakit na sabi ko sa kaniya.

Naiintindihan kong magmamahal ka din, pero sana naisip mo na may bago na! Ayos lang sa akin na nakipagkaibigan ka na lang kesa sa nilandi mo na nga, nakasira ka pa!” Sigaw ko.

“Now! I am hating myself because of that! Sana ikaw na lang ang nawala! Sana lang!” Sabi ko at napaluhod na din sa buhanginan at umiyak kasabay niya.

“I'm so sorry.”

“Sorry talaga, alam kong hindi mo na ako mapapatawad pero hihingi pa rin ako, nasasaktan din ako, I'm so sorry.” Sabi niya sa akin.

Hindi na ako umimik at umiyak lamang lalo.

Naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin at sabay kaming umiyak.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now